CHAPTER FIFTY SIX

210 8 0
                                    

The following chapters are written in 3rd POV (^▽^)

CHAPTER 56: Deaths and Griefs

3rd Person POV

"Lahat ng heneral ay magdala ng isang daang kawal upang magbantay sa inyong mga bayan!" Matigas na utos ni heneral Guego, ang pinuno ng mga heneral. "Lahat ng matitirang kawal ay magbabantay dito sa palacio. Magmadali kayo!"

Ang buong Suffiron Kingdom ay binubuo ng labindalawang bayan. Kung kaya't meron din silang labindalawang heneral na nakatakda sa bawat bayan.

Lahat ng mga heneral at mga kawal ay halos hindi na nagkaroon ng oras para isipin kung ano pa ang kanilang gagawin dahil sa sobrang pagmamadali. Kailangan nilang bilisan ang kanilang kilos kundi ay baka wala na silang maabutan pa.

"Ama! Lahat ng mga katulong, babaeng kandidato, at iba pang babaeng nasa palacio ay nasa ligtas na lugar na." Hingal na saad ni Xander. Ngunit bakas sa mukha niya ang matinding pag-aalala at pagtataka. "Ngunit.. nawawala ang tatlo sa mga babaeng kandidato."

"Sino sila?"

"Francesca Ibarra, Arabelle Pappiona at si Aria-.." Saglit na natigilan si Xander bago muling nagsalita. ".. at si Yssabellia Nova."

Sumeryoso naman ang mukha ni Heneral Guego. Nilapitan niya ang anak at ibinigay ang isang espada dito.

Halos hindi naman makapaniwala si Xander sa ginawa ng kaniyang ama. Alam nitong wala siyang kasanayan sa paggamit ng sandata, lalo na ng espada.

"Hanapin mo ang tatlong babaeng iyon.." Utos ni Heneral Guego sa anak. Ngunit bago ito umalis ay may isa pa siyang inutos na nagpakaba kay Xander.

"At isa pa.. protektahan mo ang kapatid mo. Nandito siya, nandito ang prinsesa Agape. Huwag na huwag mo siyang pababayaan.."

Umalis ang heneral nang walang paalam sa anak. Samantalang naiwan naman si Xander na nakatulala.

Nang matauhan siya sa mga ingay na nanggagaling sa labas ay napahigpit siya ng hawak sa espadang binigay sa kaniya ng ama. Ilang beses siyang bumuntong-hininga bago napagpasyahang hanapin ang apat na babae.
______

"Ano ba! Papasukin niyo kami sa loob! Delikado na dito sa labas!"

"Mamamatay kami kapag hindi niyo kami pinapasok!"

"Maawa kayo sa amin, pakiusap!"

"Buksan niyo ang tarangkahan!"

Halos mabingi ang mga kawal na nagbabantay sa tarangkahan dahil sa hiyawan ng mga mamamayan. Hindi na nila alam ang kanilang gagawin lalo na't kahit sila ay kinakain na rin ng takot.

Nagwawala na ang tao sa harap ng tarangkahan. Desperado na kung desperado pero wala na silang ibang alam na lugar na pupuntahan kundi ang palacio. Pilit nilang kinakalampag ang mataas na tarangkahan na gawa sa metal. Sumasakit na ang kanilang mga kamay ngunit hindi nila ito iniinda lalo na ng mga lalaking may malalaking katawan.

Sila ang nangunguna sa pagkalampag sa tarangkahan sa pag-asang ito ay bubukas ngunit nanatili itong sarado.

"Ano nang gagawin natin? Hindi natin sila maaaring papasukin dahil hindi sila magkakasya sa loob ng palacio!" Kabadong wika ng isa sa mga kawal.

"Tama. At saka patuloy na dumarami ang mga tao. Magsisiksikan lang sila sa loob.."

Ang mga mamamayan ang patuloy na dumadami. Galing sa iba't ibang bayan kaya't hindi na rin sila mabilang.

Gustuhin man ng mga kawal na papasukin ang mga tao ngunit hindi pwede. Nagbabakasali din silang baka nandon ang pamilya nila. Pero may sinumpaan silang katungkulan sa palacio, hindi nila ito maaaring suwayin kaya't wala silang magawa kundi pagmasdang ang mga taong nag-iiyakan, nagmamaka-awa at nagsisigawan na sila ay papasukin.

Before The Coronation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon