Chapter 12 The Date

1K 35 2
                                        

Elise POV

"Ayan. Ang pretty pretty mo na like me." sabi ni Coleen. Nandito kasi sya sa kwarto ko at inaayusan ako. Kelangan ko RAW para sa date ko mamaya with Sandoval.

"Hindi mo naman ako kailangang ayusan eh."

"Ano ka ba? Si Dark Andrew Sandoval kaya yun. Dapat nagmukha kang presentable pagkasama mo sya. Pano ka makakaproceed hanggang step 10 kung magmumukha kang yaya nya." napataas ang isa kong kilay sa sinabi nya.

"Bakit? Anong palagay mo sakin ngayon? Mukha ba akong yaya ha?"

"Wag kang O.A Elise. Figure of Speech lang yon. Wag ka na ngang mag inarte dyan. Oh ayan perfect! Ang galing ko talagang make up artist!" sabi nya ng matapos na nya akong makeupan.

"Oh eto sukat mo na. Galing pang Europe yan at personal kong design yan at gusto ko ikaw ang unang magsusuot nyan. Sige na bilis." sabi nya at inabot ang kulay Violet na tube dress, 1 pair of violet shoes and 1 violet ring. Ok? Ayaw nya sa violet.

"Teka nga, bakit ganto ang design? Ano ako aattend ng J.S Prom?"

"Ano ka ba? Parang di mo naman ako kilala. Hello! I love Fashion right? Go na! Wag ng maarte." sabi nya at tinulak-tulak pa ako.

"Teka last na, bakit violet?"

"I love violet. That's simple." tinulak nya ulit ako.

"Last na talaga. Bat may kasama pang singsing?"

Napahawak sya sa sintido nya at tumingin ng matalim sakin.

"Nako naman Elise, ang kulit mo talaga. Oh sya sya, kaya yan violet kase favorite color ko and like as I said personal design ko yan. Bakit may singsing? Wala lang trip ko lang. Ok na? Isa pa sasapakin na kita"

Hindi na ko nagsalita at dumiretso na sa C.r at nagbihis. Tsk. Pasaway talaga tong kaibigan ko na to.

Lumabas na ako ng C.R at tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa.

"Perfect! I told you, magaling ako sa ganyan!" pagmamalaki nya pagkakita nya sakin. Tumingin ako sa malaking salamin dito sa kwarto ko at masasabi ko ngang magaling nga talaga tong kaibigan ko.

"Oo na. Psh. Salamat." sabi ko at may kumatok sa pinto at bumukas ito. Si kuya Christian.

"Panget. Nandyan na sundo mo." sabi nya ng nakasimangot.

"Naman kuya eh. Nang aasar ka na naman." sabi ko. Nilingon ko si Coleen at mukhang tuod na nakatayo sa tabi ko. Nga pala may crush nga pala to kay Kuya Christian.

"Joke lang. Ganda mo kapatid. Galing mag ayos ni Coleen eh." sabi nya sabay kindat pa kay Coleen. Alam nya kasing may gusto si Coleen sa kanya pero di nya yun tinitake for granted. Nakakalungkot mang sabihin kaso hanggang kapatid lang talaga ang tingin sa kanya ni Kuya. Kawawang kaibigan haha.

"Baba na kapatid. Baka nagisa na ni Kuya Top yung Date mo. Tsk. Mas pogi pa ko dun eh." sabi nya at umalis na.

"Huy,tulala ka na dyan." siko ko kay Coleen.

"My God Elise! Did you saw that? Kinindatan nya ko! Heaven!" sabi nyang kinikilig pa.

Pinitik ko nga yung noo nya. Nagdedaydream na naman eh.

"May Prince ka na. Landi mo. Kapatid lang turing sayo ni Kuya noh."

"Alam mo ikaw, panira ka ng moment eh. Hmmp." sabi nya at tinawan ko lang sya. Pagbaba namin sa sala ay naabutan namin sina Kuya Kristoff at Kuya Christian na kinakausap si Sandoval. Nang makita nya ako ay tumayo sya.

How to Date a Womanizer and Break his HeartMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon