CHAPTER FORTY SIX

220 5 0
                                    

CHAPTER 46: Broken Heart

Sa bawat araw na dumaraan ay mas lalong umuusbong ang kaba sa dibdib ko. Nanatili akong tahimik sa mga tanong nila, nagtataka kung bakit naabutan nila ako sa ganoong sitwasyon.

Wala pa ako sa tamang pag-iisip para sabihin sa kanila ang lahat ng nangyari. Bumabalik lang ang sakit sa tuwing naalala ko ang ginawa niya.

Sa loob ng tatlong araw, wala akong ibang ginawa kundi ang magkulong sa silid ko. Wala gusto ko lang.

Pero ang totoo, natatakot ako. Baka bigla na naman silang magpakita sa akin at ituloy na ang pagkitil sa buhay ko. Pero ano pang dahilan ng pagpunta nila dito kung nasa kanila na ang kwintas?

Engot ko rin, e.

Isa pang dahilan ay 'yung kakaibang naramdaman ko sa kaniya. Iyong parang may kung anong nangyayari sa loob ng tiyan ko. Bulate kaya?

Haaayyyss!

"Nababaliw na ako!" Parang baliw kong isiniksik ang sarili sa unan at paulit-ulit itong pinagsusuntok.

Hindi naman ako ganoon kawalang utak para hindi malaman ang nararamdaman ko. Pero kasi ito pwede! Hindi maaari!

Pwede sana kung normal lang ang lahat. Pero hindi e... Hindi ito normal!

Malalim akong napabuntong-hininga at tumihaya sa kama. Tumitig lang ako sa taas hanggang sa makarinig ako ng katok mula sa pintuan.

"Arianna? Maaari ba tayong mag-usap?" Rinig ko ang malumanay niyang tinig.

Hindi pa man ako nakakasagot ay bumukas na ang pinto at pumasok si Fathala.

May maliit na ngiti sa labi niya na ikinataka ko. Pero hindi na lang ako nagtanong at pinagmasdan na lamang kung gaano kahinhin ang bawat pagkilos niya.

"Arianna.. Ilang araw ka nang nagkukulong dito sa silid mo. Maaari ko bang malaman kung bakit? May kinalaman ba ito sa nangyari sa iyo noong natagpuan ka ni ina sa pasilyo?" Sunod-sunod niyang tanong nang maka-upo sa tabi ng kama ko.

Umupo ako at seryosong tumingin sa kaniya. Siguro ay oras na para malaman niya kung ano talagang nangyari.

Na nagpunta rito ang kuya niya at kinuha ang kwintas ni lola Anasya.

"Nagpunta rito ang kuya mo, si Maximus." Diretsong saad ko.

Mula sa malumanay niyang mukha ay napalitan ito ng matinding gulat. Napasinghap siya at dali-daling lumapit sa akin.

"A-ano?.. Paano? Alam niya bang nandito ako? Bakit-... Bakit siya nandito? Anong ginawa n-niya sa iyo? Sinaktan ka ba niya?.." Ramdam ko ang matinding kaba sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya na mas lalong nagpataka sa akin.

Malungkot akong umiling. Hindi niya ako sinaktan pero kinuha niya naman ang isang mahalagang bagay sa akin. Si lola Anasya.

Inilayo niya ang nag-iisang taong nakakaintindi sa lahat ng nararadaman at nararansan ko.

"M-mabuti naman k-kung ganon!"

"Kinuha niya ang kwintas, Fathala. Kinuha niya si lola Anasya!"

Lumayo ako sa kaniya at bumalik sa paghiga. Inabot ko ang kumot at tinakpan ang buong katawan. Namamasa ang buong mukha ko dahil sa mga luha at ayokong makita niya iyon.

Panay lang ang hikbi ko nang bumalot na naman ang sakit sa puso ko. Hindi ko kasi talaga matanggap.

"Arianna..."

Hinagod niya ang likod ko na mas lalong nagpa-iyak sa akin. Paulit-ulit niya iyong ginawa pero hindi pa rin ako matigil sa pag-iyak.

Para siyang isang ate na pinapatahan ang kapatid.

Before The Coronation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon