EPILOGUE

979 24 8
                                    


"N-narito sa ating harapan ang mga taong buong tapang na.. ibinuwis ang kanilang buhay para sa kapakanan ng mga mamamayan. Mga taong bayani ng ating.. b-buhay.. Atin silang b-bigyang pugay para sa kanilang katapangan!"

Nag-iyakan ang lahat matapos magsalita ni Gretchen sa harap upang bigyang pugay ang mga taong nagsakripisyo ng kanilang buhay para sa kaligtasan ng lahat.

Ngunit tila naubos ko na ang lahat dahil sa sobrang pag-iyak. Tuyot na ang utak ko at pagod na rin akong umiyak.

Naroon sa mga nakahilerang katawan kasama ang mga taong naging parte ng buhay ko.

Agape. Leuros. Franceska. Kuya Marcel. Ang dating reyna. Maximus..

Nakita nilang lahat kung paano ako iligtas ni Maximus sa gitna ng labanan. Hindi nila siya sinisi sa nangyaring labanan dahil ang lahat nang may kagagawan nito ay ang huling dragon.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Xander.

Hindi na siya sinagot ni Arianna dahil kahit siya ay hindi niya alam kung ayos lang ba siya. Masakit pa rin ang naging dulot ng pagkamatay ng mga mahal niya sa buhay.

"At bago natin wakasan ang araw na ito.." Panimula na naman ni Gretchen kung kaya't sabay silang napalingon dito. ".. ating munang kilalanin ang mga bagong pinuno ng Suffiron Kingdom. Sa kanilang ipinamalas na kagitingan at katapangan sa pagharap sa mga demonyo, sila ang naging susi kung kaya't natalo natin ang kadiliman. Ating bigyang pugay ang ating bagong hari at reyna.. Xander Guego at Arianna..!"
___

Lahat ng tao ay tumulong na sa pagdedesenyo ng parte ng palacio kung saan ay maayos pa at hindi masyadong nasira.

Lahat sila ay nasasabik sa koronasyon ng kanilang bagong hari at reyna. Lubos-lubos ang pasasalamat sa dalawang ito dahil kundi sa kanilang dalawa, ubos na sana ang lahat ng tao ngayon.

"Sigurado akong magiging mabuti at magaling silang pinuno." Saad ng isa.

"Syempre naman! Balita ko, sila daw ang nanguna at namuno sa libo-libong mga lalaki na siyang tumulong sa mga kawal upang labanan ang mga demonyo!"

Patuloy na nag-usap ang mga tao. Nagagalalak sila sa koronasyong mangyayari maya-maya lang. Kahit simple lang at hindi magarbo ang disenyo ay ayos na basta't mabibigyang pagkakakilanlan ang bago nilang pinuno.

"Hanga ako sa ipinakita mong katapangan, anak." Galak na saad ni heneral Guego at tinapik ang balikat ni Xander. "Alam kong magiging isa kang mabuting hari ng Suffiron. Pagbutihin mo ang iyong pamumuno. Alam kong kaya mo iyon, naniniwala ako sa iyo."

Napangiti si Xander at paulit-ulit na tumango. Hindi man niya inaasahan ang nangyaring pagkakatalaga sa kanila ni Arianna bilang hari at reyna ay masaya pa rin siya dahil makakasama niya ang babaeng ito.

Samantala, taliwas sa nararamdaman ng lahat ang nararamdaman ng isang dalagang nakakulong sa kaniyang silid. Ayaw niyang lumabas dahil kahit saan naririnig niya ang salitang iyon.

Koronasyon.

"Ako?.. Isang reyna?" Napatawa siya ng pagak habang nakatulala sa kawalan. "Walang kwenta.. Ano pang silbi ng pagiging reyna kung hindi ko naman mababalik ang buhay ng mga taong mahal ko?"

Unti-unti ay tumulo na naman ang mga luha niya. Parang kahapon lang, ayaw nitong lumabas noong inilibing na ang mga katawan ng mga namayapa.

Napahagulgol na lamang siya nang maalala ang lahat ng mga alala-alang nakasama niya ang nga iyon.

Ang ngiti ng kaniyang kuya Marcel. Ang pagsusungit sa kaniya ni Maximus. Ang paglalambingan ni Leuros at ni Agape. Ang munting pagsasama nila ng dating reyna.. at ang kulitan nila ni Franceska.

Bakit?

Bakit ba lagi na lang siyang naiiwang mag-isa?

Tila may bumulong sa kaniyang isipan. Matatapos lang ang pagdurusang ito kung tatapusin na niya ang oras niya sa mundong ito.

Ni hindi niya magawang maging masaya sa pagkapanalo nila mula sa kadiliman. Mula sa kasamaan. Isang matinding kabiguan ang natamo niya sa pagkapanalong ito.

Paano na?

Hindi niya alam kung paano siya makakabalik sa mundo nila.

Pero.. makakabalik pa ba siya?

___

Ang huling kwento ng storya ng 'Queen Agape' ay natapos bago pa man mangyari ang koronasyon ni Agape bilang reyna ng Verxus Kingdom.

Ano nga ba ang nagyari at bakit natagpuang walang buhay si Agape noong mga oras na iyon?

Marahil ay naiintindihan na ni Arianna kung ano ang nararamdaman ni Agape noong mga panahong iyon.

Kung anong pakiramdam ng maiwan na nag-iisa.

Kung ano ang pakiramdam na alam mong hindi mo na makakasama ang mahal mo para sa kapakanan ng ibang tao.

Dahil hindi inaasahan ng lahat ng tao na makita ang katawan ni Arianna na walang buhay sa sarili niyang kama bago ang koronasyon.
___




Author's Note:

You made it here! Thank you for reading this story.

BTC officially ended here. I hope you had a fun time reading Arianna's journey in this story.

Thank you again. See you in my next story!

Before The Coronation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon