Chapter 48 Emotionally Stress

532 17 5
                                    

Prince POV

Sigh. Napakacomplicated naman ng sitwasyon.

"Get out." Napatingin ako kay Drew ng sabihin nya to sa babae at sumalampak sa sofa.

"What!? Di pa nga tayo nag-uumpisa eh—"

"SHUT UP! I SAID GET OUT!" Sigaw nya. Tsk. Sakit sa tenga.

"Tss.. I dont believe this! I hate you!" Sabi nung babae at pinulot yung gamit nyang nakakalat at pagkalabas nya ng pinto ay padabog nya itong isinara.

Napailing na lang tuloy ako.

"Bakit nandito si Elise?"

"She talked to me. Gusto nyang magkaayos kami ni Coleen."

"Tss.. Go on. Its your life anyway."

"Dude, I think nagsisisi na si Elise sa tingin ko mahal ka talaga nya."

"Tss.. Im going." Tumayo na sya at parang wala lang sa kanya yung sinabi ko. Tsk. Ang hirap naman nito.

Elise POV

"Wala na ba sila?"

"Siguro. Buti nga sa kanya."

"Iba na yung kasama ni Drew kanina."

"Baka bumalik na naman sa pagiging womanizer."

"Napagsawaan na yata kasi sya eh. I pity her."

Para namang mga bubuyog tong mga to. Naglalakad kasi ako dito sa hallway ng school. Hindi ko kasama si Coleen dahil magkasama raw sila ni Prince, Mabuti naman at nagkaayos na sila ni Prince. Isa na lang ang problema ko. Kailangan kong maayos ang samin ni Dark.

Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko si Dark na may kaakbay na babae at mukhang masaya silang naghaharutan. Nang makita nya ako ay napatigil sila sa paglalakad pero parang wala lang ako at nagpatuloy sila at nilampasan ako. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko.

"Nakita mo yun?"

"Oo kawawa naman sya."

"Dapat lang sa kanya yan noh! Malandi kasi."

Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy parin ako sa paglalakad at dumiretso sa Cr. Pumasok ako sa isang cubicle at doon umiyak ng umiyak. Wala namang tao dahil pasukan na rin.

Masakit pa lang makita na yung taong mahal mo eh may kasama ng iba. Sobrang sakit. Iniyak ko na lang yung nararamdaman ko. Napatigil ako ng may kumatok.

"Elise?"

"Coleen?"

"Buksan mo nga tong pinto." Pagkasabi nya nun ay binuksan ko na yung pinto at niyakap sya at don ako napaiyak ng tuluyan. "Sige lang iiyak mo lang yan."

"Ang sakit. Ang sakit-sakit."

"I know. Pero wag sobra okay? Alam mo naman yung kalagayan mo."

"Salamat." Niyakap ko sya ng mahigpit. Buti na lang nandito sya.

Someone's POV

Napangiti ako sa mga litratong nasa harap ko. Kitang-kita ko ang sakit sa mga mata ni Sandoval sa mga litratong to. Konti pa, malapit ko nang maisagawa ang plano ko. I feel sorry for Elise, nadamay pa sya dito. Kailangan ko rin sya para maisagawa ang plano ko.

"Boss nakaready na po ang lahat."

"Good job. Timing na lang ang kulang. Just wait for my instruction." Malapit na. Malapit na rin kitang maipaghiganti kapatid. Ipinapangako kong pagsisisihan ni Sandoval ang nangyari sayo.

How to Date a Womanizer and Break his HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon