CHAPTER 35: Arianna vs. Agape
Hindi ako makapaniwala habang nakatingin sa kaniya. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako, malulungkot o maaawa. Nalilito na ako.
"K-kung ganoon nga ang nangyari, na saan na ang totoong Agape?" Nanginginig kong tanong.
Napayuko siya at umiling.
"Hindi ko alam. At wala akong balak na alamin." Inangat niya ang ulo at seryoso akong tiningnan.
Muli akong napa-atras nang humakbang siya papalapit sa akin. Hindi na ako natutuwa sa nangyayari.
Hindi ba dapat matuwa ako ngayon? Kasi meron na akong taong malalapitan dahil parehas kami ng sitwaston. Pwede naman kaming magtulungan.
Ito rin siguro ang dahilan kung bakit iba ang nararamdaman ko sa kaniya. Dahil hindi talaga siya ang tunay na Agape.
"Ano bang kailangan mo?" Matapang kong tanong kahit sa loob-loob ko ay nanghihina na ang tuhod ko.
"Ang kwintas." Mabilis niyang sagot.
Wala sa sariling napahawak ako sa kwintas ni lola Anasya.
'Huwag mong ibibigay!'
Napatalon ako sa gulat dahil sa sigaw ni lola Anasya. Kinakabahan akong napatitig ka Agape. Delikado. Kapahamakan. Iyan ang nararamdaman ko sa kaniya.
"Hindi maaari..." Tanging sambit ko.
Mukhang hindi niya nagustuhan ang narinig kaya dumilim ang mukha nito. Nawalan din ng emosyon ang kaniyang mukha na tila.
"Ibigay mo na sa akin! Kung talagang kaibigan mo ako, ibibigay mo ang kailangan ko upang makaligtas sa mundong ito!"
"Anong ibig mong sabihi-"
"Alam mong sa dulo ng kwento mamamatay si Agape- ako, hindi ba?"
At doon ako nanigas. Unit-unti kong naalala ang mga pangyayari sa kwento ng 'Queen Agape'. Ang akala ko ay wala na itong saysay dahil hindi na tugma ang nangyayari sa kwento at sa nararanasan ko ngayon.
"Ngunit na-iba na ang takbo ng kwento. Maaaring hindi na mamatay si Agape... o ikaw." Sinubukan kong ngumiti sa kaniya.
Pero nawala ang ngiting iyon nang paulit-ulit siyang umiling. Nanikip ang dibdib ko nang nakitang umiiyak na siya.
"Hindi.. Nagbago man ang takbo ng kwento ngunit mananatili ang katapusan nito. Mamamatay pa rin ako pagkatapos ng koronasyon." Humihikbi niyang saad. "Kung kaya't kailangan ko ang kwintas, Arianna. Pakiusap."
Kung ganon, mangyayari at mangyayari pa rin talaga ang katapusan ng kwentong ito. Naaawa ako sa kaniya. Gusto niya lamang mabuhay at makabalik sa mundo kung saan siya at ako nagmula.
Nanginginig kong hinawakan ang dulo ng kwintas upang kalasin ito.
'Huwag mong ibibigay, Arianna. Nakikiusap ako, huwag!'
Napapikit ako at hindi maiwasang maluha. Naiiyak ako sa pagmamakaawa nalang dalawa sa akin. Nalilito na ako kung sino ang susundin ko.
"Arianna..."
'Arianna..'
Wala akong nagawa kundi ang mapa-upo sa lupa. Patuloy akong umiyak na parang isang batang inagawan ng laruan.
Ngayon lang ulit ako umiyak ng ganito.
Ang sakit sa dibdib isipin na kailangan kong mamili sa kanilang dalawa. Sino ba? Kay Agape na katulad ko na nagmula rin pala sa mundo ko at nais maiwasan ang kapalaran ng kamatayan? O si lola Anasya na siyang nagmamay-ari ng kwintas na walang ibang ginawa kundi ang tulungan ako?
BINABASA MO ANG
Before The Coronation
Historical Fiction/COMPLETED/ Arianna Venice Samonte is just your typical college student who really loves reading novels, especially those historical stories. One day, she was invited to a museum. She was amazed by all the historical things that the museum have, b...