CHAPTER THIRTY SEVEN

348 7 0
                                    

CHAPTER 37: Meet The Ex-queen

Naalimpungatan ako nang nakarinig ng ingay. Agad na nagising ang diwa ko sa mga yapak at boses na paparating sa pwesto ko.

Dali-dali akong tumayo ngunit agad ding napa-igik. Nakalimutan kong may sugat pala ako sa binti. Tinanggal ko ang nakapulupot na tela dito upang makita ang sugat. Nang tiningnan ko ito ay halos manlumo ako.

Halos mabalutan na ng tuyong dugo ang buong binti ko. Ang sugat naman ay medyo malaki at malalim. Nangingitim rin ang balat ko.

Kailangan ko itong lininsin dahil kung hindi, baka maipeksyon pa ito.

"Itali ang babaeng iyan sa puno. Siguraduhin niyong mahigpit ang pagkakatali para hindi siya makawala."

"Masusunod po!"

Dahan-dahan akong naglakad upang tingnan kung anong nangyayari. Nang sumilip ako ay nakita ko ang isang babaeng walang malay at mga lalaki na sa tingin ko ay mga kawal.

Nakatayo ang isang kawal habang pinapanood ang tatlong pang kawal na itali ang babae sa isang puno.

Pinagmasdan ko ang babae. Kahit may katandaan na ang itsura ay mahahalata pa rin ang kagandagan nito. Nakasuot ito ng luma at maruming damit.

Nang matapos ang tatlo sa pagtali ay umalis na sila. Naghintay pa ako ng ilang sandali bago lumabas sa kweba.

Nang masigurong wala na ang mga kawal ay dahan-dahan akong naglakad patungo sa babaeng nakatali.

Ano kayang kasalanan nito? Hindi naman siya mukhang magnanakaw dahil sa kinis ng balat niya. Hindi rin siya mapayat, katamtaman lang. Malayo ang itsura niya sa mga nakita kong magnanakaw sa mundong ito.

Umupo ako sa harap niya. Tinitigan ko lang siya hanggang sa makaramdam ako ng gutom.

Oo nga pala, kagabi pa ako hindi kumakain.

Tumayo muna ako at nagpasyang maghanap ng makakain. Meron naman sigurong puno dito ng mangga? O pwede namang saging, bayabas o kahit ano na pwedeng makain.

Habang naglalakad ay napatingin ako sa kwintas ni lola Anasya. Kagabi niya pa ako hindi kinakausap, galit ba siya? Pero hindi ko naman ibinigay ang kwintas kay Agape.

Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi ko na alam kung nasaang parte na ako ng gubat. Kung saan-saan na ako napapadpad ngunit tila ang kamatayan at gulo talaga ang sumusunod sa akin.

Tulad na lang ngayon, napatigil ako sa paglakad nang makita ang isang napakalaking tigre sa harapan ko.

Hindi ko nga alam kung tigre ba talaga ito o isang halimaw. Tatlo kasi ang mga mata nito. Ang tainga nito ay apat at hindi normal ang laki nito. Kulay pula ang katawan nito at may lilang guhit sa katawan.

Suminghot-singhot ito na tila ba ay may hinahanap. At doon ko napagtanto ang dumudugo kong sugat ang hinahanap nito.

Napalunok ako at unti-unting napa-atras. Hindi pa ako nakakabawi ng lakas magmula ng nangyari kagabi, hindi ko pa kayang makipagsagupaan sa tigreng ito. Dagdag pa na may sugat ako sa paa at hindi pa ako kumakain.

Umangil ito nang makita ang pag-atras ko. Napansin kong ang laway nito ay kulay berde, nakakadiri.

Sa bawat hakbang nito papalapit sa akin ay ang pag-atras ko rin. Sa sitwasyon ko ngayon, alam kong wala akong laban.

Isa lang ang pag-asa ko ngayon. Pinikit ko ang mga mata at tahimik na nagdasal na sana ay marinig niya ako.

"Pakiusap.." Mahina kong bulong.

Naramdaman kong umihip ng malakas ang hangin. Ilang sandali ay nakaramdam ako ng labis na pananakit ng ulo ngunit humupa rin ito. Nang idilat ko ang mga mata ay halos tumigil ako sa paghinga nang makita ang tigre na wala nang buhay.

Before The Coronation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon