CHAPTER FIFTY ONE

405 12 0
                                    

CHAPTER 51: Sisters

Gaano man kaganda ang buong silid na ito, hindi ko pa rin maiwasang matakot. Malay ko bang sa likod ng magandang kaanyuan nito ay may nakatagong kapahamakan.

Kaya dapat mag-ingat sa mga bagay na maganda lamang sa paningin. Maaaring ang bagay na ito pa ang magdulot sa iyo ng trahedya.

Kanina lang ang nagising ako sa isang malambot na higaan. Hindi ako sanay dahil madalas akong matulog sa lupa, bato o kung saan man sa kagubatan. Namamanhid pa ang braso ko.

Epekto siguro ng lason.

Napapikit ako sa inis. Paano ba ako makaka-alis dito?

Hindi naman lingid sa kaalaman ko na nasa loob na ako ng palacio. Kasalanan 'to ng mga hinayupak na 'yon!

"Huwag lang silang magpapakita sa akin kung ayaw nilang maputulan ng ano.." Ng braso...

Nilibot ko ang buong silid dahil wala akong magawa. Hindi ko kasi mabuksan 'yong pinto, parang may nakaharang sa labas. Kung tatakas man ako gamit ang bintana, hindi rin pwede dahil nakasara din ang mga bintana.

Pakiramdam ko tuloy isa akong preso na nakakulong sa isang sosyal na kulungan.

Natigil ako sa paglilibot nang may kumatok sa pinto. Dali-dali akong nagtago sa ilalim ng kama para hindi nila ako makita. Bahala sila diyan!

Bumukas ang pinto pero hindi ko makita kung sino ang pumasok. Ang tanging nakikita ko lang ay isang pares ng itim na sapatos. Panglalaki.

"Saan nagpunta 'yon?" Inis nitong saad. At tama, lalaki nga 'to.

Nakarinig pa ako ng yabag ng sapatos papunta kung saan. Hindi ko na masundan ang mga paa nito dahil hindi ko na makita.

Kung bakit ba kasi sa ilalim ng kama ko naisipang magtago.

"Alam kong nandito ka lang sa loob. Kapag hindi ka pa lumabas, malilintikan ka sa'kin bruha ka!"

Doon kumunot ang noo ko. Umalis ako mula sa pagkakatago sa ilalim ng kama at mabilis siyang hinarap.

"Sinong bruha? Ha?! Baka gusto mong makatikim ng pangmalakasang sumpa galing sa akin!" Sinamaan ko siya ng tingin.

Hindi siya yung mga lalaking dumukot sa akin. Ibang hinayupak 'tong lalaking 'to.

"Wala akong pake!" Ganti niyang sigaw. Nagulat pa ako nang may ihagis siyang.. kumot? "Mamaya na magsisimula ang pagtitipon. Iyan ang isusuot mo. May pupunta ditong mga katulong upang ayusan ka. Mukha ka kasing bruha."

Padabog itong lumabas ng pinto matapos magsalita. Talagang paninindigan niya talaga ang pagtawag sa akin ng bruha. Tsk.

Inis kong sinipat ang kumot- na hindi pala kumot. Isa itong puting bestida na umaabot hanggang tuhod. Maiksi lang ang mga manggas nito at labas din ang balikat ko. Kumikinang ang damit na ito dahil sa dami ng mga maliliit na dyamante.

Mayroon din itong manipis at silag na puting tela sa likuran pa parang kapa. Prinsesang-prinsesa ang dating.

Napabuntong-hininga ako bago ito inilapag sa kama. Dahan-dahan akong umupo sa tabi nito at pinagmasdan ito nang may maliit ng ngiti.

Gaano man kaganda ang damit na ito ay hindi ako natutuwa. Ito ang isusuot ko sa 'paligsahan' daw.

"Si Yssabellia dapat ang magsusuot nito..." Bulong ko nalang sa hangin.

Nakarinig ako ng sunod-sunod na katok sa pinto. Hindi ko ito nilingon at nanatiling nakatulala sa puting damit.

"Uhm.. Ikaw po ba si Yssabellia Nova?" Saad ng isang maliit na boses.

Before The Coronation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon