Dark Andrew POV
"Yow, dude!" sabi ni Prince at umupo sa tabi ko. Kasama nya rin pala si Eiji at Jake. Nandito ulit kami sa.. San pa ba? Sa bar as usual.
"Dude, nabalitaan ko yung ginawa mo kanina sa library ah! Hanep ka men!"- Prince.
"Kanino mo naman nabalitaan yan?" tanong ko.
"Ano ka ba dude, balitang-balita kaya sa school. Kahit sa blog eh. Heto basahin mo." kinuha nya ang tablet nya sa bag at pinakita sakin ang nasa blog.
The typical Womanizer Dark Andrew Sandoval inviting Ms. Charmaine Elise Scott for a Date. Is he serious about this? Everyone knows that a girl is the one who ask him first for a Date. But now, he is the first one who ask a girl. Is he now change from a womanizer to a serious guy?
Napasimangot na lang ako sa nabasa ko at binalik na kay Prince yung tablet nya.
"Tss..mga tsismosa nga naman." nasabi ko na lang.
"Dude, ano naman ang naisipan mo at niyaya mo makipagdate si Ms. Warfreak?"-Jake. Hanggang ngayon pala eh warfreak pa rin ang tawag nya kay Elise.
"Nothing. I just find her interesting."
"Interesting? Paano mo naman nasabi?" -Jake.
"Gusto ko sya." sabi ko. Napatahimik sila at parang di makapaniwala sa nasabi ko. Tiningnan ko lang sila ng bored look (;一_一).
"Woah! Are you serious dude? Gusto mo sya?"- Jake na nanlalaki ang mata.
"Yeah, and whats wrong with that?"
"Wala naman hehe, edi ibig sabihin nakalimutan mo na si Bianca?"-Jake.
Sinamaan ko sya ng tingin. Sinabi ng ayokong maririnig ang tungkol sa babaing yun eh.
"Hey, hey, hey, Im just kidding ok? Sorry nabanggit lang hehe"
"Maiba tayo dude, ano palang reaksyon ni Elise nung inaya mo syang makipagdate?"-Prince.
"Mukhang nagulat naman. Pero, di sya pumayag." Sagot ko.
"Haha mukhang sya lang ang umaayaw sayo dude ah! Pambihira."-Prince.
"Kaya nga I find her interesting eh. Palaban sya." sabi ko.
"Dude, payo ko lang sayo baka ikaw rin ang masaktan sa huli. Everyone say's na nasa huli ang pagsisisi. Ingat ka lang dahil baka sa huli ikaw rin ang mahulog sa sarili mong patibong."-Eiji.
Napalingon kaming lahat sa kanya. Minsan lang magsalita ang taong to at bawat salita nya may laman.
"Pinagsasabi mo?" tanong ko sa kanya. Maging yung dalawa ay tinitigan lang sya.
"Nagpapayo lang dude. Bilang kaibigan."sabi nya at ininom ang alak nya.
Napailing-iling na lang ako sa narinig. Ako? Magsisisi? Tsk. Hindi noh, huli akong nagsisi nung minahal ko si Bianca. Pinagsisihan ko pang minahal ko sya. Alam ko ngayon na hindi na ako magsisisi sa mga gagawin ko dahil pinag-iisipan ko talagang mabuti.
"So, ngayon ano ng balak mo dude?" tanong ni -Jake.
"Aayain ulit syang makipagdate hanggang sa pumayag na sya."
"Woah! Ibang klase! Nagbabago ka na dude!"-sigaw ni Prince. Ang ingay ng taong to.
"No. Im not." sagot ko at nagtawanan lang sila. Mga siraulo.
Elise POV
"Now Elise, lets proceed to step 2. Pagniyaya ka na nya ulit makipagdate OO ka na agad."-Coleen.
Ok. Heto na naman po kami. Lagi nyang pinapaalala yan as in LAGI! 2 weeks na ang nakakalipas mula nung incident sa library at sa 2 weeks na yun walang bukambibig si Coleen kundi yan(−_−;)
"Oh, bat ganyan ka makatingin?" tanong nya.
"2 weeks." sagot ko at bumalik sa ginagawa ko. Nandito kami sa bahay at nambubulabog na naman to. Nagrereview ako dahil may prelim na bukas. Its sunday today at sya ang kasama ko dito. Wala sila kuya, may trip vacation daw sila ng mga tropa nila. Tss.
"2 weeks? Anong meron sa 2 weeks?"
Binaba ko muna yung binabasa ko sa table at tiningnan ko sya ng seryoso. "2 weeks Coleen, 2 weeks mo ng inuulit sakin yan, as in araw-araw. Nabibingi na ko sa paulit-ulit na yan. Kaya pwede tigilan mo na yan" sabi ko.
"Ok...hehe relax. Masyado ka namang hot dyan. Iniinform lang kita."
"Tss..tigilan mo na yan. Magreview ka na!" sabi ko at kinuha ko na yung binabasa ko at binasa ulit.
"No need. Tapos na ko." pagmamayabang nya at kinuha ang remote at binuksan yung t.v. Feel at home ang gaga.
"Whatever you say." sabi ko.
"Hmmp..sunget!" sabi nya at humalukipkip.
Sweet ba namen? Ganyan talaga kami.
"Nga pala Elise, bar hopping tayo bukas!" sabi nya at ngumiti ng pagkalaki-laki.
Napataas ang kilay ko sa sinabi nya. (~_^).
"Naloloka ka na ba! Msy exam tayo bukas!" sabi ko.
"Kaya nga. After ng exam."
"Give me 5 IMPORTANT reason kung bakit ako papayag na mag bar tayo."
"5 lang pala eh. Walang problema. Kasi maganda ako, maganda ko, maganda ko, maganda ko at maganda ako!"
"Pinagloloko mo ba ako?"
"Hehe. Joke lang eto naman. Syempre kelangan nating mag enjoy, pagkatapos ng katakot-takot na review dapat enjoy naman ang sunod diba! Kaya cge na pumayag ka na." sabi nya.
Napabuntonghininga na lang ako."Ok." sagot ko. Nakita ko naman ang pagkinang ng mata nya at pag ngiti. "Pero"dagdag ko. Napasimangot sya.
"Bakit may pero? Diba dapat OO na?" tanong nya ng nakakunot ang noo.
"Makinig ka na lang. Papayag akong magbar tayo KUNG makakapasa tayo."
"Yun lang pala eh! Sure!" sabi nya at dali-daling kinuha yung notes ko at binasa.
Tingnan mo nga naman. Akala ko ba nagreview na to? Tss.. Baliw.
Pero Ok na rin yun noh, mag enjoy pagkatapos ng exam. Sige, magrereview na nga rin ako.
A/N:
Votes and Comments po.
Thank you.
BINABASA MO ANG
How to Date a Womanizer and Break his Heart
RomanceDARK ANDREW SANDOVAL Mayaman ✔check Matalino ✅ check Ideal Man ✔ check Gang Leader ✔check Dark Prince ✅check Ladies Man ✅ check Lady Killer ✔ check Man Eater✅ check Manstealer ✔ check Womanizer ✅ BIG check CHARMAINE ELISE SCOTT Maganda✔check Mayaman...