CHAPTER FORTY

278 11 0
                                    

CHAPTER 40: Why?

Nakatulala lang ako habang naglalakad pabalik sa kuweba kung saan ako nakatulog kagabi.

Pinilit kong ibaling ang atensyon sa paligid pero hindi ko talaga makalimutan ang narinig kanina. Nalulungkot pa rin ako at nasasaktan.

Parang anumang oras ay maiiyak ako dahil sa sobrang bigat sa dibdib.

Ang dami nang nangyayari sa akin nitong mga nakaraang araw. Halos hindi ko na rin masabayan ang bawat pangyayari, napapagod na akong lumaban. Gusto ko nalang mahiga sa malambot na higaan at magpahinga ng matagal. Iyong tipong hindi na ako magigising.

Pero syempre lalaban ako hanggat kaya ko pa. Gusto ko pang makita ang pamilya kahit sandali nalang.

'Sandaling oras na lang, iha.'

Natigilan ako at gulat na napahawak sa kwintas. Hindi naman siguro ako nababaliw, no? Narinig ko talaga ang boses ni lola Anasya!

"Lola! Mabuti naman at kinausap niyo na ako! Galit ka ba sa akin? Hindi ko naman binigay iyong kwintas, ah? Ito oh, nandito pa rin. Bakit hindi niyo ako kinakausap? Alam mo ba lola Anasya, ang dami kong nalaman ngayon..." Napakagat ako ng labi upang hindi maiyak.

Bakit ba ako nagiging emosyonal ngayon? Para akong bata na inaway ng kung sino dito.

'Tumigil ka nga sa mga drama mo. Hindi mo bagay.'

Napangiti lang ako. Ganun pa rin ang ugali niya, masyadong maldita. Pero natutuwa ako dahil may kausap na ako. Nakakabaliw kasi minsan pag wala akong kausap.

'Pasensya na at hindi kita nasasagot sa mga tawag mo sa akin. Nakatulog lang ako dahil sa panghihina nung pinahiram ko sa'yo ang enerhiya ko.'

Tumango lang ako bilang tugon. Ayos lang naman sa akin. Basta't nandiyan siya ay magiging maayos din ang lahat.

Naalala ko na marami pala akong itatanong sa kaniya.

"Lola, bakit nga pala maraming--"

'Pasensya na, kailangan ko ulit magpahinga. Mag-iingat ka.'

Nakaramadam ako ng inis pero tumango nalang ulit ako. Nagdududa na ako. Sa tingin niya hindi ko napapansin na kada magtatanong ako ay hindi niya ito sinasagot? May inililihim ba siya sa akin?

Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa makarinig na naman ako ng kaluskos. Ano nanaman?

Naghanap ako ng matataguan sa paligid. Dahil palakas ng palakas ang kaluskos ay nagmadali akong lumapit sa isang puno. Ngunit sa kamalas-malasan kong nilalang ay sumabit ang tela na nakapulupot sa sugat ko kaya't wala sa sariling napasigaw ako sa sakit.

Naramdaman ko ng pag-agos ng dugo sa sugat ko. Nanginig ang paghinga ko dahil sa pagkalat ng sakit.

Kinakabahan na ako dahil nararamdaman kong may papalapit sa pwesto ko. Kahit masakit ang binti ay sinubukan kong gumapang.

Hindi pa ako nakakalapit sa puno nang makarinig ako ng pagsigaw.

"Tumigil ka ngayon din!"

Napapikit ako at napakagat sa labi. Ano nang gagawin ko ngayon?

Napahinga ako ng malalim at unti-unting inangat ang katawan. Gamit ang buong lakas ay kumapit ako sa puno upang makatayo ng maayos. Hiningal pa ako ng kaunti.

"Humarap ka!" Muli nitong sigaw.

Unti-unti akong humarap ng nakapikit. Itinaas ko pa ang kamay ko upang malaman nilang hindi ako lalaban. Kasi wala naman akong laban.

"Arianna?!"

Napamulat ako ng mata. Halos tumalon sa tuwa ang puso ko nang makilala kung sino ito. Matagal ko din siyang hindi nakita.

Before The Coronation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon