CHAPTER ELEVEN

925 29 0
                                    

CHAPTER 11: X

Malamig ang simoy ng hangin, naka-presko. Ang tubig sa ilog ay malinis at malayang rumaragasa.

Napabuntong-hininga ako at tumayo mula sa pagkaka-upo sa isang bato.

Ngayong araw ay naisipan kong bumalik dito sa ilog kung saan ako unang napunta sa mundong 'to. Sa isip ko, baka makakuha ako ng clue or hint kung paano ako makakabalik sa totoong mundo ko.

Isang tao ang pinaghihinalaan kong may kagagawan ng lahat ng nangyayari sa akin.

Si Ma'am Aga.

Ayoko mang pag-isipan siya ng masama pero siya ang nagbigay sa akin ng invitation sa museum kung saan ko nakita ang painting ni Agape. Naalala ko rin ang kakaibang pakiramdam ko sa kaniya noong huli ko siyang naka-usap bago ako mapunta dito.

Hays, naiinis ako sa sarili ko! Kung sana ay sinunod ko na lang si Kuya Marshal, edi sana hindi ako nai-stress sa kakaisip kung paano ako makakabalik.

Napagpasyahan kong umuwi na lang dahil mukhang wala naman akong mapapala dito. At saka, baka nagtataka na sina Serra at Seria kung bakit ako natagalan dito sa ilog.

Habang naglalakad pa-uwi ay hindi ako mapakali. Pakiramdam ko may sumusunod sa akin pero tuwing lilingon ako sa likod ko ay wala namang kahit sino.

Mas binilisan ko ang paglalakad sa takot na baka namamaligno na ako dito sa gubat.

Ok lang sana kung halimaw 'yung sumusunod sa akin, pero maligno? It's a big no for me! Lalo na't gubat itong nilalakad ko..

Natigilan lang ako sa paglalakad dahil sa patalim na bigla na lang lumipad sa harapan ko. Pinigilan ko ang sarili na sumigaw dahil sa takot na may makarinig sa akin.

Nagmamadali akong nagtago sa likod ng isang puno. Mula sa pwesto ko ay nakita ko ang dalawang tao na nakasuot ng cloak.

"Hanggang kailan pa ba nila balak itago sa mga mamamayan ang nangyayari sa loob ng palacio?"

"Manahimik ka, Sadro! Baka may makarinig sa 'yo!"

Narinig ko ang pag-isimid ng isa na tila naiinis.. Sino ba sila?

"Mas mabuting nang may makarinig sa akin! Ferin, hindi ka ba naaawa sa mga taong maaaring madamay sa paparating na digmaan?!" Halos mapaigtad ako sa pagsigaw nung Sadro.

Kung tama ang hinala ko, tungkol sa pagsakop ng Verxus Kingdom ang pinag-uusapan nila. Tungkol sa digmaan...

Oh shit! Nakalimutan ko ang tungkol sa balak na pagsakop ng Verxus sa Suffiron.

"Itikom mo 'yang bibig mo Sadro! Meron pa akong patalim dito, baka gusto mong hagisan ulit kita nito? At sa pagkakataong ito, tatarak na talaga 'to sa bungo mo."

"Tsk. Subukan mo lang, malalagot ka sa prinsesa."

Mas isiniksik ko pa ang sarili sa likod ng puno dahil mukhang hindi na natiis nung Ferin ang kausap at mabilis itong inatake.

Nakikita ko ang anino nila na nag-aaway. Mabilis ang bawat paggalaw ng kanilang mga anino na para bang sanay na sila sa pakikipaglaban.

Pero napakunot ang noo ko nang bigla na lang nawala ang mga anino.

Huh? Where did they go?

Unti-unti akong lumabas sa pinagtataguan ko na dapat pala ay hindi ko ginawa.

"Sino ka?"

Ramdam ko ang lamig ng patalim nito sa batok ko na siyang ikinakaba ko. Napalunok ako nang wala sa oras, pakiramdam ko ay nawalan ako ng dila at hindi makapagsalita.

Before The Coronation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon