Elise POV
"Ang gago mo! Di pa ba obvious? Ikaw ang mahal ko gago!" sigaw ko ulit. Natigilan naman sya sa sinabi ko.
Tsk. Ang hirap kasi sa lalaking to, magiging stalker ko na nga lang di pa ginalingan.
Pero kahit ganyan yan, mahal ko yan.
"Wha..what did you say?" nauutal na sabi nya. I cant help myself but to roll my eyes to him.
"Ayoko ngang ulitin, ano ka sinuswerte?" sabi ko at humalukipkip.
"Panira ka talaga ng moment kahit kelan, pero sige hahayaan ko na nga lang atleast ako pala ang mahal mo." sabi nya at nagtaas-baba ng kilay nya.
"Tss.." nasabi ko na lang.
"Pero teka, kung ako ang mahal mo bakit sinabi mong mahal mo yung Delos Reyes na yun? Ibig sabihin tinutwo time mo ako? Aww..bat ka nambabatok?" daing nya. Binatukan ko nga kung anu-ano kasi sinasabi.
"Manahimik ka nga! Kung anu-ano mga pinagsasabi mo. Alam mo kasi magiging stalker na nga lang kita di mo pa ginalingan sa pagstalk."
"Sinong may sabi sayong ini-stalk kita?" nakangiting sabi nya. Nag uumpisa na naman tong mang asar. Tinaasan ko nga ng isang kilay.
"Sige nga, kung di mo ko ini-stalk, bakit mo nasabing si Adrian ang mahal ko?" nakangising tanong ko. Gotcha! Kala mo ah! Napasimangot naman sya.
"Wa..wala no! Basta alam ko lang."
"Di ka marunong magsinungaling. Umamin ka na kasi sinundan mo kami ni Adrian nun noh?" haha. Nakita ko naman ang pamumula ng mukha nya at nakasimangot pa.
"Fine! Oo na, sinundan ko na kayo nun, happy?"
"So, bakit mo nga kami sinusundan? Nagseselos ka noh?" asar ko sa kanya.
"Oo nagseselos ako! Nagseselos ako dahil mukhang masaya kang kasama sya at kababata mo pa!" sigaw nya. Tsk. Problema nito? Kanina pa to sigaw ng sigaw. Binging-bingi na ako.
"Pwede ba wag kang sumigaw di ako bingi. Saka wala kang dapat na ipagselos dahil kaibigan lang ang tingin ko kay Adrian."
"I know, pero di mo maiaalis sakin ang mangamba. Nakita kitang masaya kasama sya to think na kababata mo at 1st love mo ang taong yun."
"Mahal ko si Adrian gaya ng pagmamahal ko sa mga kuya ko."
"Alam ko. Mas nanaig lang sa akin ang selos. Alam kong ganito rin ang iisipin mo kung ikaw ang nasa lugar ko, makita mo yung taong nililigawan mo at mahal mo ay may kasamang iba at 1st love nya yun?"
"Ano ka ba, wala kang dapat ipagselos. Ikaw nga ang mahal ko okay?"
"Im sorry, its just that mas matagal lang ang pinagsamahan nyo bukod sa akin."
"Dark listen, IKAW lang ang mahal ko okay? Now, leave that negative thoughts of your okay?"
"Okay I understand. Pero wait kung ako ang mahal mo bakit sinabi mong mahal mo yung Delos Reyes na yun? Ibig sabihin tinu-two time mo lang ako? Aww...bat ka nambabatok?" daing nya. Kung anu-ano kasi pinagsasabi. Kakasabi ko lang kanina gusto pang ulitin.
"Paulit-ulit? Kanina mo pa sinabi yan isa pang ulit mo sasapakin na kita. Manahimik ka nga kung anu-ano pinagsasabi mo. Sinabi ko na diba? I love him as a brother. Happy?"
"Alright. So, sinasagot mo na ako nyan?" nagulat naman ako sa tanong nya.
"Hoy Mr. Dark Andrew Sandoval, mahal kita pero di pa panahon para sagutin kita noh! Patience Mr. Sandoval, dadaan ka muna sa butas ng karayom bago mo ako mapasagot."
"Okay. Im just kidding, I'll wait for the right time and I will make sure that when that time comes, we are both happy." Sabi nya and he held my hands. "Lika na ihahatid na kita gabi na baka mayari ako sa mga kuya mo. Hindi pa maging boto sa akin." natawa na lang ako sa sinabi nya. Tsk. Marunong din palang magselos ang womanizer na ito. I know naman na nagbago na sya and Im thankful for that.
Sasakay na sana ako sa kotse nya ng may maramdaman na naman akong kakaiba sa dibdib ko. Parang naninikip ito at di ako makahinga! Urgh! Ghad! Hinihika ako!
"Hey, you okay? May hika ka ba?" natatarantang tanong nya. Ghad! Nahihirapan akong huminga.
"Yu..ng in..ha..ler..ko.." nahihirapang sabi ko. Sya naman ay nag umpisa ng magkalkal sa bag ko. Lagi ko na kasing dala yung inhaler ko dahil madalas akong sumpungin.
Nang makuha nya ay iniabot nya rin sa akin.
Maya-maya ay umayos na rin ang lagay ko. Pinaupo nya ako sa loob ng kotse nya at tiningnan ako.
"You okay now?"
Huminga muna ako ng malalim bago sya sagutin.
"Yeah. Thanks."
"Di mo naman sinabi sa aking may hika ka pala."
"Actually, akala ko wala na itong hika ko na ito eh. Nung bata kasi ako madalas akong sumpungin. Nawala na lang nung mag 18 ako and now nagbalik ulit."
"Okay. Basta kapag sinumpong ka ulit, sisiguraduhin ko na nandito lang ako sa tabi mo para alagaan ka." sabi nya at hinawakan ang kamay ko.
"Thanks Dark." nasabi ko na lang. Ginulo nya ang buhok ko habang nakangiti at nag umpisa na syang magdrive.
Hay..walang duda, MAHAL ko na nga ang lalaking to.
Pero wait, napapadalas ang pagsumpong ng pananakit ng dibdib at pagkakapos ng hininga ko. Hika lang naman ito diba?
Urgh! Bahala na nga. Di ko na muna ito iisipin. I know na simpleng hika lang ito.
Konti na lang Dark, mapapasagot mo na rin ako. Sa tamang panahon.
Someone's POV
"Boss heto na po." sabi nya at inilapag ang mga litratong pinapakuha ko sa kanya. Napangisi ako ng makita ko kung sino ang nasa litrato.
"Good. Any other scoop?" tanong ko.
"Eh boss balita ko eh nililigawan nya ang babaing ito." napatingin ako sa babaing nasa picture at napangisi ako.
"So boss, anong plano mo?" ngumisi lang ako sa tanong nya at sinamaan sya ng tingin.
"Its none of your business. Tapos na ang trabaho mo. Pwede ka ng umalis. I will deposite the payment on your account as soon as possible. You may now leave." seryosong sabi ko.
"Thanks boss." sabi nya at lumabas na.
Tiningnan ko ang mga pictures na nasa harap ko at napangisi na naman ako.
Hindi pa ngayon ang oras. Maghintay ka lang at sisiguraduhin ko sa susunod na pagkikita natin ay natupad ko na ang sinabi ko sayo. Sisiguraduhin ko na higit pang sakit ang mararamdaman mo gaya ng sinabi ko.
Naikuyom ko ang kamao ko at nalukot ang mga litratong hawak ko.
Hahayaan muna kitang maging masaya ngayon, pero darating ang araw na pagsisisihan mong binangga mo pa ako.
Dark Andrew Sandoval
A/N:
My ghad! Nabebeastmode ako! Actually di ito yung original kong nagawa. I dont know pero nadelete yung original na tinype ko kaya ayan pinilit kong alalahanin kung ano ba yung tinype ko at yan ang kinalabasan.
I hope na okay naman.
Anyways, may hula na ba kayo kung sino itong Someone na ito? Kung sino ang unang makasagot I will dedicate the next chapter to him/her. Feel free to comment. Salamat.
Thanks for supporting.
Mga Aldub Fans! Punta tayong Philippine Arena! Tahahaha.
BINABASA MO ANG
How to Date a Womanizer and Break his Heart
RomanceDARK ANDREW SANDOVAL Mayaman ✔check Matalino ✅ check Ideal Man ✔ check Gang Leader ✔check Dark Prince ✅check Ladies Man ✅ check Lady Killer ✔ check Man Eater✅ check Manstealer ✔ check Womanizer ✅ BIG check CHARMAINE ELISE SCOTT Maganda✔check Mayaman...
