CHAPTER FIFTY THREE

471 14 0
                                    

CHAPTER 53: Break The Rules

Kapag gusto may paraan, kapag ayaw may dahilan. Gagawin ko kung anong gusto ko, sa ayaw at sa gusto nila. Wala silang magagawa.

Dalawang araw ang binigay sa aming oras upang makapaghanda sa paligsahan. At ngayon, ito na ang unang araw na gaganapin ang paligsahan.

Napangisi na lang ako habang pinagmamasdan ang sariling repleksyon sa salamin. Mula sa maputla kong mukha hanggang sa nangingitim na labi.

Aakalain mong mamamatay na ako sa isang sakit.

"Sigurado ka ba diyan, ate Arianna? Mukha ka kasing bangkay na pinagtabuyan sa impyerno." Kunot noong tanong ni Seria.

Tumango lang bilang sagot. "Siguradong-sigurado ako. Iisipin nilang may malubha akong sakit kaya pwede akong matanggal sa paligsahan."

Tingnan na lang natin kung anong gagawin nila..
____

"Noli Me Tangere!"

Mabilis akong tumakbo palapit sa kaniya. Napatingin siya sa akin at halos matawa ako naging reaksyon niya.

Nakakatuwa talaga 'tong babaeng 'to! Sarap asarin.

"D-Diyos ko!" Takot niyang sigaw. "Lumayo ka sa akin, demonyo ka!"

"Eto naman! Ako lang 'to, si Yssabellia Nova. Hindi ako demonyo!" Ngising saad ko.

Akmang lalapitan ko na siya nang humakbang siya palayo. Iniharang niya ang kulay dilaw niyang pamaypay sa mukha at sinamaan ako ng tingin.

"Huwag kang lalapit sa akin! Baka mahawa pa ako sa sakit mo!"

"Paano ba 'yan, ayaw kitang layuan."

Humakbang ako ng isang paa. Kahit nakatakip sa mukha niya ang hawak na pamaypay ay kita ko pa rin ang takot at pandidiri sa mga mata niya.

Magsasalita pa sana ako nang humarurot na siya ng takbo palayo. Napatawa pa ako nang muntikan na siyang matapilok.

Sayang! Nahalikan niya sana 'yung sahig.

Nagkibit-balikat na lang ako at patalon-talon na naglakad papasok sa bulwagan. Nang tumapat na ako sa napakalaking pinto nito, rinig ko agad ang mga bungisngisan sa loob.

Bigwasan ko sila diyan.

Pumasok ako sa loob nang walang pakialam. Natahimik ang mga bungisngisan. Ramdam ko rin ang pagsunod ng mga mata nila sa akin.

Uupo na sana ako sa pwesto ko nang may marinig akong bulong na ikinairap ng kaluluwa ko.

"Totoo nga! Tingnan mo siya, nakakadiri!" Maarteng boses nito.

Umubo ako ng napakalakas. Umalingawngaw sa bawat sulok ng bulwagan ang ingay ng pag-ubong ginawa ko. Napahalakhak naman ako sa isip.

Kinuha ko ang panyo sa bulsa at kunwareng nag-ubo pa. Nakita ko kasing may tumalsik na laway galing sa bibig ko.

'Mukhang may iniinda siyang sakit..'

'Eww! Nakakadiri naman, baka mahawa pa tayo niyan!'

'Matatangal 'yan, sigurado ako.'

Napahagikhik ako sa tuwa. Tama. Ganiyan nga ang isipin niyo, mga bubuyog.

Biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Hudas kasama si Gilbert. Akala ko sila lang ang papasok pero natigilan ako ng may dalawa pang pumasok ng tao.

Ang kanilang mukha ay parehong walang emosyon. Bumigat ang presensya sa loob ng bulwagan dahil sa kanila.

Ilang araw na ba ang nakalilipas noong huli ko siyang makita? Linggo? Buwan?

Before The Coronation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon