CHAPTER 58: Survival
Hindi agad nakakilos si Xander habang nakatitig pa rin sa babaeng may hawak na bomba. Humigpit ang hawak niya sa isa pang babaeng karga-karga.
"Ikaw ba ang dahilan ng pagkakaroon ng pagsabog dito?" Matigas niyang tanong sa babae.
Hindi sumagot si Arabelle. Tanging ngiti lamang ang nakapaskil sa kaniyang mukha at walang balak na sumagot o kahit magsalita lamang.
Humakbang siya papalapit kay Xander kung kaya't napahakbang din ito pa-atras.
"Huwag kang lalapit!"
Ngunit tila walang narinig ang babae at patuloy pa rin sa paghakbang papalit. Hindi maiwasang matakot ni Xander lalo na't may hawak itong bomba na anumang oras ay maaaring sumabog.
Mamamatay sila kung mangyari iyon.
Hindi na makaisip ng gagawin si Xander. Halo-halong emosyon na ang nararamdaman niya sa pagkakataong ito. Hanggang sa huminto si Arabelle sa pag-abante. Tatlong hakbang ang pagitan nito sa kanila.
Bumilis ang tibok ng puso niya nang i-angat nito ang hawak na bomba. Sa sobrang takot ay napapikit na lang siya at hinintay ang pagsabog na tatapos sa buhay niya at sa buhay ng babaeng karga niya.
Ngunit sa halip na pagsabog, isang tunog na parang may natumba ang narinig niya. Pagmulat niya ng kaniyang mata ay doon siya nakahinga ng maluwag, pero nandoon parin ang kaba sa kaniyang puso.
"A-anong ginawa mo sa kaniya- teka, anong nangyayari?" Litong tanong ni Xander nang makitang parang isang usok na unti-unting nawala ang katawan ni Arabelle.
Isa lang ang alam niya sa nakita, isang demonyo ang babaeng iyon.
"T-tara na.." Hirap na saad ng babaeng bagong dating.
"Sandali lang! Kaya mo pa bang maglakad?" Nag-aalalang tanong niya dito. Pinagmasdan niya ang katawan ng babae na puno ng dugo. Punit-punit din ang suot nitong damit dahilan para makita niya ang mga sugat nito sa likod na para bang nilatigo.
"K-kaya ko p-pa.. Tara n-na. K-kailangan nating u-umalis dito b-bago pa makapasok a-ang mga demonyo."
Hindi na nagtanong pa si Xander at sinundan ang babae. Nag-alala siya sa kalagayan nito ngunit wala siyang magawa dahil may buhat siyang babae.
Iniwas na lamang niya ang tingin sa likuran nitong duguan. Naaawa siya sa dalaga. Ngunit sa kabila nito, alam niya kung saan nakuha ng babae ng mga sugat na ito. Alam niya ang pagpapanggap nito bilang Yssabellia Nova sa siyang labis niyang ikinatataka.
Gustuhin man niyang magtanong pero pinigilan niya ang sarili. Hindi ito ang tamang oras para sa ganoon.
"Anong gagawin mo sa bombang iyan?" Seryoso niyang tiningnan ang bombang hawak ni Arianna.
Bumaling naman ito ng tingin sa kaniya at ngumsi. Nabigla siya dahil doon.
"A-a-alam kong m-araming demonyo ang n-naghihintay sa a-atin paglabas natin ng palacio. At ito.." Itinaas ni Arianna ang bomba at pinagmasdan ito habang nakangisi. "... sa-..sayang naman k-kung hindi m-magagamit, 'diba?"
"Siguraduhin mo lang na hindi ka mapapahamak sa binabalak mo. Delikado ang bagay na 'yan." Nag-iwas si Xander ng tingin matapos iyong sabihin.
Napabuntong-hininga na lamang si Arianna at hindi na sumagot. Alam naman niya kung gaano ito ka-delikado pero wala naman sigurong masama kung gagamitin niya ito sa plano niya. Siguradong matutulungan siya nito sa paghaharap nila ng demonyong hari at ng dragon.
Tahimik ang nilalakaran nila hanggang sa makarinig sila ng mga ungol ng demonyo. Napatigil silang dalawa sa pagkilos.
Nakapasok na sila.
BINABASA MO ANG
Before The Coronation
Historical Fiction/COMPLETED/ Arianna Venice Samonte is just your typical college student who really loves reading novels, especially those historical stories. One day, she was invited to a museum. She was amazed by all the historical things that the museum have, b...