CHAPTER TWENTY EIGHT

474 9 0
                                    

CHAPTER 28: Abducted

Third Person POV

"Mahal na hari, naparito ako upa--"

"Siguraduhin mo lang na magandang balita ang hatid mo sa akin ngayon, kung hindi, alam mo na kung anong mangyayari." Malamig ngunit bakas sa tono ng hari ang pagka-inis.

Pasimpleng napayukom ng kamao ang binatang nakaluhod sa harapan ng hari. Sa kaniyang isip, tinatawag na niya ang lahat ng santo sa mga oras na ito.

"N-natunton na ng aming grupo ang kinaroroonan ng babaeng inyong hinahanap."

Mula sa walang emosyong mukha ng hari ay sumilay ang isang malademonyong ngisi. Kalaunan ay napahalakhak ito na nagbigay ng takot sa loob-loob ng binata.

Matapos humalakhak ay tumayo ang hari at lumapit ito sa binatang nakaluhod.

"Magaling." Maiksing papuri nito.

Mula sa bulsa ng hari ay kinuha niya ang isang supot na naglalaman ng mga gintong barya. Walang pagdadalawang-isip niya itong nilaglag sa harapan ng binata.

Halos kuminang naman ang mukha ng binata sa nakita.

"Sabihin mo kung saan ko siya makikita." Saad ng hari at bumalik na sa pagkaka-upo sa kaniyang trono.

"Sa kaharian ng mga demonyo, mahal na hari."
_____

Bawat araw na lumilipas ay hindi na ako mapakali sa lugar na ito. Pakiramdam ko kasi paging may nakamasid sa akin.

Napabuntong-hininga na lang ako. Ang tagal na rin pala simula nung mapunta ako sa Verxus Kingdom.

"Ano kayang itsura ng kaharian na ito sa labas?" Tanong ko nalang sa hangin.

Anong gagawin ko ngayon? Lahat sila umalis! Iniwan ba naman ako mag-isa dito sa mansion?! Ang sama!

Ayan tuloy! Sarili ko na lang ang kinakausap ko.

Inis akong tumayo at naglakad papasok sa mansion. Gusto ko pa sanang magtagal doon sa hardin kaso nga lang, ito nanaman ang pakiramdam kong parang may nakatingin sa bawat galaw ko.

"Saan sila nagpunta? Sana naman bumalik na sila bago sumapit ang gabi."

Naglakad ako papuntang kwarto ko. Patingin-tingin din ako kung saan-saan. Damn, feeling ko talaga may nanood sa akin e. Ano to K-drama? Tapos ako yung bida? Tapos si ano naman yung lalaking ma-iinlo-- Uy! Haha..

Nang makapasok ako sa kwarto ay dali-dali akong tumalon sa kama. Napagpasyahan kong matulog nalang, baka sakaling tumangkad ako.

'Ramdam ko ang panganib na nagbabanta sa iyong buhay. Kaya hangga't maaari, mag-iingat ka at protektahan mo ang sarili mo.'

Bakit ba lagi nalang akong hinahabol ng gulo at kamatayan? May galit ba 'tong mundong 'to sa akin kaya't lagi akong dinadawit sa gulo?

Kung tutuusin, hindi naman ako mula sa-- Tama! Baka dahil hindi nga ako mula sa mundong ito kaya lagi akong hinahabol ng kamatayan kasi dapat hindi ako nandito? Tama, tama.

Talino mo talaga, Arianna! Pwede nang maging ano-- Ano nga 'yon? Haha!

"Kung ano--"

Natigil ako sa pagsasalita nang makarinig ako ng ingay sa labas. Dahan-dahan akong umalis sa kama at naglakad papalapit sa pinto.

Nangunot ang noo ko nang makarinig ng mga boses sa labas. Akala ko mag-isa lang ako dito?

"Sigurado ka bang nandito talaga siya?"

"Siguradong-sigurado ako! Nakita ko mismo na buhat siya ng isang lalaki habang nakasakay sa isang itim na leon."

"Matinding gulo ito kung sakaling mahuli tayo..."

"Manahimik ka na! Talagang mahuhuli tayo kung hindi ka pa titigil sa pagsasalita."

Mga akyat-bahay!

Agad akong nakaramdam ng kaba. Napalunok ako ng ilang beses bago lumayo sa pinto. Mabilisan kong inilibot ang tingin sa buong silid, nagbabaka-sakaling mayroong bagay na makakatulong sa akin.

Argh! Bakit wala?

Akmang lalapit na ako sa bintana nang makarinig ako ng mga yabag papalapit sa pinto. Mas lalo nitong nadagdagan ang kaba at takot ko.

Wala sa sariling napahawak ako sa suot na kwintas.

"Nandito siguro siya sa loob."

Ako ba iyong hinahanap nila? Pero bakit?

Mabilis akong humiga sa sahig at gumulong papunta sa ilalim ng kama. Kahit papaano ay nakatago ako. Hindi naman siguro nila iisiping nandito ako diba?

Nahigit ko ang aking hininga nang marinig ang pagbukas ng pinto. Kasabay nito ay ang tunog ng mga yapak ng mga pumasok.

"Sigurado ka bang nandito talaga ang babaeng iyon, Nio?"

"Oo nga! Baka nandiyan lang siya sa paligid, nagtatago. Siguro narinig tayo mg babaeng iyon, ang ingay kasi ng bibig mo."

"Hoy! Bakit ako ang sinisisi mo? Baka nakakalimutan mo, ikaw ang nagplano na pasukin ang mansion na 'to."

"Manahimik ka nga, Seth!"

"Ang lakas din kasi ng loob mong magprisintang pasukin itong mansion. At ang mas malala, mansion pa ito ng hari."

"Tss, dapat talaga si Argo na lamang ang sinama ko dito."

Teka nga, hari? Sinong hari?

Wait... Nasa mansion ako ng hari?! Sandali, sa pagkaka-alam ko, si Maximus ang may-ari ng mansion na ito. Hindi naman siya hari--

"The King of Verxus Kingdom, King Siviero Maximus," Agad akong napatakip ng bibig. Damn it!

"Mukhang alam ko kung saan nagtatago ang babaeng iyon."

Mabilis na bumalot ang kaba sa aking dibdib. Akmang lalabas na ako sa ilalim ng kama nang may nakita akong bilog na gumulong palapit sa akin.

Sandali akong nagtaka hanggang sa bigla itong bumuka at naglabas ng kulay puting usok.

Nanlalaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung ano ito pero huli na ang lahat. Nalanghap ko na ang usok na maging dahilan kung bakit bumigat ang aking talukap at unti-unting nawalan ng malay.

Pero.... lahat sila.. siya.. nagsinungaling sila.. sa akin..

______

Ferin POV

Mabilis ngunit kalkulado ang bawat galaw. Mahirap basahin ang susunod niyang kilos. Nakakainis, halatang isa siya sa mga trained assassin ng hari.

Itinutok nito ang dulo ng hawak na katana sa mukha ko. Hindi ko man makita ang kaniyang mukha ay sigurado akong nakangisi ito.

"Ang lakas din ng loob mong mag-espiya sa palacio ng Suffiron. Tila ikaw mismo ang naghukay ng iyong libingan."

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Sa halip, iniisip ko kung saan na nagpunta ang dalawa niyang kasama.

"Saan nagpunta ang dalawang iyon?" Pagtukoy ko sa dalawa niyang kasamahan.

Tumawa siya sa tanong ko at napa-iling pa. Ibinaba niya ang kaniyang katana at itinukod ito sa lupa.

Hindi nag-iisip.

"Nababaliw ka na. Anong tingin mo sa aki--"

Before The Coronation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon