Chapter 18 King Adrian Delos Reyes

764 33 0
                                        

Elise POV

Welcome home mo..mmy..and da..ddy." sabi ko nang pahina ng pahina ang boses ng makita ko kung sino ang may ari ng kotse sa labas.

"Long time no see
.
.
.
.
.
.
cha" sabi ng lalaking nakaupo sa sofa at kausap ang mga kuya ko.

Anong ginagawa ng lalaking to dito? Tsk. Nilagpasan ko lang sila at dumiretso ako ng lakad paakyat sa hagdan.

"Bunso." sabi ni kuya Christian.

"What now, kuya? Please ayokong makipag usap sa taong yan." sabi ko.

"Ganyan ka pa rin pala, di ka pa rin pala nagbabago." sabi nung bisita namin.

King Adrian Delos Reyes, 21

"Ano naman ha? Wala kang pakelam."

"Bat ba galit na galit ka sakin?"

"Itanong mo sa lelang mo! Bwiset!" sabi ko at tumalikod na.

"Tsk. I miss you too." natigilan ako sa sinabi nyang yon. Actually kababata ko yan at galit ako sa kanya.

Flashback (10 years ago)

"promise ko sayo Cha na di kita iiwan kahit anong mangyari." Sabi nya  sakin.

"Promise yan ha?"

"Promise.  Saka pagdating ng tamang panahon, pakakasalan kita sa kahit saang simbahan."

Namula ako say sinabi nya

"Talaga?"

"Oo. Promise." sabay taas ng kanang kamay nya.

~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Hello po yaya Tasing nandyan po si Adrian?" tanong ko

"Sorry Elise iha ha, kakaalis lang nila kaninang umaga. Pumunta na silang America at doon na sila titira. Nililinis ko na lang tong bahay at lilipat na rito yung nakabili nito."

"Hindi po totoo yan yaya Sabi po nya sakin na di nya ko iiwan."

"I'm sorry iha. Mabuti pa umuwi ka na at maglilinis pa ako sa loob."

How to Date a Womanizer and Break his HeartMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon