CHAPTER TEN

2.2K 57 1
                                        

CHAPTER 10: Friends?

NAKAKAINIS! Sino na naman ba kasi ang nga taong 'to? Lagi na lang ako nasasabak sa away, eh hindi naman ako basagulera. Duh!

Mahigpit kong hinawakan ang pouch na naglalaman ng mga pera. Pasimple ko itong inilagay sa bulsa ko para hindi nila makita.

"Anong kailangan niyo sa kanila?" Seryosong tanong ko sa mga ito.

Ngumisi lang sa akin ang isang kalbong lalaki. Mukhang siya ang leader ng mga adik na 'to. Tsk.

"Ate Arianna, s-siya Emmanuel, siya 'y-yung kina.. kinakasama ni i-inay..." Kinakasama? Boyfriend? Agad akong napangiwi habang nakatingin sa mga lalaking nasa harap namin ngayon.

Ang pangit naman ng taste ng mama nila sa lalaki. Pano ba naman, mukhang walang patutunguhan sa buhay ang itsura nito.

"Ikaw babae, ibigay mo na lang sa amin 'yong pera para walang gulo." Desisyon ka?

Tinaasan ko lang ito ng kilay at inirapan. Sa tingin niya ba ay basta-basta ko na lang ito ibibigay? Of course no! Duh? Halos mamatay ako dahil lang sa pagkuha ng mga sampaguita dahil sa mga sagar tapos kukunin niya na lang ng basta-basta ang pera? Damn, this egghead man!

"Sa tingin mo ibibigay ko ang pera sa'yo? Manigas ka diyan, gago!" Napangisi ako nang makitang nainis ang mga ito sa sinabi ko. "Kung gusto mong magkapera, bakit hindi ka na lang magtrabaho? Batugan!"

Sinulyapan ko ang dalawa na mukhang takot na takot. Siguro sinasaktan din sila nitong hayog na'to.

"Humingi ulit kayo ng tulong sa mga kawal.." Mahinang bulong ko sa dalawa. Tumango-tango sila at nagsimula ng tumakbo.

"Oy, oy, oy! Tumatakas 'yung dalawang bubwit! Habulin niyo sila!"

Agad na nalukot ang mukha nung kalbo dahil sa sinabi ng isa niyang kasamahan. Galit itong tumingin sa akin.

Plano ko talagang patakasin dito sina Serra at Seria para hindi sila madamay sa gulo. Siguro ngayon, ang iniisip nila ay tinakbo na ng dalawa ang pera.

Inihanda ko na ang sarili ko para makipaglaban. Huminga ako ng malalim at inalala ang lahat ng lesson ko sa martial arts.

One of the reasons why I'm confident of facing those sagars is because I was taught of martial arts. Ang kaso lang, hindi ko ito sineryoso kaya wala akong masyadong alam.

Parang sipa at suntok nga lang ata ang naaalala ko sa mga lessons eh!

"Ikaw! Pinatakas mo sila. Siguro nasa kanila ang pera!" Galit ang mukha nito at parang nagiging pula na ang buong mukha. Sabi ko na nga ba!

Mahina akong mapatawa sa mukha niya. Damn, really? Nagagawa ko pang tumawa sa oras na 'to?

Sumugod sa akin ang dalawang lalaki na payat ang pangangatawan. Mabilis kong inilagan ang suntok ng isang may mahabang buhok at hinuli ang braso nito. Hinila ko ito palapit sa akin at sinipa siya sa tiyan. Napadaing naman ito sa sakit. Umamba sa akin ng suntok ang isa pa kaya pinansalag ko ang lalaking may mahabang buhok.

Nadalian lang ako sa kanila dahil parang buto't balat na ang mga ito sa sobrang payat.

Nagulat ito dahil sa ginawa ko kaya't itinulak ko sa kaniya ang lalaki. Parehas silang natumba dahil don. Napatingin naman ako sa harap nang sumugod ang lalaking malaki ang pangangatawan at may hawak pang kahoy pamalo.

Ay sheyt!

Mabilis kong inilagan ang atake nito at gumulong palayo. Saktong natyempohan ko ang isang bakal sa gilid kaya ginamit ko itong pansalag sa hampas ng lalaki.

Before The Coronation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon