Chapter 53

343 12 7
                                        

Elise's POV

Papalapit na sya sakin ng may marinig akong putok ng baril na para sa akin ngunit sinalo ito ni Dark at sya ang natamaan.

Nanlaki ang mata ko.

"Dark!" Nilapitan ko kaagad sya. "Ayos ka lang ba?" Tinamaan sya sa bandang balikat.

"I'm okay. Pwede ba lumayo ka sakin." Tumayo sya at nilapitan si Paul na hawak ni Eiji at Jake. Sinuntok nya to, pinigilan naman sya ni Prince.

"Damn you, Ledesma!" Tumawa lang sya at nagulat ako ng pinilit nyang makawala sa pagkakahawak ni Eiji at Jake at kinuha yung baril at pinaputukan ako ngunit humarang na naman si Dark at tinamaan sya sa tagiliran. Sunod-sunod naman na putok ng baril ang tumama kay Paul at ng tingnan ko kung sino ang bumaril ay ganon na lang din ang gulat ko ng makita si Nathan.

Naiiyak kong nilapitan si Dark.

"Dark, Dark are you okay?" Hinawakan ko sya ngunit tinabig nya lang ang kamay ko.

"I said, get out of my life!" Sabi nya at tumayo.

"Elise!" Sigaw nung dumating at ng tingnan ko ay si Coleen kasama si Kuya Chan at kuya Top.

May mga dumating na rin na mga police.

"Are you okay Princess?" Niyakap ko sila.

"I-im okay kuya but Dark is–" Nanlaki yung mata ko ng bigla na lang bumagsak si Dark at nilapitan nila Eiji.

"Let's bring him to the hospital!" Sigaw ni Jake.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Hey Princess, you should rest. Alam kong sobrang napagod ka ngayong araw na to. Hindi ka pwedeng mapagod ng sobra." Sabi ni Kuya Chan. Nandito na kasi ako sa bahay at nakatingin ako sa bintana.

"K-kuya, ano na pong balita kay Dark?"

"I heard nasa hospital na sya at nagpapagaling."

"C-can I go there?"

"Hindi pa pwede sa ngayon, kailangan mo munang magpahinga. Yun ang bilin ng doctor dahil anytime pwede kang atakihin."

"Please kuya, I want to see him."

"Okay ganito, bukas sasamahan kita doon pero sa ngayon magpahinga ka muna."

"Really kuya?! Thank you!"

"Sige na magpahinga ka na" Lumabas na rin naman sya ng kwarto ko. Pinagbawalan kasi nila akong lumabas dahil nga sa nangyari. Gusto pa nga sana akong ipaconfine sa hospital kaso umayaw ako. Ayoko ng amoy ng hospital.

Masaya ako dahil hindi naman nasaktan si Dark. Nakakulong na ngayon si Paul. Hindi naman sya namatay sa pagbaril ni Nathan. Dinala sya sa hospital at pagkatapos ay dinala na rin sya sa kulungan. Sa totoo lang naaawa ako sa kanya dahil nagawa nya lang naman yon para sa kapatid nya.

Excited na kong makita si Dark.

~~~~~~~~~~~~~

Prince POV

"Dude! Natutuwa akong ligtas ka!😭" Yayakapin ko sana sya pero pinigilan nya yung ulo ko gamit ng isang kamay nya. Dinalaw kasi namin sya dito sa hospital.

"Stop it."

"Isang hug lang naman dude! Hindi mo ba alam kung gaano ako nag-alala sayo? Ha?" Binatukan ako ni Jake.

"Dude ang O.A mo."

"Bakit ba? Nag-alala talaga ako sa kanya."

"Hindi ko alam kung paano ka naging boyfriend ni Coleen."

How to Date a Womanizer and Break his HeartMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon