CHAPTER 33: The End Is Near
SINUBUKAN kong kalasin ang tali sa kamay ko ngunit ayaw talagang matanggal sa pagkakabuhol. Kanina pa ako naiinis!
Sa totoo lang, kinakabahan ako. Hindi ko na alam kung anong nangyayari. Ilang oras na ang nakalilipas nang lumabas si Markuz-- ang Hari ng Suffiron Kingdom. Wala kong balak na tawagin siyang hari matapos niya itong gawin sa akin.
Kahit siya pa ang ama ni Agape, wala akong pakialam.
Ang tahimik ng buong paligid. Mas nakapagdagdag pa ito sa nararamdaman kong kaba.
Ano bang nangyari sa labas? Bakit may sumigaw? Sino yung sumigaw? Bakit? Ano ba iyan!
Kating-kati na'kong tumayo at sumilip kung anong nangyari sa labas sa maliit na siwang ng pinto. Kung sana ay may dala lang akong bagay na makakatulong sa akin.
"Iha.. Mukhang nakalimutan mo na ang tungkol sa akin."
Nanlalaki ang mga mata ko at mabilis na napatingin sa kwintas na suot ko. Oo nga pala!
"Lola Anasya! Nandyan ka lang pala huhu." Mangiyak-ngiyak kong nagpasalamat sa lahat ng Santo sa mundong ito.
"Huwag mo akong artehan ng ganyan, hindi bagay sa iyo."
Biglang umurong ang mga luha ko at napataas ng kilay. Sungit ah, ganyan ba talaga pag matanda na?
"Manahimik ka! Naririnig ko ang tinig mo sa isip babae. Imbis na mag-isip ka ng kung ano-ano, bakit hindi ka umisip ng paraan para maka-alis dito?" Mataray nitong sermon. Pero hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng kilabot sa kaniya.. siguro dala lang ito ng kung ano-anong nangyayari sa'kin.
Napabuntong-hininga naman ako at tumingin sa paligid. Wala talaga akong magagamit ng bagay dito.
"Mahigpit ang pagkakatali sa akin, lola. Wala naman akong dalang matalim na bagay sa akin..."
Narinig ko ang paghinga niya ng malalim bago na muling nagsalita.
"Hindi pa sapat ang pahinga ko upang mag-anyong tao. Ngunit kaya kong maglaan sa katawan mo ng enerhiya upang dumoble ang lakas ng katawan mo."
Hindi na ako nakasagot nang makaramdam ako ng init sa katawan. Tama nga ang sinabi ni lola Anasya, pakiramdam ko dumoble ang lakas ko ngayon.
"Nakakamangha! May kakayahan ka palang gawin ang ganito?" Tuwang-tuwa kong pinakiramdaman ang buong katawan ko. Nakakaginhawa ang pakiramdam.
"Marami pa akong kayang gawin, Arianna. Maaaring ang iniisip ming imposibleng mangyari ang pwedeng maging posible gamit ang kapangyarihan ko."
Napa-iling na lang ako nang mahimigan ang yabang sa tono niya.
"At iyan din ang dahilan kung bakit maraming tao ang naghahangad sa kakayahan mo bilang ang huling dragon sa panahong ito."
Nanigas ako sa kinauupuan bang marinig ang tinig ni Markus. Dahan-dahan kong inangat ang ulo at nilingon siya.
"Hindi ako nagkakamali, nasa iyo nga." Humalakhak ito ng napakalakas na nagpatindig ng balahibo ko.
Hindi ko alam ang mararamdaman sa kaniyang sinabi. Pakiramdam ko ay nasa isang delikadong sitwasyon ang buhay ko ngayon. Hindi na ito isang biro.
"A-anong bang p-pinag--pinagsa-sabi mo?.." Nangiginig ang labi kong saad.
"Hindi mo alam?" Muli siyang tumawa ng napakalakas. Tila natutuwa sa nangyayari. "Ilang libong taon na ang nakalilipas. Mga panahon king saan payapang namumuhay ang mga dragon at mga tao. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, naging sakim ang mga dragon, sinumpa at pinatay nila ang lahat ng tao sa--"
BINABASA MO ANG
Before The Coronation
Historical FictionArianna Venice Samonte is just your typical college student who really loves reading novels, especially those historical stories. One day, she was invited to a museum. She was amazed by all the historical things that the museum have, but what caug...
