CHAPTER 29: Her Mother
KADILIMAN.
Wala akong ibang maaninag kundi kadiliman lamang. Sinubukan kong gumalaw ngunit ramdam kong nakatali nang mahigpit ang mga kamay at paa ko.
Nasaan ako? Anong nangyari?
Ah, tama. Dinukot ako. Sino nga ulit yung mga dumukot sa akin? Ah, oo, hindi ko nga pala sila kilala. Mga estranghero.
Sinubukan kong igalaw ang aking katawan ngunit naging sanhi lamang ito ng pagsakit ng ulo ko. Pakiramdam ko nahihilo ako, nasusuka.
Nakakabinging katahimikan ang maririnig sa lugar kung nasaan ako.
Gusto kong umalis dito. Hindi ko gusto ang nangyayari sa akin.
Pakiusap, tulungan niyo ako.
Iligtas mo ako...
____
Ferin POV
TSK. TSK. TSK.
Napailing ako habang nakatitig sa walang malay na katawan ng lalaking nakaharap ko kanina. Nakatali ito ngayon sa isang puno at duguan ang buong katawan.
Akalain mo nga naman, naturingang trained assassin ngunit wala namang isip. Sinong mag-aakalang natalo ng isang tulad ko ang trained assassin ng hari ng Suffiron? Nakakatawa.
Iyan ang napapala ng mga matataas ang tingin sa sarili.
"Malas mo kung may mapadaan na ano mang nilalang dito. Sigurado akong lasog-lasog 'yang katawan mo." Natatawang bulong ko.
Pero agad din sumeryoso ang mukha ko. Kailangan ko nang umalis.
Tinalikuran ko na ito at mabilis na tumakbo sa direksyon kung saan pumunta ang mga kasamahan niya.
Kailangan kong magmadali. Alam kong sa mga oras na ito, delikado na ang buhay niya.
Alam ko dahil nararamdaman ko.
Nasa panganib ang buhay ng anak ko..
_____
~(Flashback)~
ISANG MALAKAS na sampal ang natanggap ko mula kay mama. Puno ng galit ang mga mata nito habang nakatingin sa akin at sa umbok sa tiyan ko.
Noong nasa kulungan ako, wala sa ayos ang sistema ng utak ko. Galit na galit ako sa lahat. Sinisisi ko ang batang 'yon dahil siya ang dahilan kung bakit ako nakulong. Dahil doon ay kung ano-anong kabulastugan ang ginawa ko sa kulungan. Pumatol ako sa isa sa mva kriminal... at ito ang naging resulta.
Ngunit iba na ngayon. Pinagsisihan ko na ang lahat ng nagawa ko kay Arianna, ang una kong anak. At balak kong bawiin siya upang mamuhay kami kasama ng pangalawa kong anak... ang kapatid niya.
"Ang kapal ng mukha mong bumalik dito galing sa kulungan. Hindi ka na nahiya!"
Wala sa sariling napawahak ako sa tiyan kong may umbok na. Inaasahan ko na ang reaksyon ito ni mama kaya't hindi ko maiwasang matakot para sa anak ko.
Nang malipat ang tingin niya sa tiyan ko ay mas lalong nanlisik ang mga mata niya.
"Wala ka talagang kwentang babae! Hindi pa ba sapat na nagpabuntis ka sa lalaking may asawa na tapos ngayon.. galing kulungan tapos buntis? Aba, ang landi mo!" Galit na galit niyang sigaw. "Hindi ka namin pinalaki ng ganiyan ng ama mo!"
Hindi ko na natiis ang galit na sumiklab sa aking loob. Tsk. Sinungaling!
"Hindi naman kayo ang nagpalaki sa akin! Ako! Ako mismo ang bumuhay sa sarili ko!" Nagsituluan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Ngunit agad ko rin itong pinunasan.
"Anong sabi mo--"
"N-nasaan kayo ni papa noong wala nang pagkain dito sa b-bahay, noong mga oras na wala na akong makain na kahit ano?..." Dahan-dahan akong umiling. "Noong mga oras na may sakit ako, nasaan kayo? Wala! Wala kayong ginawa kundi ang magsugal..."
Lalong nagalit si mama at sa pangalawang pagkakataon sy sinampal niya ulit ako na naging dahilan ng pagkakaupo ko.
Nakaramdam ako ng sobrang sakit sa aking tiyan. Halos mamutla ako ng makita ang napakaraming dugo na dumadaloy palabas sa akin.
Nanginig akong napatingin kay mama.
"M-mama..."
Unti-unting nanlabo ang aking paningin. Ngunit naaninag ko kung paano tumakbo si mama palabas ng bahay.
___
HINDI KO makakalimutan ang araw na iyon.
Ang araw kung saan pinatay ni mama ang anak ko...
Kasalanan niya!
"Ano ba 'yan! Naka-ilang bote ka na ng alak Fey. Lasing ka na!" Inagaw ng kasamahan ko ang hawak kong bote. Balak ko pa sana itong ubusin.
Bakit? Gusto ko pa.. kulang pa.
"Akin na nga 'yan! Ang kill joy nito! Hindi ba't kaya tayo nandito sa club ay para maglasing? Duh!" Natatawa ko siyang inikutan ng mata. Hays..
Limang buwan na ang nakalipas noong malaman kong nakuhanan ako. Masakit. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang sakit.
Pero ano bang magagawa ko? Wala na, nangyari na.
Ang balak kong pagbawi kay Arianna ay nawala na rin. Nawalan na'ko ng gana sa lahat. Sa tingin ko nga ay mas mabuting mawala na lang sa mundo para hindi ko na maramdam ang sakit.
Ito na siguro ang karma ko sa mga kasalanang ginawa ko. Kay Mr. Samonte.. kay Arianna.
Nagsimula na naman tumulo ang luha ko. Hindi ko mapigilan. Nasasaktan talaga ako.
"Umiiyak ka na naman. Sandali nga, dito ka lang, ah! Hihingi ako ng tulong para mai-uwi ka,"
Ilang minuto akong umiyak hanggang sa naramdaman kong may umupo sa tabi ko.
"Kawawa ka naman, binibini. Maaari ko bang malaman kung ano ang sanhi ng 'yong pagluluksa?" Sambit ng matandang lalaki.
Nagtatakang napalingon ako sa kaniya. Na-wiwirduhan ako sa paraan ng pananalita niya.
"Wala kang pake! Umalis ka na nga!"
Kahit malakas ang mga hiyawan ng tao sa club ay rinig na rinig ko kaniyang paghalakhak. Tsk.
May nakakatawa ba sa sinabi ko?
"Hindi ako aalis hangga't hindi mo sinasabi kung ano ang iyong nais."
Sandali akong nanahimik. Ano nga bang gusto ko?
Marami.
Gusto ko ng payapang pamumuhay.
Gusto kong magkaroon ng maayos na pamilya.
Gusto kong... ibalik ang buhay ng anak ko.
"Binibini?"
"Gusto kong mawala sa mundong 'to. At kung pwede, sana mapunta ako sa lugar kung saan magiging tahimik ang buhay ko."
BINABASA MO ANG
Before The Coronation
Narrativa StoricaArianna Venice Samonte is just your typical college student who really loves reading novels, especially those historical stories. One day, she was invited to a museum. She was amazed by all the historical things that the museum have, but what caug...
