CHAPTER FORTY ONE

504 16 1
                                    

CHAPTER 41: Disappointment

Agape POV

Nagising ako dahil sa pagtama ng sinag ng araw sa aking mukha. Agad akong napabalikwas nang maalala ang lahat ng nangyari kagabi.

Napakagat ako sa labi upang pigilan ang paghikbi. Dahil sa kagustuhan kong makuha ang kwintas ay muntikan na akong makapatay ng tao.

Pero anong magagawa ko? Ang sabi 'niya' iyon lang ang paraan upang makaalis ako rito sa mundong 'to kapag natapos ko na ang misyon ko.

Inilibot ko ang tingin sa buong paligid ng kwarto, nandito ako sa sarili kong silid. Paano ako napunta dito? Ang huli kong naalala ay may biglang humampas sa batok ko kaya ako nawalan ng malay.

Napalingon ako sa pinto nang bumukas ito at pumasok si Leuros ng may seryosong mukha.

Biglang bumilis ang tibok ng ko dahil sa kaba. Unti-unti ring nanlamig ang mga palad ko.

"Mabuti naman at gising ka na." Malamig nitong saad. Napalunok ako bigla. Balak ko na sanang sumagot nang magsalita pa ito. "Marami akong gustong itanong at nalaman. Pero bago iyon, kumain ka na muna. Alam kong napagod ka sa ginawa mo kagabi."

Inilapag niya sa lamesa ang hawak na gatas at tinapay. Matapos iyon ay walang sabi siyang lumabas.

Napayuko na lang ako. May alam siya sa nangyari kagabi..

Ilang sandali akong natulala bago nagpasyang kainin ang pagkain dahil nakaramdam na rin ako ng gutom. Habang kumakain ay hindi ko maiwasang matakot sa mga tanong ni Leuros. Hindi niya pwedeng malaman na hindi ako ang tunay na Agape. Kailangan kong makaalis dito nang hindi nagkakaroon ng gulo sa pagitan ko-- ni Agape at ni Leuros.

Pero hindi naman siguro siya magagalit sa akin 'diba? Kahit na hindi ako si Agape, kahit na hindi kaluluwa ni Agape ang nandito sa katawan niya, alam kong minahal niya ako.

Sigurado akong hindi niya ako sasaktan.

Matapos kong kumain ay saktong bumukas ulit ang pinto at pumasok si Leuros. Hindi pa rin nagbabago ang mukha niya, seryoso pa din.

Nang dumako ang tingin ko sa kamao niya ay natigilan ako. Mag mga bandahe ang kamay niya na medyo may bahid pa ng dugo. Anong nangyari? Nasugatan ba siya?

Nabalik ang tingin sa mukha niya nang tumikhim siya. Nakatayo lang siya sa harapan ko at nakakrus ang mga braso.

"H-hindi ka b-ba uupo? Baka mangalay ka-"

"Wala kang pakialam." Napatahimik ako.

Ikinuyom ko ang mga kamao ko. Pinipigilan ko ang pagluha dahil sa sakit na bumabalot sa puso ko ngayon. Ang lamig ng pakikitungo niya..

"Sa lahat ng itatanong ko sa iyo, ang gusto kong marinig ay ang katotohanan. Pawang. Katotohanan. Lamang." Diin niyang saad habang malamig na nakatingin sa akin. Wala kong ibang magawa kundi ang tumango.

Ano nang gagawin ko?! Hindi niya pwedeng malaman..

"Bakit ka umalis kagabi?"

"Umalis ako kagabi para.... lumanghap ng-ng s-sariwang hangin." Tumingin ako sa baba upang iwasan ang tingin niya. Pakiramdam ko tumitingin siya sa kaluluwa ko.

Sinulyapan ko siya sandali nang hindi siya sumagot. Ni hindi siya umangal sa naging sagot ko. Nakatayo lang siya habang mariin na nakatitig sa akin.

Nang makita ko ang pagtango niya ang nakahinga ako ng maluwag. Buti nalang naniwala siya kahit alam kong gasgas na ang mga ganoong palusot.

"Bakit ka tumakas kagabi? Dapat ay sinabihan mo ako para nasamahan kita. Alam mo bang nag-alala ako sa iyo?"

Bigla akong napangiti sa sinabi niyang iyon. Tama nga ako. Mahal na mahal niya ako kaya't alam kong hindi niya ako sasaktan.

Before The Coronation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon