CHAPTER FORTY EIGHT

323 9 0
                                    

CHAPTER 48: Yssabellia Of Ghazi

Hindi ko na mabilang kung ilang araw, linggo o buwan na simula noong mapunta ako sa mundong ito. Pakiramdam ko nga halos isang taon na rin.

Sa haba ng panahong iyon, parang nabura na sa isip ko ang mga salitang ingles na laman ng utak ko bago pa man ako mapunta dito. Nasanay na ako sa pagtatalog.

Pasimple akong sumulyap sa babaeng nasa tabi ko. Tingin ko kulang ang lahat ng salitang laman ng utak ko para ilarawan kung gaano kaganda ang babaeng 'to.

Parang diyosa.

Siguro nung nagpa-ulan ng kagandahan ang langit sinalo niya lahat tapos ako nakasilong lang.

Isinandal ko ang katawan sa dingding ng maliit ng kubo na ito. Napagod ako sa paghila sa kaniya dito. Ang bigat, e.

Akalain mo 'yon, kung hindi halimaw ang makaharap ko habang naglalakad, e taong walang malay ang bumungad sa akin. Hindi pa ako sigurado kung tao ba talaga ito o diwata o diyosa.

Mula sa mahabang buhok nito na kulay puti hanggang sa kinis at mala-porsena niyang balat. Halatang hindi siya isang pangkaraniwang tao.

Ano kayang nangyari sa kaniya?

Hay nako! Dumagdag pa problema ko. Hindi ko siya pwedeng iwan doon sa gubat ng walang malay kaya hinila ko siya.

Hanggang sa heto, nakahanap ako ng bahay-kubo. Pasensya na lang sa kung sinong may-ari nito.

Isang araw na ang nakakalipas matapos kong layasan yung kastilyo nila Ferin. Hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano-ano.

Hinahanap kaya nila kaya nila ako? O baka hindi kasi galit silang dalawa sa akin.

Bumalik ang tingin ko sa babae nang bigla siyang kumibot ng kaunti. Hanggang sa minulat na niya mga mata niya at gulat na napatingin sa akin.

Galing! Green eyes!

"S-Sino k-ka?" Gulat niyang sigaw.

Napasiksik pa siya sa sulok ng kubo at niyakap ang sarili. Kumunot naman ang noo ko sa inasta niya. Mukha kasi siyang takot na takot.

"Hindi ako masama.." Tanging sambit ko.

"T-tinatanong ko k-kung s-ino ka, hindi k-kung ma-s-sama ka o h-hindi.."

Hala? May saltik ba 'to sa utak? Nabagok ata.

Pero tama naman. Ang engot, tinatanong kung sino ako tapos ang isasagot ko 'Hindi ako masama'?

Nawalan na siguro ako ng utak. Meron ba ako non?

"Kailangan ko nang umalis." Sikreto ko siyang inirapan bago tumayo.

"S-sandali!"

Naiinis akong lumingon sa kaniya. Mukhang nahalata niya ang pagkainis ko sa mukha kaya't napayuko siya.

Bakit kasi ganon? Kung sumagot sa kanina parang hindi ko siya tinulungan, ah?

"Pa-Pasensya na s-sa inasal ko... Hindi lang tala-ga ako s-sanay na-.. ano.. may ibang tao.." Nahihiya niyang saad.

Napakamot na lang ako sa batok at napagpasyahan siyang lapitan. Nakakaawa kasi, e. Para siyang pusa na hindi alam ang gagawin. Ang ganda pa naman sana kaso... maganda siya.

Ayokong mag-isip ng masama sa kaniya pero hindi ko maiwasan lalo na sa paraan ng pagsagot niya kanina.

Nasasaktan ako!

"Ano bang nangyari sa iyo? Nakita kita kanina na walang malay doon sa gubat." Pagtatanong ko.

Nagulat ako nang bigla siyang umiyak. Nataranta ang utak ko at hindi alam ang gagawin. Ang lakas ng iyak niya! Baka marinig kami ng kung anong nilalang dito, mapasabak pa ako sa labanan!

Before The Coronation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon