CHAPTER THIRTY ONE

439 10 0
                                    

CHAPTER 31: Finding Arianna

Ferin POV

Mabilis ang bawat galaw ko ngunit maingat pa rin upang hindi makagawa ng kahit anong ingay. Delikado na ang gubat dahil sa kadiliman ngunit kailangan kong mailigtas ang aking anak.

Nararamdaman ko ang kaniyang presensya. Kahit na hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng presensya niya ay tinuloy ko pa rin ang pagsunod dito.

Napatigil ako sa pagtakbo nang makaramdam ng hindi kaaya-ayang presensya. Sinuri ko ang buong paligid ngunit bigo akong matukoy kung saan ito nanggagaling.

Napayukom ako ng kamao. Hindi ito ang tamang oras para makipaglaban. Kailangan ako ni Arianna.

Umatras ako ng ilang hakbang mula sa isang puno. Tinipon ko ang enerhiya sa aking mga binti at mabilis na lumundag papunta sa sanga ng isang puno.

Hindi naman ako nabigo at naabot ko ito. Mula sa aking baywang ay tinanggal ko ang lupid na nakapulupot dito. Hindi ko aakalaing gagamitin ko ang bagay na ito na nagmula pa sa aming prinsesa.

Isang bagay na nagtataglay ng itim na salamangka.

Gamit ito ay nagsimula akong magpalundag-lundag sa ibat-ibang sanga ng mga puno.

Akmang lulundag na sana ako sa isang sanga ng biglang may sumulpot na anino sa aking harapan. Sa gulat ko ay nadulas ang aking binti kung kaya't diretso akong nahulog sa lupa.

"Arggh!" Ramdam ko ang pagtama ng ulo ko sa isang bato.

"Sino ka?!" Galit kong sigaw matapos makatayo.

Sa halip na sagutin ang tanong ko ay isang tawa ang narinig ko. Mas lalo lamang nadagdagan ang galit ko.

Hindi maaari! Matatagalan ako kung sakaling harangin ako ng nilalang na ito dito!

"Hindi ako nakikipagbiruan sa iyo. May mahalaga pa akong gagawin kaya kung pwede ba, tigilan mo ako!" Inis kong sigaw. Napahawak pa ako sa aking noo nang maramdamang may likidong tumutulo mula roon.

At hindi na ako nagulat nang makitang dugo ito..

Makalipas ang ilang segundo ang wala nang sumagot kaya pinagpatuloy ko na ang pagtakbo. Nabitawan ko ang lubid na may itim na salamangka nung nahulog ako at wala akong oras para hanapin ito.

Sa susunod nalang siguro kapag nasigurado ko na ang kaligtasan niya.
____

Nakakainis! Alam kong may kung sinong naglalaro sa akin ngayon. Paulit-ulit ko nang nadadaanan ang parte ng gubat na ito.

Tanda ko pa ang markang iniwan ko dito sa isang puno. Bakit ngayon pa?!

Ipinikit ko ang mga mata ang sinubukang kausapin ang taong hihingan ko ng tulong. Ramdam kong nanakit ang ulo ko dahil hindi ko pa lubusang nagagawa ang pagkausap sa kapwa gamit ang isip.

Kailangan ko pang magsanay.

Hindi nagtagal ay may sumagot sa aking isip ngunit...

Hindi ito si Sadro..

"Who are you?.." Isang malalim na boses ang narinig ko.

Napapikit ako sa dala nitong sakit sa ulo. Pakiramdam ko ay paulit-ulit akong unuuntog sa isang matigas na bagay.

"Ano bang kailangan mo? May gagawin pa ako!"

Hirap akong naglakad. Napahawak pa ako sa isang puno.

Nanigas ang katawan ko nang makaramdam ng matalim na bagay sa leeg ko. Isang espada.

"I asked you woman. Who. Are. You." Madiin ang bawat salita niya. Tingin ko ay galit ang isang 'to.

"Hindi mo na kailangan pang-- Arrghh!" Napaluhod ako nang wala sa oras. Tumindi ang sakit na nadarama ko sa ulo.

Gusto kong sumigaw ngunit hindi ko magawa. Ang sakit! Parang mawawala na ako sa katinuan.

"Don't forget that you're in my kingdom woman. I can do whatever I want."

Nanlalaki ang mga mata ko sa kaniyang sinabi. Ibig bang sabihin nito... nasa Verxus Kingdom ako?..

Kung ganon nga, paanong napunta sa lugar na ito ang presensya ni Arianna? Ramdam ko pang nandito siya, ngunit unti-unti na itong naglalaho kung kaya't kailangan kong magmadali.

"Kung ganon nga, King Siviero Maximus, hayaan mo sana akong makaalis dahil may mahalaga pa akong gagawin." Pinangkatitigan ko siya ng mariin para iparating na kailangan ko na talagang umalis.

"I will let you go but first let me ask you a question."

Marahan itong naglakad papalapit sa akin. Tumigil ito ng ilang hakbang ang layo sa akin.

"Why do I feel like you and her have the same presence? And... You somewhat looks like her?" Nakakunot ang noo nito habang mariin na nakatitig sa akin.

Ilang segundo akong nag-isip hanggang sa may napagtanto ako. Ibig bang sabihin nito, kilala niya si Arianna?

"S-Si Arianna ba ang t-tinutukoy mo?"

Nakitaan ko siya ng gulat sa mga mata ngunit agad din itong nawala. Para bang namalik-mata lang ako sa nakita.

"How do you know her?"

"Siya ay.. anak ko."
_____

Third Person POV

"Nasaan siya?"

Sabay-sabay na nagsiyukuan ang dalawang lalaki. Tanda ng pagbibigay galang sa mas nakatataas sa kanila.

"Nasa loob po siya, Mahal na hari." Sagot ng isa sa kausap.

Napangisi naman ang hari. Sinenyasan niya ang kasamahan na ibigay ang salaping napagkasunduan nila sa dalawa.

Halos magtatalon naman sa tuwa ang dalawang lalaki nang makita ang supot na punong-puno ng mga ginto. Nagpasalamat sila sa hari at dali-daling naglakad paalid ngunit naka-ilang hakbang pa lamang sila ay narinig nilang nagsalita ang hari.

"Bawat salita na lumabas sa inyong bibig ay katumbas ng buhay ng inyong pamilya. Malinaw ba?"

Halos maihi naman sa takot ang dalawa at parang mangmang na tumango. Matapos ng pag-uusap nila ay nagsitakbuhan ang dalawa sa takot na baka patayin sila ng hari.

"Bantayan niyo ang paligid. Siguraduhin na walang sinuman ang makaka-alam ng nangyayari sa loob." Utos ng hari sa kasamahan at pumasok na sa loob ng isang lumang bahay.

Maliit lamang ang bahay na ito. Ang bawat haligi nito ay gawa sa semento kung kaya't kahit nasa gitna ito ng kagubatan ay hindi ito nagawang masira ng mga nilalang.

Ang bahay rin na ito ay walang kahit anumang bintana. Tanging ang pinto lang ang daan upang makalabas at makapasok sa loob.

Madilim sa loob. Hindi maaninag ng hari ang taong nasa loob. Kailangan niya pang kapain sa pader kung nasaan ang pindutan ng ilaw. At hindi naman siya nabigong pailawin ang loob ng bahay.

At doon ay nakita niya ng babaeng hinahanap niya. Nakatali ang kamay at paa sa upuan at mayroong ding piring sa mata.

Ngunit ang mas nagpasaya sa hari ay ang suot nitong kwintas..

Before The Coronation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon