CHAPTER SIXTY

315 10 0
                                    

CHAPTER 60: End Of This Nightmare

"Nauubos na tayo.." Nanghihinang sambit ng isang kawal.

Ilang oras na ang lumilipas nang makipaglaban sila sa mga demonyong sumasakop sa kaharian nila. Tila hindi nauubos ang mga ito at patuloy pa rin sa pagdami.

Marami nang kawal ang nagsakripisyo ng kanilang buhay. Marami nang buhay ng mga inosenteng mamamayan ang nawala dahil sa pag-atake ng mga demonyong ito.

"Heneral Guego, nakapasok na ang iba sa pala- aahh!" Hindi na natapos ng isang kawal ang sasabihin nang talunin siya ng isang demonyo at kagatin sa leeg. Kaagad siyang binawian ng buhay.

Isang buhay na naman ang nawala.

Ilang beses na napamura ang heneral at tumakbo pabalik sa loob ng palacio. Bawat demonyong nakakaharap niya ay dinadapuan ng matalim niyang espada.

Hindi niya maiwasang mangamba para sa buhay ng dalawa niyang anak sa loob ng palacio. Tahimik niyang ipinapanalangin ang kaligtasan ng dalawang ito. Sana ligtas sila.

Akmang papasok na siya sa loob ngunit natigilan siya nang marinig niya ang sunod-sunod na sigaw ng mga kawal. Nang mapatingin siya sa mga ito, isang lalaking nakasakay sa itim na kabayo ang naaninag niya.

Sa presensyang dala nito, hindi niya maiwasang manginig sa takot.

Delikado.

Pinapalibutan ng maitim na usok ang buong katawan nito at ang usok na ito ay tila isang lason na unti-unting pumapatay sa mga natitirang kawal. Napayukom siya ng kamao.

Ngayon ay nawawalan na siya ng pag-asang matatapos nila ang masamanf bangungot na ito. Lalo pa't sa likod ng hari ng Verxus Kingdom nakasunod ang libo-libo pang mga demonyo na handang pumatay ng mga tao.

Hinding-hindi na sila makakaligtas sa mga ito.

"Diyos ko.."

Hindi na siya nagpatuloy pa sa pagpasok sa palacip at sumugod na sa mga demonyo. Lahat ng galit niya ay inilabas niya. Pinapatay ang lahat ng mga demonyong lumalapit sa kaniya.

Sa sobrang seryoso niya sa pakikipaglaban sa mga ito ay hindi niya napansin ang paglapit sa kaniya ni Maximus. Natigilan siya nang maramdamang may parang sumasakal sakanya at unti-unti siyang lumutang sa ere.

Nabitawan niya ang sandata at pilit ba kumakawala sa mahikang sumasakal sa kaniya.

Nakangisi lang sa kaniya ang lalaki. Para bang natutuwa itong nakikita siyang nahihirapang huminga. Bumilis ang tibok ng heneral sa takot na baka sa kamay nito siya mamamatay. Hindi pa pwede hanggat hindi niya nasisiguro ang kaligtasan ng mga anak niya.

Malalagutan na sana siya nang hininga nang isang lalaking nakaitim na balabal ang bigla na lang lumitaw ang inatake ang lalaking nakasakay sa itim na kabayo.

Dahil nawala sa heneral ang atensyon ni Maximus, nawala ang mahikang sumasakal sa kaniya. Bumagsak siya sa lupa na humahangos. Napasinghap muna siya at mabilis na dinampot ang ang espada at tinutukan ang itim na kabayo.

Nararamdaman niyang hindi lang ito basta kabayo.

Samantala, nagpapalitan naman ng atake ang dalawang lalaki. Lahat ng demonyong nadadamay sa palitan nila ng mahika ay namamatay. Wala sinuman ang nakakaligtas sa laban nilang dalawa.

'Nasaan na ba siya?' Saad ng isa sa kaniyang isip.

Pilit niyang nilalabanan ang hari upang kahit papaano ay maiwasan niyang mapunta ang atensyon nito sa pagwasak sa palacio kung nasaan ngayon ang kapatid niya.

Napatalon siya paatras nang isang bolang itim ang lumitas sa kamay ng hari. Kalaunan ay bigla itong naging isang espadang naglalabas ng itim na usok. Hindi naman siya nagpatalo ang naglabas din ng espada.

Before The Coronation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon