CHAPTER FORTY THREE

350 11 0
                                    

CHAPTER 43: Answers

Hindi agad nakasagot si Fathala sa tanong ko. Tingin ko ay nabigla siya. Pero maya-maya ay ngumiti siya ng malungkot at tumingin kay Ferin. Parang bang nag-uusap silang dalawa gamit ang mga mata.

"Bago ko pa man makilala ang 'yong ama, may unang kasintahan ako. N-nabuntis ako noon pero hindi niya ako.. hindi n-niya ako pinanagutan.." Tumulo ang luha ni Ferin habang nagsasalita.

Ang sakit makita. Hindi ko kaya. Nakakainis, hindi dapat ako nakakaramdam ng ganito..

"Noon sinabi ko iyon kay mama, nagalit siya. At... at- s-siya ang naging dahilan kung bakit.. ako nakunan.. Pinatay niya ang anak ko! Pinatay ka niya Fathala.."

Tuluyan na akong naiyak.

Inabot ni Ferin ang kamay ko at nagmamakaawang tumingin sa akin. Bakas din sa kaniyang mga mata ang labis na pagsisisi.

"N-napuno ng galit ang puso ko noon, Arianna. At lahat ng sakit.. bumabalik sa akin s-sa tuwing nakikita ko ang batang ikaw... Naalala ko ang sakit na hindi ko man lang nailigtas ang panganay kong anak sa kamay mismo ng lola niyo.." Umiiyak niyang saad.

Hindi na lang ako nagsalita. Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kaniya. Wala akong masabi.

Ang tanging pag-iyak lang ang nagawa ko tulad nila.

Matapos ang ilang minutong pag-iyak ay kumalma na kami. Sa lahat ng sinabi nila, hindi pa rin nasasagot ang katanungan ko kung paano napunta dito si Fathala.

"Nang maging limang taong gulang na ako, isang lalaking naka-itim ang nagsabi sa akin ng lahat. Ang sabi niya, namatay ako nang hindi pa pinapanganak kaya't napunta ako sa mundong ito.

Ang mundong ito at ang Earth ay magkakonekta. Parang ito ang kabilang buhay, kapag namatay ka sa Earth dito ka mapupunta kasama ang ala-ala mo sa Earth ngunit hindi mo maaalala ang maging dahilan ng iyong pagkamatay.

Ganoon din ang nangyayari sa mga tao sa mundong ito. Kapag namatay sila, mapupunta sila sa Earth ngunit walang ala-ala na kahit ano tungkol sa mundong ito."

Nakatulala lamang ako habang nakikinig sa kaniya. Itinikom ko ang bibig ko na kanina pa nakanganga, mahirap na baka pasukan ng langaw.

Kung ganoon, lahat ng napupunta sa mundong ito ay patay na sa Earth. Ibig sabihin..

"Patay na ako?!" Gulat kong sigaw. "P-pati si F-Ferin?.."

Hindi ako sanay kung tatawagin ko siyang ina. Hay..

Marahan ulit siyang napatawa bago umiling. Nakahinga naman ako ng maluwag. Pero kung hindi pa ako patay, paano si Ferin?

At saka.. Sino yung lalaking naka-itim?

"Hindi ka pa patay, Arianna." Nakangiti niyang pahayag pero hindi umabot sa mata. "Ngunit si ina.. patay na siya sa mundong Earth.."

Sumikip nanman ang dibdib ko kaya't nahirapan akong huminga. Naramdaman kong nag-iinit ang bawat sulok ng mata ko, naiiyak nanaman ako.

Nang lingunin ko si Ferin ay nagulat din siya pero kalaunan ay tumango rin.

"Hindi ba't napunta ka rito dahil sa kagagawan ng isang tao?" Seryosong sambit ni Fathala kaya't tumingin ako sa kaniya.

Napatango naman ako. Pero paano niya nalaman?

"Simula ng makita ko ang lalaking naka-itim. Nagsimula na rin ako noong magkaroon ng mga kakaibang panaginip. At ang mga panaginip na iyon ay nangyayari sa totoong buhay. Ibig sabihin lang, pangitain ang nakikita ko." Saad niya na para bang nabasa ang katanungan sa isip ko.

Before The Coronation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon