CHAPTER THIRTY NINE

271 7 0
                                    

CHAPTER 39: Reminiscing The Past 2

"Walang maalala ang mag-asawa nang sila ay magising dahil sa alak kaya't inisip nilang katawan nila ang nag-isa nong gabing iyon. Walang naka-alam sa totoong nangyari, nanatili muli si Agatha sa kaniyang silid. Hanggang sa nabalitaan nilang nagdadalang-tao ang reyna.

Tuwang-tuwa ang lahat ng tao, kasama na roon si Effren. Nagdiwang ang buong palacio dahil sa balitang ito. Naisipan ni Effren na maging isang kawal upang malaya niyang mabantayan ang pagdadalang tao ng reyna. Dahil sa kaniyang galing sa pakikipaglaban ay tumaas ang kaniyang posisyon bilang isang heneral.

Dumating ang araw na manganganak na si Agane. Sabik na sabik ang hari na malaman kung anong magiging kasarian ng kaniyang unang anak, ngunit ang kasabikang iyon ay napalitan ng labis lungkot, galit at pagdurusa dahil hindi kinaya ng katawan ni Agane ang panganganak.

Ang pagkamatay ng reyna ay hindi isinapubliko ng palacio, desisyon iyo ng council ng Suffiron. Nakita nila kung paano nagdalamhati ang hari dahil sa kalungkutan.

Dahil hindi ma-aalagaan ng hari ang sanggol ay nagdesisyon ang council ng Suffiron na pagpanggapin ang kakambal ni Agane na si Agatha bilang reyna.

Noon una ang hindi makapaniwala ang hari dahil sa sikretong ito na nabunyag. Galit na galit ito sa paglilihim sa kaniya ngunit wala na siyang nagawa dahil ayaw niyang lumaki ang anak na walang ina.

Hanggang sa paglaki ng prinsesa ay hindi nito alam na kasinungalingan ang bumabalot sa buong pagkatao niya. Gayon din sa isip ng hari, naniniwala siyang anak niya ang batang pinalaki niya sa palacio."

Napakurap ako ng ilang beses, hindi ko na mabilang kung ilan. Nakanganga ang bibig ko na kahit anong oras ay maaring mapasukan ng insekto.

Hindi ako makapaniwala.

Mahirap i-proseso ang lahat ng kinuwento niya sa akin. Nakatulala lang din ako sa kawalan, hindi ko naisip na ganito kalalim ang kwento sa likod ng pagkabuhay ni Agape.

Akmang hahawakan niya ako nang inilayo ko ang sarili sa kaniya. Nakita ko naman ang pagkagulat at pait sa kaniyang mga mata ngunit wala akong pakialam.

Isa lang ang nararamdaman ko sa kaniya ngayon, pagkamuhi. Napakasama niya, napakasamang nilang dalawa.

Marahas akong tumayo at naglakad palayo sa kaniya. Ayokong makasama sa iisang lugar ang babaeng iyon. Wala na akong pake kung siya pa ang dating reyna dahil una sa lahat, hindi naman siya ang totoong reyna, ang kakambal niya iyon.

Sumasakit ang puso ko para kay Queen Agane. Naaawa ako sa nangyari sa kaniya. Napagsamantalahan siya ng hindi niya nalalaman at namatay siya ng hindi man lang nakilala kung sino ang totoong ama ng anak niya.

"S-Saan ka p-pupunta?" Rinig kong sigaw niya.

Hindi ko siya pinansin at mas lalong binilisan ang paglalakad kahit paika-ika ako. Naiinis ako dahil hindi ako makatakbo dahil sa binti ko.

"Masyadong delikado kung mag-isa ka dito sa gubat lalo na't may sugat ang iyong binti!"

Napatigil ako sa sinabi niyang iyon. Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko sa mga halimaw. Mas gugustuhin ko pang makasama ang mga halimaw sa gubat na ito kaysa sa katulad niyang walang awa.

"Nakakatakot nga ang gubat lalo na't may mga halimaw na gumagala dito ngunit may nanaisin ko pang sila ang makasama ko kasya sa isang taong nakayang gawan ng masama ang kakambal niyang wala namang kasalanan sa kaniya." Malamig kong sambit na hindi siya nililingon. "Anong klase kang kapatid?"

"Wala kang karapatan sabihin iyan!" Ramdam ko ng galit sa tono niya.

Sa puntong ito ay humarap na ako sa kaniya. Nakita kong nakatayo na siya at nakakuyom ang magkabilang palad.

"Hindi mo alam ang pakiramdam ko noong mga panahong iyon. Hindi mo alam ang pakiramdam na nakakulong isang silid, nag-iisa at walang nalalapitan. Hindi mo alam ang pakiramdam ng walang taong nagmamahal sa iyo lalo na ng sarili mong magulang!" Muli siyang humagulgol ng iyak matapos magsalita.

"Hindi sapat na dahilan iyan upang hayaan mong magahasa ang kapatid mo!" Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang galit kong ito dahil kung tutuusin, hindi naman ako sangkot sa pamilya nila.

Pero sadyang hindi ko matanggap ang ginawa niya. Papaanong natiis niya ang magahasa ang sariling kapatid? Idagdag mo pang kasabwat niya ang taong gumawa non.

Hindi na siya sumagot pa at yumuko na lang. Napailing naman ako at umalis na sa lugar na iyon. Hindi ko naman kailangan ng tulong niya, kaya ko ang sarili ko. Bahala siya.
____

Agatha POV

Pinanood ko ang likod ni Arianna habang naglalakad siya paalis. Hindi ko maiwasang maiyak dahil sa nangyari.

Dapat hindi ko na lang sinabi ang katotohanan. Ngunit anong magagawa ko? Kahit ilang beses man akong magsinungaling, lalabas at lalabas ang katotohanan ng nakaraan.

Hindi ko iyon matatago habang buhay.

Alam kong sobrang mali ang ginawa ko noon ngunit sa huli ko na napagtanto. Sadyang nabulag lang ako ng galit at inggit sa kakambal ko kaya ko iyon nagawa.

Nagsisisi na ako. Sana hindi ko na lang tinnaggap ang alok ni Effren noon. Sana hindi nabuntis ang kakambal ko at hindi siya binawian ng buhay.

Ngunit kahit anong gawin ko, hinding-hindi ko na maitatama ang mali. Wala akong kakayahang bumuhay ng patay upang magpakilala at humingi ng tawad sa kaniya.

Naisip ko rin, kung hindi ba siya namatay sa panganganak at nalaman niya ang ginawa ko ay mapapatawad niya ako?

Syempre hindi.

Ang tanging magagawa ko lang ngayon ay alagaan at protektahan ang anak niya. Ang pamangkin ko.

Kaya gagawin ko ang lahat upang mapanatili ang kaligtasan niya, kahit kapalit man nito ang buhay ko.

Napabuntong-hininga ako. Ngayong wala na sa mataas na posisyon ay siguradong mahihirapan ako sa paghahanap kay Agape.

Saan ba kasi siya nagpunta?

Napakagat ako ng labi nang mapatingin sa mga halamang gamot na nakakalat sa lupa. Pinaghirapan ko pa man din itong kunin para lang magamot ang sugat niya.

Arianna. Hindi ko inaasahang siya ang tumulong sa akin kanina. Tulad ng sinabi niya sa akin ay talagang mabait siyang bata.

Pero nakapagtataka, saan niya kaya nakuha ang sugat na iyon?

Sariwa pa kasi ang sugat kaya sa tingin ko ay kamakailan lamang niya nakuha ang sugat na iyon.

Maaaring nakuha niya iyon mula sa mga halimaw. Ngunit base sa itura nun, parang sinaksak ito ng matalim na bagay. Napansin ko rin na marami siyang gasgas sa mga braso.

"Hindi kaya nakipag-away siya? Ngunit kanino?"

Before The Coronation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon