Dark Andrew POV
"Yow dude, whats up? Mukhang badtrip ka ah!" sabi sakin ni Prince bago pa ako makaupo sa sofa. Nandito na naman kami sa bar nya at himala kumpleto kami.
"Mukhang may problema ka dude."-Jake.
"Dont mind me."
"Haha. Pambihira. Babae yan noh?"-Prince.
"Tsk." nasabi ko na lang.
"Oh men! Haha. Nagbabago ka na rin ba gaya ni Prince?"
"Manahimik nga kayo!" sigaw ko sa kanila at ininom yung alak ko.
"Si Elise ba dude?" -Eiji. Tsk. Bihira lang magsalita ang isang to.
"Yeah. Tinanggihan nya pagyaya ko sa kanya."
"Na naman? Haha. Di ka na nasanay. Di ba tinanggihan ka na rin naman nya dati?"-Jake.
"Iba ngayon. Iba ang kasama nya ngayon sa date nya."
"Nagseselos ka ba dude?"-Prince. Natigilan ako sa sinabi nya. Nagseselos ba ako?
"I dont know." sagot ko. Hindi ko alam kung nagseselos ba ako. Nang malaman ko kasi na may iba syang kasama parang gusto kong manapak. Fvck I hate this feeling.
"You know what dude?" -Eiji.
"What?"
"Your inlove." deretsong sabi nya at sabay inom ng alak nya.
"Yow! Haha. Inlove ka na dude!" -Jake.
Natigilan ako. Inlove na nga ba talaga ako?
"Im happy for you dude." Eiji.
"Yeah. I think inlove nga ako. Siguro nga nakalimutan ko na si Bianca."
"Congrats dude!" sabi ni Prince.
"Paano ba yan? Edi titigil ka na sa pagiging womanizer?"-Jake.
"Yeah and I will start courting her." I know masyadong mabilis pero gusto ko na sya. Siguro nga nakalimutan ko na si Bianca at handa na akong magmahal ulit.
"Nga pala dude, sino yung kasama ni Elise ngayon?"-Jake.
"King Adrian." sagot ko.
"Hahaha. Mukhang matindi kalaban mo dude ah! First love nya yun."
"I dont care. All I can say is Be the best man win." sabi ko sabay ngisi.
"That's my men! Congrats!"
Nagtawanan lang ang mga loko at ako? Seryoso na ako. Titigil na ako sa pagiging womanizer at pagtutuunan ko na ng pansin ang panliligaw ko kay Elise lalo na at matindi ang kalaban ko sa kanya.
Elise POV
Maaga akong nagising na may ngiti sa labi ng maalala kong okay na kami ni Adrian. Sana nga magtuloy-tuloy na to pero parang may kakaiba akong nararamdaman, parang may masamang mangyayari? Diba kasi sabi nila kapag sobra ang kasiyahan mo may kapalit na masama? Tsk. Paranoid lang siguro ako.
Bumaba na ako para kumain ng agahan at naabutan ko ang dalawa kong kuya.
"Good morning Kuy..a-" natigilan ako ng makita ko ang itsura ng dalawa kong kuya. "What's wrong kuya?" tanong ko. Sa totoo lang kinakabahan na ako eh.
"Elise." umpisa ni Kuya Kristoff. Ganyan sya pagseryoso tinatawag nya ako sa pangalan ko, hindi nya ako tinawag na Princess. Sa tingin ko talaga may problema eh. Napansin ko rin ang mugtong mga mata ng mga kuya ko. Tsk. Ano bang nangyayari?
"Kuya, ano bang nangyayari?" tanong ko at nagsisimula na rin akong maiyak. Kinakabahan na talaga ako swear.
"Elise, promise me na hindi ka magbebreakdown kapag narinig mo ang sasabihin ko?" umpisa ni Kuya Kristoff. Hindi ko na mapigilan ang mapaluha at kinakapos na rin ako ng paghinga. For god sake! May hika ako!
"Kuya please, ano ba talagang nangyayari?" tanong ko. Di ko pinansin ang sinabi nya.
"Please Princess promise me. Ayokong may mangyaring masama sayo dahil alam kong pagnagbreakdown ka, mauulit na naman ang dati na naospital ka ng ilang araw dahil sa di mo nakayanan ang sobrang pagkabigla. Please Princess sasabihin ko sayo basta ipangako mo lang na di ka magbebreakdown." tinitigan ko sya sa mata. Nangyari na rin kasi dati na naospital ako at muntik ko ng ikamatay yun. Nagbreakdown ako dahil kay Kuya nagpanic kasi ako ng malaman kong nawawala si Kuya ng tatlong araw. Wala kaming kahit na anong contact sa kanya. Ang di namin alam naistranded lang pala si Kuya sa isang isla na walang signal kasama ang mga kabarkada nya kaya ganun na lang ang pagsisisi ni Kuya ng malaman nyang nasa ospital ako at sya ang dahilan.
"I dont know kuya. Sabihin mo na kasi sakin please? Kinakabahan na ako kuya please. Susubukan kong pigilan ang emosyon ko pero di ko maipapangakong di ako magbebreakdown. Please kuya sabihin mo na." walang tigil pa rin ang luha ko sa pagpatak.
"Listen to me. Its all about mom and dad." umpisa nya.
"What happen to them?" tanong ko.
"Tumawag sakin kagabi si Dad at sinabi nyang uuwi na daw sila ngayon." nabawasan ang kaba ko ng marinig ko yun.
"Talaga kuya? Tara na sunduin na natin sila sa airport. Yan lang pala ang sasabihin mo, katakot-takot na intro pa ang sinasabi mo. Tara na! Kuya Chan kotse mo ba gagamitin natin? Halika na baka mainip na yun sila Mom and Dad." sabi ko at pinunasan ang luha ko. "Wait lang mga kuya, magbibihis lang ako para masundo na natin sila." Tumalikod na ako at hahakbang na sana ng magsalita si Kuya.
"They're gone Princess." natigilan ako sa sinabi ni Kuya at lumingon ulit sa kanila. Tumulo na naman ang mga luha ko.
"Gone? You mean wala na sa airport? Sinundo nyo na sila? Nasaan na sila?" alam ko ang ibig sabihin nila kuya pero umaasa pa rin akong mali lang ang pagkakaintindi ko.
"They're gone Princess. Wala na sila. Nagcrash ang eroplanong sinasakyan nila at di pa nakikita ang katawan nila." The moment na marinig ko ito ay napahagulgol na lang ako.
"No Kuya! Ginugood time nyo lang ako! Alam kong di totoo yan! Kuya please say it. Nagbibiro ka lang hindi ba? Kuya Chan please?" sabi ko at tumingin kay kuya Christian at isang iling lang ang ibinigay nito sa akin.
"No kuya! Please! Di totoo yan! Hindi ako iiwan nila Mom and Dad!"
"Im sorry Princess."
"No! I dont believe you! Babalik sila diba? Hindi totoong wala na sila. Di nila ako iiwan. Kuya..." sabi ko at ngumawa na talaga. Nahihirapan na din akong huminga pero pinipilit ko pa rin.
"Princess calm down please."-Kuya Kristoff.
"No! How could I calm down? This is not true! Panaginip lang to! Di to totoo! Mom, Dad please!" sa totoo lang nahihirapan na talaga ako huminga. Lumapit sakin si kuya at di ko na namalayan unti-unti na akong bumagsak at ang narinig ko na lang si kuya Kristoff na sumigaw.
"Christian call an ambulance now!" yun na lang an narinig ko and everything went blank.
A/N:
Huhuhu! Sorry guys, naiiyak ako ng itype ko to. Huehue :'))
Nasaan na kaya ang katawan ng mag asawang Scott?
Anong mangyayari kay Elise?
Matutuloy kaya ang panliligaw ni Drew?
Abangan..
Haha. Maalden kita :'))
Niknikbarbecho
BINABASA MO ANG
How to Date a Womanizer and Break his Heart
RomantikDARK ANDREW SANDOVAL Mayaman ✔check Matalino ✅ check Ideal Man ✔ check Gang Leader ✔check Dark Prince ✅check Ladies Man ✅ check Lady Killer ✔ check Man Eater✅ check Manstealer ✔ check Womanizer ✅ BIG check CHARMAINE ELISE SCOTT Maganda✔check Mayaman...
