CHAPTER FIFTY

239 7 0
                                    

CHAPTER 50: Candidate For The Crown

Third Person POV

"Ito na ang huling araw na tatanggap tayo ng mga kandidato para sa trono ng reyna. Kung hindi makakarating ang iba pa, hindi na natin sila tatanggapin." Seryosong wika ng isa sa mga konseho ng Suffiron Kingdom.

Nagsitanguan naman ang iba pa. Tanda na sang-ayon sila sa sinabi nito. Ngunit tila hindi mapakali ang isa.

Namumutla ito at halata sa kaniya ang panginginig.

"P-pero may k-kulang pa!" Kabadong sigaw nito na nagpagulo sa isipan ng mga konseho. "H-hindi ba't i-isa sa mga dapat na k-kandidato ay si Yssabellia Nova ng Ghazi? Ngunit.. Hindi pa siya dumarating! I-isa siya sa inaasahan ng h-hari sa paligsahan.."

Napapikit naman sa inis si Gretchen, isa sa mga konseho ng Suffiron. Siya ang namamahala sa gagawing paligsahan para sa trono ng reyna.

"The contest will continue, with or without her." Madiin niyang saad gamit ang salitang ingles. Ang mataray niyang pagmumukha ay isa sa mga kinakatakutan sa loob ng palacio.

Dahil kung anong ikina-ganda ng mukha niya, iyon naman ikina-sama ng pag-uugali niya.

"Bukas na bukas ay--"

"Ipagpaumanhin niyo po ang aking presensya ngunit narito po ako upang ibalitang nakarating na ang babaeng nagmula sa Ghazi." Pormal na pahayag ng isang boses.

Lihim na napa-irap si Gretchen. Ayaw na ayaw niya kapag pinuputol ang mga sasabihin niya.

Napatalon naman sa tuwa ang lalaking kani-kanina lang ay halos ma-ihi na sa pantalon dahil sa sobrang kaba. Puno ng galak niyang nilapitan ang lalaki.

"Kung ganoon, na saan na siya?"

"Kasalukuyan po siyang nagpapahinga sa kaniyang silid."

Tumango-tango ang mga konseho. Nakahinga sila ng maluwag dahil wala nang problema. Maaari nang matuloy ang paligsahan ayon sa nais ng hari.

_____

"Nahanap mo na ba siya?"

"Hindi pa, mahal na hari. Ngunit may mga mangangasong nagmula sa Verxus Kingdom ang nakakita sa prinsesa sa San Jacinto Forest."

Madilim ang ekspresyon ng hari habang naka-upo sa kaniyang trono. Naiinis na siya dahil hindi pa rin nahahanap ang kaniyang anak, ang prinsesa.

Kailangan niyang ma-itago ang prinsesa bago pa man ito makita ng mga mamamayan. Dahil kapag nangyari iyon, masisira ang mga plano niya. Mawawala ang tiwala sa kaniya ng kaniyang mga nasasakupan.

Nang hindi sumagot ang hari sa sinabi ni Xander, ang kanang kamay ng hari, sinenyasan niya ang mga kawal na ipasok ang tatlong lalaki.

Mula sa labas ang rinig nila ang mga reklamo nito. Doon nakuha ang atensyon ng hari. Kunot noo itong bumaling kay Xander upang malaman kung ano ang nangyayari.

Sa halip na magsalita ay ngumisi lang siya. Ngayong nasa harapan na nila ang mga mangangasong nakakita sa prinsesa.

"Tanggalin mo 'tong sako sa ulo ko! Walang hiya kayo!"

"Tanggalan niyo." Utos ni Xander sa mga kawal. Agad naman silang sumunod nang walang imik.

"Anong kailangan niyo sa'min?!" Galit na tanong ng lalaking may peklat sa mukha.

"Sila ang mga manganga--"

"Pakawalan niyo kami!"

Iritang bumaling si Xander sa mga kawal at sinensyasan itong hampasin ng latigo ang lalaking sumigaw.

Before The Coronation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon