CHAPTER FIFTY TWO

293 5 0
                                    

CHAPTER 52: The Contest

"Sa pagkaka-alam ko, maraming babae ang sumali sa paligsahan. Ang iba pa sa kanila ay nanggaling sa iba't ibang kaharian." Magiliw na kwento ni Serra habang inaayusan ang buhok ko.

Si Seria naman ang naglalagay ng kung ano-anong kolorete sa mukha ko. Ilang beses ko pa siyang pinigilan kanina pero ayaw magpatalo.

Sa huli, wala akong nagawa kundi ang pumayag.

"Pero kung ano naman ang kinaganda ng mga mukha nila ay iyon namang ikinasama ng pag-uugali." Singit ni Seria. Napa-irap pa ito sa kawalan na ikinatawa ko. "Alam niyo bang nakausap ko iyong tatlong babae na galing sa bayan ng Tinthen. Aba't! Kung makapag-utos sa akin akala mo naman nanalo na sila sa pagiging reyna! Mukha namang mga tingting sa sobrang kapayatan!"

"Ako din, e! Iyong babaeng si Sydney Klayden, ang sama ng ugali! Hindi ko naman sinasadyang maapakan yung damit niya pero grabe kung makasigaw sa akin." Ngusong sambit Serria. "Kaya ikaw ate Arianna, mag-iingat ka sa kanila, ah? Baka kung anong gawin nila sa'yo lalo na't matunog ang pangalang Yssabellia Nova sa kanila."

Kumunot naman ang noo ko. "Matunog? Bakit?"

"Ewan ko din, ate Arianna! Pero usap-usapan na siya daw ang mapipili ng hari.." Sagot niya pero pansin ko ang unti-unting paghina ng boses niya. "K-kung ikaw si Yssabellia Nova... B-baka ikaw ang ma-mapili.."

Natigilan ako sa mapagtanto niya. Pero napa-isip rin, bakit nila naisip na si Yssabellia agad ang mapipili? Hindi ba't kaya nga may paligsahan ay para malaman kung sino ang karapat-dapat?

Pakiramdam ko may mali..

"Huwag kayong mag-alala, gagawin ko ang lahat para hindi ako manalo.."

Sabay kaming napatingin sa pinto nang may kumatok. Hindi pa man ako nakakasagot nang pumasok ang isang babaeng may katandaan na.

Agad na yumuko ang magkapatid. "Magandang umaga po, Manang Florentina." Sabay nilang bati.

Tumango lang ang matanda at seryosong tumingin sa akin. Napalunok naman ako sa itsura niya, mukha siyang strikto. Hindi ko maiwasang maalala si lola Anasya.

Hays..

"Yssabellia Nova?" Tumango lang ako. "Tapos niyo na ba siyang ayusan?" Baling nito kina Serra at Seria.

"Tapos na po." Si Seria ang sumagot.

"Yssabellia Nova. Sumunod ka sa akin." Lumabas na ito ng silid matapos magsalita.

Tumayo na ako sa upuan at hinarap ang dalawa. Kita ko ang pag-aalala nila sa akin na ikinangiti ko. Hinawakan ko ang kamay nilang dalawa at marahan itong pinisil.

"Maraming salamat sa inyo. Paano ba 'yan, alis na ako ha?"

Matapos kong magpaalam sa kanila ay lumabas na ako sa silid. Nakita ko si Manang Florentina na nakatayo sa gilid. Nang makita niya ako ay tsaka siya naglakad paalis.

Bumuntong-hininga ako bago sumunod sa kaniya. Nanginginig ang mga palad ko dahil sa kabang nararamdaman.

Hindi ko alam kung anong magiging kahihinatnan ko sa paligsahang iyon. Pero isa lang ang misyon ko.

Kailangan kong matalo.

____

"Silence!"

Lahat ng mga kababaihan sa buong bulwagan ay nagsitahimik. Tila may dumaang anghel-- hindi, demoyo pala 'yong dumating.

Maraming demonyo.

"My name is Gretchen Hudas." Ano daw? Hudas? "Ako ang magiging gabay niyo sa paligsahan para sa trono ng pagiging reyna."

Before The Coronation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon