CHAPTER TWENTY SEVEN

1.2K 28 0
                                        

CHAPTER 27: His Name

"BINIBINI, pwede po bang magtanong?"

Binalingan ko ng tingin si Ara na nagpupunas ng bintana.

Isinarado ko muna ang librong binabasa ko at tumango. Agad naman siyang ngumiti at lumapit sa pwesto ko.

"Ano bang itatanong mo? Siguraduhin mo lang na hindi iyan kalokohan, baka makaltukan kita ng wala sa oras." Nangiwi siya sa sinabi ko. Umirap lang ako sa hangin dahil kabisado ko na ang mga prank-prank nila sa'kin.

"Hindi naman po, hehe." Kumamot ito sa ulo bago umupo sa kaharap kong upuan.

"Ahm.. Nasaan po ang pamilya niyo?"

Natigilan ako sa tanong nito. Unti-unti ay bumalik sa akin ang mga ala-ala kung saan kasama ko pa sila mama at papa, sina kuya Marshall at kuya Marcel at ang kaibigan kong si Cindy..

Matagal na panahon na rin pala ang nakalipas simula nang mapunta ako sa mundong ito. Halos mawala na sila sa isipan ko.

"A-ah, Binibini! Ayos l-lang po ba k-kayo?"

Natauhan ako ng marinig ang natatatantang boses ni Ara. Napakurap ako ang ilang beses. Doon ko lang napagtanto na umiiyak na pala ako.

Mabilis kong pinahid ang mga luha sa pisngi ko at pilit na ngumiti sa kaniya.

"A-ayos lang ako, huwag kang mag-aalala. Napuwing lang ako, ang dami kasing alikabok, e! Sige, alis na muna ako."

Dali-dali akong tumayo at naglakad paalis. Mabilis akong naglakad papunta sa kwarto ko.

Naninikip ang dibdib ko at lumalabo na rin ang mga paningin ko dahil sa luha.

Nami-miss ko na sila. Gusto ko nang umuwi sa amin at magpahinga. Gusto kong matamdaman muli ang yakap ni mama sa akin tuwing nalulungkot ako. Gusto ko nang makita ang ngiti ni papa na nagpapagaan sa pakiramdam ko tuwing may problema ako.

Pero paano iyon mangyayari kung nandito ako sa mundong ito? At wala pang kasiguraduhan kung makakabalik pa ako.

Paano kung hindi na ako makabalik?
Paano kung akala nila nilayasan ko sila?
Paano kung magalit sila sa akin?
Paano kung isipin nilang patay na ako?

Natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari sa akin sa mundong ito. Natatakot akong mamatay nang hindi man lang nakakapag-sorry sa mga magulang ko sa lahat ng kasalanang ko.

Nakakalungkot na nag-iisa ako sa mundong ito.

Mas lalo akong mapahikbi sa mga tanong na gumugulo sa isipan ko ngayon. Ang sakit sa pakiramdam, hindi ko kakayanin kung malaman kong galit sila mama at papa sa akin. Hindi ko kaya...

Nanghina ang mga tuhod ko at napa-upo na lamang sa isang sulok. Tinakpan ko ang bibig ko upang walang makarinig ng bawat hikbing lumalabas sa bibig ko.

Akala ko walang nakakarinig, pero nagkamali ako.

Napatitig ako sa isang pares ng magagandang sapatos na nasa harapan ko. Itinaas ko ang ulo ko at nakita siya.

Napatingin ako sa puting panyo na inaabot niya sa akin. Nagdalawang-isip pa ako kung tatanggapin ko ito pero sa huli, tinanggap ko rin.

Hindi ko alam pero mas lalo akong napa-iyak. Siguro... Hindi naman ako nag-iisa dahil nandito siya.

Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko. Hindi ko na siya nilingon. Gamit ang panyong binigay niya ay pinunasan ko ang mga luha sa mukha ko.

Katahimikan ang bumalot sa pagitan naming dalawa. Tanging ang paghinga lang namin at pagsinghot ko ang maririnig.

Before The Coronation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon