CHAPTER 22: Stranger Princess
KUNG nakakamatay lang tingin, sigurado akong kanina pa ako namatay dahil sa mga mata nitong nakatitig sa akin. I don't know how, but I just woke up in an unfamiliar room.
And then, he suddenly appeared in front of me. Now he's giving me some death glare and I don't know why.
Sa pagkaka-alam ko, wala naman akong ginagawang masama sa kaniya. Tinulungan ko pa nga siya. So what's with the glare?
"You sleep too much that it made me want to strangle you to death while you were sleeping." His cold voice send chills to my body.
Hindi ako naka-react agad dahil sa sinabi niya. Wow, just wow.
"Sa ganyang paraan ka ba magpasalamat? Kung ganon, then you're welcome." Inikutan ko ito ng mata bago muling humiga.
Masyado pang masakit ang ulo ko para tumayo. Ayaw ko munang gumalaw-galaw, pakiramdam ko matatanggal ang ulo ko mula sa leeg. Bwisit.
I heard him sighed. Sa tono niya, parang naiinis ito sa sinabi ko.
Bahala siya sa buhay niya.
"I don't need your help that time. In fact, I can even save myself." Mayabang niyang saad na mas ikinainis ko. Sana talaga hinayaan ko na lang siya don!
"Tsk. Oo na lang," Tumagilid ako ng higa. "Siguro.. nahihiya ka lang magsabi ng 'thank yo- Aray!"
Marahas akong tumayo kahit nanghihina at nanlilisik na binalingan siya ng tingin. Kapwa kami nakatitig sa isa't isa habang siya ay hawak ang unan na pinanghampas sa akin kanina lang.
"That's how I expressed my gratitude." His lips curved into a smirk, obviously mocking me.
"Ang pangit naman! No wonder bakit ang pangit din ng ugali mo. Alam mo naman sigurong masakit ulo ko 'di ba? Tapos hahampasin mo ko niyan?" Gigil na gigil ako habang nagsasalita. Hindi ko na napigilan ang sarili na damputin ang isa pang unan at inihagis sa kaniya.
But unfortunately, banlag ako so hindi siya tinamaan. Napakamot ako sa pisngi sa kahihiyan.
Nawala angas ko dun, ah?
"M-masakit kasi ulo ko.. nahihilo ako." Palusot ko pa.
Maya-maya ay nakarinig ako ng mahinang pagtawa. Kumunot ang noo ko dahil kahit pagtawa niya ay pamilyar. Wait, saan ko nga ba 'yon narinig?
"Nagkita na ba tayo dati?" Nakatitig lang ako sa unan. Iniisip ko talaga kung saan ko nakita ang mga mata niya at narinig ang tawa niya.
Hindi na ako nakarinig ng sagot niya kaya lumingon ako dito. And to my surprise, he was already gone. That fast? Paano niya nagawang maglakad nang hindi man lang gumagawa ng ingay?
Napabuntong-hininga na lang ako at humiga ulit sa kama. And weird naman niya.. but somehow I feel safe whenever I'm with him even if it's just in a short period of time. Although minsan nakakaramdam ako ng takot, same feeling when I was saved by unknown.
Kaunti na lang talaga iisipin kong siya na si X. But I don't want my hopes high, baka madismaya lang ako.
Sama pati ng ugali.
Huli kong natatandaan ay ang pagtalon sa akin ng isang itim na leon. At kung hindi ako nagkakamali, katulad iyon ni Deiro, iyong leon na kasama ni X.
And speaking of X, ang tagal na pala nung huli naming pagkikita. Hindi na ako makapaghintay na makaganti sa kaniya.
Duh. Hindi ako nakakalimot pagdating sa mga taong may atraso sa akin.
Oh wait, that's it! Sure na sure akong pareho 'yong black lion ni X sa lion kagabi! So may chance na siya talaga 'yon.
BINABASA MO ANG
Before The Coronation
Historische RomaneArianna Venice Samonte is just your typical college student who really loves reading novels, especially those historical stories. One day, she was invited to a museum. She was amazed by all the historical things that the museum have, but what caug...
