CHAPTER 8: Who Are You?
I FELT the sharp teeth of the sagar penetrated my skin. I groaned in pain as the sting started to spread throughout my arm. Red blood quickly went out to where the teeth penetrated.
"Ahh!"
Napasigaw ako sa sakit. Pakiramdam ko nasusunog ang braso ko dahil sa laway ng sagar. I felt like I'm gonna lose my sanity in so much pain.
Mabuti na lang at naitulak ko si Seria kung hindi, siya ang makakagat ng sagar na 'to.
Gamit ang isa kong kamay ay sinuntok ko ang mata ng sagar kaya napasigaw ito. Agad kong inalis ang braso ko sa bibig nito. Napakagat ako ng labi sa sobrang sakit ng braso ko, ang hapdi ng mga sugat. Napa-upo ako sa pagod.
"Arianna!"
Parehong umiiyak ang dalawa nang lapitan nila ako. Nanginginig pa ang mga kamay nila habang nakatingin sa braso kong patuloy lang ang pagdugo.
"Umalis na kayo dito." Mariin kong saad. Mas mabuting tumakas na sila, masyado nang delikado ang mga sagar dito. "Tumakbo na kayo! Bilis!"
Marahas na umiling si Serra habang nakatingin sa akin. Mahigpit din siyang nakahawak sa damit ko.
"Look, masyado ng delikado dito para sa inyo. Mas mabuti pa kung... humingi na lang kayo ng tulong." Hinawakan ko ang kamay nito at inalis sa pagkakahawak. Nginitian ko sila at tinanguan.
"Sige.. Babalik kami, babalikan ka namin.."
Mabilis na hinawakan ni Serra ang kapatid niya at tumakbo palayo. Pinanood ko lang sila hanggang sa mawala sila sa paningin ko.
'Krrrrrrrrrrk!'
Tatlo pa silang nakakakita. Damn, mukhang hindi ko na kakayanin. Wala na akong ibang maramdaman kundi ang sakit sa braso ko. I feel like half of my body sore.
Umaabot sa utak ko ang sakit!
Nanginginig akong tumayo at sumandal sa puno. Sa ngayon, hinahanap ako ng tatlong sagar. Hindi nila naaamoy ang dugo ko dahil wala naman silang ilong. Hindi rin sila nakakarinig dahil wala silang tainga.
Mahigpit kong hinawakan ang sanga. Dahan-dahan akong pumunta sa likod ng sagar na malapit sa pwesto ko. Nang lumingon ito sa akin ay dali-dali akong tumakbo sa kaniya at tinusok siya sa mata. Sumigaw ito sa sakit at natumba. Mabilis kong itinago ang katawan ko dahil lumingon 'yung dalawa sa pwesto ng sagar na sinaksak ko.
"Ahh.. Shit!" Hindi ko mapigilang mapamura nang masanggi ko ang braso sa puno. Mas lalong tumindi ang sakit na nararamdaman ko.
Napabuntong-hininga ako. Sigurado akong madami nang dugo ang nawala sa akin dahil patuloy lang ito sa pagdudugo. Kung hindi ito magagakot agad, maaari ko itong ikamatay.
Ang madumi kong uniform ay naging pula dahil sa dugo. Punit-punit na rin ito dahil sa pakikipaglaban ko.
Damn, ang mahal pa naman ng bili ni papa sa uniform na 'to.
"Aw, fuck!" Napasigaw ako dahil may humablot sa akin. The hell, paanong..?!
Mapait akong napangiti. Hawak na ako ng dalawang sagar. Putangina!
"Damn this sagar. Isinusumpa ko, sana mamatay na lahat ng lahi niyo! Gago!" I shouted in frustration. Pinagsisipa ko ang mga ito hanggang sa mainis sila sa akin at inihagis ako.
Napapikit na lang ako at hinintay ang pagtama ng likuran ko sa puno. Pero bago iyon ay nakaramdam ako ng malakas na presensya. Wait.. don't tell me someone is watching me die here?!
Tsk. Damn! Hindi man lang ba ako tutulungan? Or maybe, that presence is just my imagination..
So this is how I'm gonna die? Murdered by these ugly monsters? And then what? Kakainin nila ang katawan ko? Matatangap ko pa sana kung mamatay ako sa sakit!
BINABASA MO ANG
Before The Coronation
Fiksi SejarahArianna Venice Samonte is just your typical college student who really loves reading novels, especially those historical stories. One day, she was invited to a museum. She was amazed by all the historical things that the museum have, but what caug...
