CHAPTER 24: The Dangers
NAGISING ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Kahit na inaantok pa ay nagmulat ako ng mga mata.
"Agrh.." Napadaing ako nang biglang sumakit ang ulo ko.
Ano bang nangyari? Mas lalo akong nagtaka nang nakitang nasa ibang silid ako. Kung titingnang mabuti ang paligid, tingin ko nasa library ako. Sa dami ba naman ng mga libro dito na halos malula ako sa taas ng mga book shelf.
"Anong ginagawa ko dito?"
Akmang tatayo na ako nang mapansin ko ang isang libro na nakapatong sa lamesa.
"Kingdoms.." Basa ko sa title nito.
Nagkibit-balikat na lang ako at dinala ang libro palabas ng library. Wala naman sigurong magagalit kung dadalhin ko ito sa kwarto ko 'diba?
Habang naglalakad papunta sa silid ko ay hindi ko maiwasang magtaka. Bakit pakiramdam ko may nakalimutan ako? Paano ako napunta sa library nang hindi ko alam?
Damn. Did I sleepwalked?
Nabalik ako sa katinuan nang may nabangga akong tao. Malakas ang pagkakabangga namin sa isat-isa kaya napa-upo ako sa sahig. Nabitawan ko rin ang hawak kong libro.
"Sorry, I didn't mean to-"
Nag-angat ako ng tingin sa nakabangga ko. Nakangiti ito pero nakakunot ang noo. Huh? Sino 'to? Ngayon ko lang siya nakita dito ah?
"Ay! Sorry, ah? May iniisip lang ako kaya hindi kita napansin." Tumayo ako ay pinagpagan ang sarili.
Pupulutin ko na sana 'yung libro nang unahan niya ako.
"Ayos lang! Anong pangalan mo? Bakit ka nandito? May kasama ka ba?" Ngiting-ngiti ito sa akin na para bang tuwang-tuwa. Kulang na lang ay ilabas niya ang dila niya at voila! Mukha na siyang aso.
Inabot niya sa akin ang libro. Hindi ko na nagawang sumagot sa tanong niya nang may tumawag sa kaniya. Kita ko pa ang pagsimangot niya at padabog na umalis sa harapan ko.
Bigla akong napangiti sa inasta niya. Para siyang bata kung umasta and I find it cute anyway.
"Sayang, hindi ko man lang natanong kung anong pangalan."
Napa-iling ako habang naglalakad.
___
'ANG MUNDO ng Zeppelin ay nahahati sa anim na kaharian. Theranos, Ghazi, Suffiron, Mimena, Yvtrone at Verxus.
Ang Kaharian ng Theranos na makikita sa timog na parte ng mapa ng Zeppelin. Kilala ang Theranos dahil sa pagkakaroon nila ng pinakanalamig na klima. Sinasabing walang makakatagal sa lamig ng klima dito kundi ang mga taga-Theranos lamang.
Ang kaharian ng Ghazi na matatagpuan sa silangang bahagi ng Zeppelin. Kilala ang Ghazi dahil sa kanilang matinding pagsamba sa mga diyos at diyosa. Sinasabi rin na lahat ng mga taga-Ghazi ay biniyayaan ng natatanging kakayahan na tanging sila lamang ang nakaka-alam.
Ang Kaharian ng Suffiron na matatagpuan sa hilagang parte ng Zeppelin. Kilala ang Suffiron dahil pinaniniwalaang sa lugar nila nagmula ang mga makakapangyarihang dragon noong unang panahon. Pinaniniwalaan rin na may dugong dragon ang mga taga-Suffiron.
Ang kaharian ng Mimena na matatagpuan sa kanang parte ng kaharian ng Ghazi. Ayon sa sabi-sabi ng mga matatanda ay noong unang panahon ay parte ng Ghazi ang Mimena. Kilala ang Mimena dahil sa kanilang talento sa paggamot ng kahit anong sakit na ayon sa kanila, biyaya daw ng masa itaaas.
Ang kaharian ng Yvtrone na matatagpuan sa timog na bahagi ng Zeppelin. Sa lahat ng kaharian, ito ang pinakamaliit. Ngunit kahit ganoon, kilala ang Yvtrone dahil sa kanila nagmumula ang mga sandatang may mataas na kaladidad.
BINABASA MO ANG
Before The Coronation
Fiksi SejarahArianna Venice Samonte is just your typical college student who really loves reading novels, especially those historical stories. One day, she was invited to a museum. She was amazed by all the historical things that the museum have, but what caug...
