CHAPTER EIGHTEEN

515 18 0
                                    

CHAPTER 18: The King Of Verxus Kingdom

Dumating na ang oras na pinakahihintay ng lahat sa tuwing sasapit ang katapusan ng buwan. Madilim na ang langit at malamig ang simoy ng hangin.

Nakatayo ako sa harap ng salamin, tinititigan ang repleksyon ng sarili. Wearing a brown sleeveless shirt and an 1 inch above the knee shorts, and a black cloak too.

Hindi ko naman siguro kailangan magsuot ng gown doon diba?

Mula sa suot ko ay dumako ang tingin ko sa suot ng kwintas. Kailan ba magbabalik si lola Anasya? Hindi na ako makapaghintay na masagot ang mga katanungan ko!

Pansin ko sa dalawa na parang hindi na nila hinahanap si lola Anasya. Sa tingin ko wala silang pakealam.

Hindi ba dapat kapag may taong nawawala ay hinahanap ito?

Hindi ko naman kasi nakitang hinanap nila si lola Anasya nang mawala ito. Napabuntong-hininga ako dahil doon. Hindi kaya alam nila ang tungkol kay lola?

"Lola Anasya, kailan ka ba babalik?" Saad ko gamit ang maliit na boses. Nakakainip naman kasi!

Napalingon ako sa pintuan nang may kumatok dito.

"Aalis na tayo." Napairap ako sa hangin dahil sa malamig na boses ni Leuros. Hindi nito hinintay ay sagot ko dahil nakarinig na ako ng yapak papalayo.

Hindi man lang ako nakaganti sa pagsipa niya sa akin kanina. Tsk!

Huminga ako ng malamim bago lumabas ng kwarto. Nakita ko silang dalawa sa sala. Nakasuot rin sila ng cloak. Hindi ko narinig ang pinag-usapan nila kaya nagtaka ako dahil naunang lumabas si Agape. Looks like she's in a hurry..

Why?

Mas lalong napakunot ang noo ko nang humarap sa akin si Leuros. He then suddenly smirk at me. A mocking smirk to be exact.

"Ano nanaman ba?" Nairita ko itong tiningnan.

Hindi niya ako sinagot bagkus ay malakas itong tumawa. Napahawak pa siya sa tiyan niya at napa-upo sa sofa.

Problema nito? Mukhang nabaliw na..

"Tangina mo."

Napatigil ito sa pagtawa. Gulat itong tumingin sa akin. Ako naman ang napangisi dahil sa reaksyon niya. What? It's just a cuss.

"Alam mo bang hindi dapat nagmumura ang isang babae?" Seryoso ang boses nito. Bakit? Big deal ba para sa kaniya ang pagmumura ko? "Anyways, enjoy the Festival, darling. Baka ito na ang huli mo."

_____

Kanina pa ako hindi mapakali habang nagkasakay sa isang karwahe. Ako lang ang mag-isa dito dahil nasa ibang karwahe nakasakay sina Leuros.

Tsk. Okay na rin na nakahiwalay ako sa kanila.

Kinakabahan ako dahil sa huling sinabi ni Leuros sa akin. So, ako 'yung tinutukoy nung kausap niya noon sa sala.

"I need to be careful." Malalim akong napabuntong-hininga.

Hindi ko na alam ang nangyayari. Ibang-iba ang kwento ng mundong 'to sa kwento ng novel. Minsan napapa-isip pa ako na magka-iba ang mundong ito at ang novel.

Come to think of it. Sa isang painting ako napasok, hindi sa mismong book ng novel. Ako lang naman ang nag-iisip na napunta ako sa loob ng novel.

Damn. Sumasakit ang ulo ko sa kaka-isip.

Huminga ako ng malalim bago itinuon ang paningin sa bintana ng karwahe. Puro puno ang nadadaanan namin at halos wala akong makitang kahit ano dahil sa dilim.

Before The Coronation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon