CHAPTER FIFTY FOUR

287 6 0
                                    

CHAPTER 54: Punishment

Unang araw palang pero ramdam ko na agad ang pagkabagod. Pagsusukat palang pero parang ayoko na!

"Pumasa? Bakit pumasa? Ayoko pumasa! Dapat hindi ako pumasa! Pumasa talaga-"

"Isa pang banggit mo ng 'pumasa' at masasampal na kita!" Irap niya. "Natural lang na papasa ka doon dahil ikaw ang pinakabata sa lahat ng kandidato dito!" Dagdag pa niya.

"Eh ano naman kung ako ang pinabata?"

"Duh! Syempre, kung bata ka, mas malusog at maganda ang kondisyon ng katawan mo." Inirapan niya ako sa pangalawang beses. Hmp. Dukutin ko mata mo diyan tapos ipakain ko kay Hudas.

"Iyong iba nga, hindi daw kumain para lang maging payat ang pangangatawan. Meron ding nagpataba para lang pumasa." Dagdag pa niya.

Inirapan ko lang din si Franceska at mas binilisan ang lakad upang maunahan siya. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko pero hindi ko na siya nilingon.

Naiinis ako!

Pasensya na, Noli. Hindi muna kita gagambalain sa kadahilanang ako ay nagluluksa..

Habang naglalakad ay napansin kong nagmamadaling kumilos ang isang babae. Sa pagkaka-alala ko, siya iyong babaeng grabe kung makatitig sa akin.

Halos matunaw ako, e!

Nakaramdam ako ng pagtataka dahil nakita kong pumasok siya sa isang silid dito sa pasilyo. Doon ba ang kwarto niya? Pero sa kabilang pasilyo pa ang daan papunta sa mga silid namin.

Lalapitan ko na sana ang pintuan kung saan pumasok ang babae nang bigla din itong bumukas. Napatingin siya sa akin at biglang ngumito ng malaki. Nanayo ang mga balahibo ko sa paraan ng pagtitig at pagngiti niya.

Ayan na nga ba ang sinasabi ko..

Umatras ako dahil humakbang siya palapit. Hindi nawawala ang ngiti niya sa labi niya na ikinatakot ko.

"M-may gagawin pa p-pala ako haha.. ha.." Hindi na ako nagsayang oras at tumakbo na palayo.

Lumiko ako sa kaliwa ng pasilyo. Ito ang dinaanan ko papuntang bulwagan kung saan naganap ang sukatan kanina.

Hindi ko napansin na may tao pala kaya nabangga ko ito. Sabay kaming natumba dahil sa lakas ng pagkabangga. Narinig ko pa ang galit niyang pagdaing.

"What the hell?!" Galit na sigaw ni Hudas. Natigilan naman ako at unti-unting nilingon ang namumula niyang mukha.

"Uhmm.. impiyerno?" Nangiwi ako.

"You again!" Duro niya sa pagmumukha ko. Muntik pa kong maduling sa darili niya, buti hindi. "Anong ginagawa mo dito? Hindi ba't tapos na ang unang araw ng paligsahan?! You break the rule 1 and rule 3!"

Saglit akong napa-isip upang alalahanin kung ano ba 'yong rule 1 at 3 na 'yon.

Kung tama ako, rule 1 ay respetuhin ang nakatataas at ang rule 3 naman ay huwag gumawa ng kanais-nais sa paligsahan kundi matatangga ka.

Napangiti ako pero agad din nawala. Tumikhim ako bago tumayo at seryosong hinarap si Hudas.

"Ibig bang sabihin nito.. Tanggal na ako?"

Ngumisi siya bago umiling.

"No." Sagot niya at umalis agad.

"P-pero!"

Sinubukan ko siyang habulin pero mabilis siyang nawala sa paningin ko. Inis akong nagpadyak sa sahig.

Sinungaling pala 'yong Hudas na 'yon, e!

Before The Coronation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon