Chapter 50

439 24 9
                                        

Elise POV

Ouch. Ang sakit ng braso ko. Tumingin ako sa paligid ngunit di ako familiar dito. Where am I? Nasa isang kwarto ako hindi naman nakatali yung mga kamay ko pero nakakulong ako rito?

Ang natatandaan ko lang ay may van tapos mga lalaking nakaitim! Teka, nasaan yung cellphone ko? Yung bag ko? Hinanap ko pero wala. Nasaan na ba yun? At saka sino sila?

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng biglang may nagbukas ng pinto at may pumasok na apat na lalaki. Mga nakabonet silang lahat kaya di ko sila makilala.

"Si-sino kayo? Bakit nyo ko dinala rito? Anong kailangan nyo sakin?" Di sila nagsalita. "Ku-kung pera kailangan nyo, ibibigay ko. Just let me talk to my dad." sa totoo lang kinakabahan na ko. Nagulat na lang ako ng may tumawa sa likod.

"Do you think na pera mo ang kailangan ko? No, because I already have that."

"Si-sino ka ba!?" I asked. Im surprised when he looked at me. "I-ikaw!?"

"Surprised huh?" Nakangiti sya habang papalapit sa akin. I dont know pero masama ang kutob ko sa mga ngiting yun. "Ngayon ko lang nakitang maganda ka pala. Maybe thats the reason why he's damn inlove with you." hinawakan nya ako sa mukha.

"Dont touch me!"

Ngumiti lang sya. "Alam mo bang gusto ko sa lahat yung palaban?" hahawakan nya sana ako ng sipain ko sya down there. "What the fuck! Tie her!"

"No! Dont touch me!" pinipilit kong makawala sa hawak nila pero sinuntok ako nung isa sa tiyan at nanghina ako. Damn!

Nagtagumpay naman sila sa pagtali sakin sa upuan.

"Damn you bitch!" Sinampal nya ako at sigurado akong masakit yun dahil may nalasahan akong dugo.

"Alam mo bang ikaw ang magiging susi sa pagbagsak ni Sandoval. Ikaw ang gagamitin ko sa paghihiganti ko."

"Why? Ano bang kasalanan ang ginawa sayo ni Dark? Paul please pakawalan mo na ko." Pagmamakaawa ko. Ngumiti lang sya.

"Alam mo, hindi ka naman talaga dapat nandito pero since na ikaw ang kahinaan nya, ikaw ang gagamitin ko."

"Hi-hindi ko maintindihan. Ba-bakit? Ano bang kasalanan nya sayo?" Hindi nya ako sinagot at ngumiti lang sya ng malaki. Umalis sya ng hindi nagsasalita at iniwan lang akong gulong-gulo.

Naiwan na naman akong nag-iisa sa kwartong to. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pumikit ako at inisip ko sya.

Dark help me please...

Coleen's POV

"Po? Di pa po sya nakakauwi? Eh ang sabi po nya sakin hihintayin nya daw si Kuya Chan. Pinapasabay ko na nga po sakin ang kaso ayaw nya baka magalit daw si Kuya Chan." Sagot ko kay Kuya Top sa telepono. Hinahanap nya kasi sakin si Elise.

"Ah oh sige. Akala ko kasi magkasama kayo ngayon. Wala daw kasi si Elise sa school nyo sabi ni Christian eh."

"Oh sige po kuya susubukan ko pong tawagan yung iba naming kaibigan baka kasama lang nila."

"Oh sige. Thanks Coleen. Balitaan mo ko kung meron."

"Opo Kuya. Babatukan ko na rin po para sulit."

"Haha. Oh sige, sige. Bye!" San na naman kaya nagpunta yung babaeng yun? Nako talaga. Tinawagan ko si Prince.

"Yes babe? Ganun mo na ba ako kamiss at ikaw pa mismo ang tumawag? Sabi ko na nga ba head over heels ka sakin eh." Napairap ako. Hambog talaga to.

How to Date a Womanizer and Break his HeartMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon