CHAPTER THIRTY SIX

305 7 0
                                    

CHAPTER 36: Fake News

"Lola Anasya, maaari po ba akong magtanong?"

Napabuntong-hininga ako dahil wala na namang sumagot. Pang-ilang beses ko na ba iyong tanong? Sampu? Bente? Hindi ko na alam. Hindi ko naman binibilang.

Nawala na ang ilaw na nagmumula sa kwintas. Kaya't wala akong makita sa loob ng kweba kundi ang kadiliman.

Tiningnan kong ang sugat ko sa binti, tinapalan ko ito ng tela upang hindi magdugo. Ang telang ginamit ko ay mula sa suot kong saya. May kahabaan naman ito kaya pinunit ko na lang.

Sobrang tahimik. Halos mabaliw ako kanina dahil wala akong makausap.

Ilang oras na ba ang nakakalipas? Hindi ko alam. Wala naman akong relo o orasan na dala para malaman ang oras. Pero sa tingin ko magdadalawa o tatlong oras na ang nakakaraan matapos ang sagupaan namin ni Agape.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin akong makapaniwala na kaya niya iyong gawin. Pati na rin sa katotohanang isinawalat niya sa akin.

Kung galing siya sa Earth, sa mundo kung saan kami nanggaling, eh di sana sinabi niya sa akin ng maaga para natulungan ko siya. Pero wala na akong balak na tulungan siya magmula ngayon. Ikaw ba naman balak patayin tapos tutulungan mo pa? Wag na.

"Nagugutom na ako..." Mahinang bulong ko.

Ayokong sumigaw dahil baka mayroong halimaw ang naninirahan sa kwebang ito. Hindi ko na inisip ang bagay na iyon basta mayroon akong lugar na mapagtataguan.

Isinandal ko ang likod sa pader ng kweba. Itutulog ko na lang ang pagod at gutom.

At sana paggising ko ay nandito na sila upang iligtas ako.

___

Third Person POV

"Malapit ko nang makuha! Malapit na sana!" Tila isang kidlat ang dumagundong sa loob ng silid ng hari matapos itong sumigaw sa galit.

Lahat ng bagay na mahawakan niya ay walang pasabing binabato. Walang pakialam kung may matamaan man siya.

Animoy dinaanan ng bagyo ang loon ng silid. Makalat, madumit at maraming sira-sirang gamit.

Gusto man siyang pigilan ng mga kasamahan ngunit alam nilang wala itong magandang maidudulot. Alam din nilang maaaring anumang oras ay mawala sa kanila ang kanilang buhay sa oras na mangialam sila sa pagwawala ng hari.

"Anong kahuluhan ito, Markus?!"

Sabay-sabay na nagsiyukuan ang mga kasamahan ng hari nang pumasok ang reyna. Suot nito ang hindi maipintang reaksyon habang nililibot ang tingin sa loob ng silid ng hari.

Marahas na bumaling ang hari sa reyna. Walang pagdadalawang-isip na simapal ng hari ang reyna. Natumba ang reyna dahil sa lakas ng palad ng hari.

Napasinghap naman ang lahat ng tagapagsilbi at ang mga kasamahan ng hari. Hindi nila inaasahan ang napanood ang ganitong eksena.

"Anong karapatan mong pumasok sa silid ko ng walang pahintulot?" Hindi pa man nakakasagot ang reyna nang magsalitang muli ang hari. "Simula ngayon, hindi na ikaw ang reyna ng Suffiron Kingdom."

Tila tinakasan ng kaluluwa ang reyna matapos magsalita ang hari. Ang lahat ng nakasaksi sa eksenang ito ng hari at reyna ay nagimbal, natakot at nalito.

"Ipaalam sa lahat na naghahanap ako ng bagong reyna sa lalong madaling panahon." Malamig na utos nito sa kaniyang kanang kamay sa palacio.

"Hindi mo maaaring gawin sa akin ito!" Umiiyak na sigaw ng reyna.

Before The Coronation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon