Louise POV
"Hello? Nasan ka na ba? Kanina pa kaya ako dito." sabi ko kay Coleen. Nandito kasi ako sa mall at ang gaga wala pa. Tsk. Kahit kelan talaga ang bagal ng babaeng yun. May bonding kasi kami at ang matindi SIYA ang nagyaya. Buset.
"Hello ka din! Umuulan kaya. Traffic na sa dadaanan ko at malamang baha na rin sa dadaanan ko. Kaya mukhang di na ako makakatuloy."
"WHAT?! After so many hours nang paghihintay ko dito ang sasabihin mo lang na HINDI KA MAKAKAPUNTA? My God Coleen! Paano ko? Alam mo bang nagtaxi lang ako kasi alam kong ihahatid mo naman ako after? Napilitan na nga lang akong magtaxi. Matuloy lang to. Katakut-takot na tago ang ginawa ko kanila kuya makapagtaxi lang ako. Oh pano na to?" sigaw ko sa kanya. Mukhang pinagtitinginan na ko ng mga tao dito pero di ko sila pinapansin. Pag ako nagalit malapit na kong mainis! K. Corny.
"Hey, dont freak out. Magpasundo ka na lang kay Kuya Top o di kaya kay Kuya Christian. Sorry talaga. Di ko naman akalain na maaga kang makakapunta dyan at di ka naabutan ng malakas na ulan."
"So ngayon, kasalanan ko pa? Eh kung sapakin kaya kita?"
"He..he..hello..chappy ka..sige na babye na..di kita maintindihan eh..bye"
"Hello!..Urggh." sabi ko nang ibaba nya na yung tawag. Hindi ko rin kasi magagamit yung kotse ko na si Alex dahil nasa pagawaan. Naku talaga masasapak ko talaga yung babaeng yun. Tsk. Tinawagan ko na agad si Kuya Kristoff bago pa ko maburo dito.
"Sorry bunso. Wala ako sa bahay eh. Nandito ako sa tagaytay kasama yung mga kaibigan ko. Kanina lang din ako umalis. Malakas din ang ulan dito eh, di kita masusundo. Tawagan mo na lang si Christian at sya ang pasunduin mo." sabi nya ng sabihin ko sa kanyang magpapasundo ako.
"Sige kuya." sabi ko at binaba na ang tawag. Dinial ko agad yung # ni Kuya Christian pero ring lang ito ng ring.
Naman kuya sagutin mo!.
"Hello *hik* shino to?"
"Kuya its me si Elise."
"Uy! Kapashid ikaw pala! Haha. Baket?"
"Kuya lasing ka ba?" tanong ko. Mukhang lasing kasi kung magsalita eh.
"Shinong lasheng? Di ako lasheng noh!" sabi nya at biglang naputol ang linya.
Urgh. Nako naman! Bakit ba ang malas ko? Pano ako makakauwi nito? Ayoko naman magtaxi dahil ayaw nila Kuya. Delikado daw. Patakas nga lang yung pagtaxi ko papunta dito eh. Kahit naman siguro magtaxi ako eh baha na sa daan. Nako talaga mapapatay ko talaga si Coleen.
Oh ano nang gagawin ko ngayon? Nakakainis!
"Elise?" rinig kong tawag sakin. Lumingon ako.
"Hi! Ikaw pala Eiji." yeah tama kayo si Eiji Lee.
"Anong ginagawa mo dito? Ang lakas pa ng ulan."
"Its a long story Eiji. Ikaw anong ginagawa mo dito?"
"May dinaanan lang ako sa shop. Kanina ka pa ba dito? Pauwi ka na ba? Sinong kasama mo?"
"Chill haha. Daig mo pa mga kuya ko sa tanong mo."
"Sorry. So sa tingin ko wala ka namang kasama kaya yayayain na rin kitang kumain. Its already 7pm and malakas masyado ang ulan sa labas. So ano? Payag ka ba?" tanong nya. Since wala naman akong kasama at mukhang mamaya pa ako makakauwi nito kaya sige na nga. Papayag na ako.
"Sige. Okay lang. Mukhang mamaya pa nga ito hihinto eh."
~~~~~~~~~~~~~
"Balita ko, nagdate raw kayo ni Drew ah." sabi nya. Nandito kasi kami sa restaurant dito sa mall.
BINABASA MO ANG
How to Date a Womanizer and Break his Heart
RomanceDARK ANDREW SANDOVAL Mayaman ✔check Matalino ✅ check Ideal Man ✔ check Gang Leader ✔check Dark Prince ✅check Ladies Man ✅ check Lady Killer ✔ check Man Eater✅ check Manstealer ✔ check Womanizer ✅ BIG check CHARMAINE ELISE SCOTT Maganda✔check Mayaman...