Elise POV
Anong gagawin ko? I'm sure pupunta si Dark dito.
"You know what?" Napatingin ako sa kanya. Nakaupo sya sa harap ko at nakasmirk saken. I ignored what he said at sinamaan ko lang sya ng tingin.
"Paul, bakit mo ba ginagawa ito?" nawala yung ngiti nya at tinitigan ako ng matalim.
"Simple lang. Gusto kong gumanti sa Sandoval na yon and I can say na I'm lucky because of you."
"Ano bang naging kasalanan nya sayo? Please paul, itigil mo na to."
Lumapit sya sakin at hinawakan ako sa mukha.
"No! Hindi ako titigil hanggat hindi nawawala sa landas ko ang Sandoval na yon! Hindi ako titigil hanggat hindi nya napagbabayaran ang ginawa nya sa kapatid ko. Papatayin ko sya!" Sigaw nya sakin. Naiyak na lang ako sa takot. Wait, kapatid? Binitiwan nya rin naman ako.
"Ka-kapatid? A-ano bang nangyari sa kapatid mo?" tiningnan nya ako ng masama.
"Namatay sya. Nagpakamatay sya ng dahil sa Sandoval na yon. Hinding-hindi ko mapapatawad ang Sandoval na yon. Ipaparanas ko sa kanya ang naranasan ko ng mawala ang kapatid ko." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.
"Pakiusap Paul, itigil mo na to. Walang kasalanan si Dark sa nangyari sa kapatid m–"
Slap! Napaiyak ako sa sakit sa sampal na yon. Nalasahan ko na naman ang dugo sa labi ko at hinawakan na naman ako sa mukha.
"Anong karapatan mong sabihin yan ha!? Hindi mo alam ang nararamdaman ko sa pagkawala ng kapatid ko! Sya na lang ang natitira sakin pero wala na sya! Wala na sya dahil sa kagagawan ng Sandoval na yon! Eto ang tatandaan mo, isa ka lang pa-in sa kanya kaya wala kang karapatan para magsalita!" Sasampalin nya na sana ako ng may kumatok sa pinto.
"Boss nandito na sya." Nanlaki yung mata ko. Napangiti naman si Paul sa narinig nya. "Lets begin the show." sabi nyang nakangiti sakin.
No Dark. Hindi kana dapat pumunta.
Dark Andrew POV
'Go to this address after 30 minutes. Maghaharap kami ngayon ni Paul.'
I clicked the send button at bumaba na rin sa sasakyan.
30 minutes lang ang kailangan ko para mailigtas si Elise. Alam ko namang gagawa na ng paraan sila Eiji.
Napatingin ako sa paligid. What an ass Paul, Dito pala ang lungga nya.
"Yo!"
Napasmirk ako.
"Where's Elise?" I asked him.
"Woah! Masyado ka namang nagmamadali. Well, nasa loob sya. Tuloy ka. Dont worry safe ka dito. Sa ngayon."
"Wala akong panahon para makipagbiruan sayo. Pakawalan mo si Elise at tayo ang magharap."
"Sandali lang, baka nakakalimutan mo na nandito ka sa teritoryo ko. Sa teritoryo ko, ako ang nasusunod."
"Nasaan si Elise!?"
Tumawa sya. Naiinis ako dahil sa tawang yon.
"Easy dude! Tara pasok ka." He said at pumasok na sa loob. Sumunod naman ako.
Huminto kami sa isang pinto na may dalawang bantay. Nang buksan nya ang pinto at makita ko si Elise na nakatali sa upuan at nakapiring, napansin ko agad ang labi nyang may sugat at agad kong kinuwelyuhan si Paul.
BINABASA MO ANG
How to Date a Womanizer and Break his Heart
RomanceDARK ANDREW SANDOVAL Mayaman ✔check Matalino ✅ check Ideal Man ✔ check Gang Leader ✔check Dark Prince ✅check Ladies Man ✅ check Lady Killer ✔ check Man Eater✅ check Manstealer ✔ check Womanizer ✅ BIG check CHARMAINE ELISE SCOTT Maganda✔check Mayaman...