Elise POV
"Kamusta buhay ng pagiging taken?" tanong sa akin ni Coleen.
"Ano bang klaseng tanong yan Coleen?"
"Hello!? First boyfriend mo kaya si Drew at take note ha concern lang ako sa lovelife ng kaibigan ko." sabi nya at tinaas-baba pa ang kilay nya.
I cant help myself but to roll eyes to her.
"Tigilan mo nga ako." sabi ko na napapangiti ng maalala ko feeling ng inlove. Tsk. Bat ba ako kininikilig.
"Lalala namumula sya oh! Tinanong lang kung kamusta pagiging taken ganyan na reaction mo! Hahaha inlove na kaibigan ko."
"Oo na wag ka na ngang mang asar dyan!" natatawang sabi ko. Lakas talaga mang asar nito kahit kailan. "Pero seryoso, naikwento sakin ni Dark na isa ka sa tumulong nung araw na sagutin ko sya. Salamat ah!" dagdag ko pa.
"Ano ka ba!? Wala yun. You know what? Sa tingin ko sobrang seryoso na talaga sayo nun ni Drew kasi alam mo, habang ginagawa namin yung preparations, para syang di matae sa excitement at isa pa ang laki ng ngiti nya."
Muntik na akong matawa. Seriously? Di matae? Loko talaga tong babaeng to.
"Uy! Kinikilig na naman sya!" asar nya sa akin at sinundot pa ako sa tagiliran.
"Tigilan mo na nga yan. Tara na nga. Gala tayo my treat." sabi ko. Nanlaki naman ang mata nya.
"Really?! Kyaah! Gusto ko yan! Mwhahahaha ihanda mo na credit CARDS mo." tuwang-tuwa na sabi nya. Tsk. Parang bata. "Teka, anong naisipan mo at manlilibre ka?"
"Wala. Pambawi ko lang sayo. Ang tagal na kasi nung huli nating gala eh at isa pa pasasalamat ko na rin sayo sa pagtulong mo kay Dark."
"Okay, okay tara na. Excited na ako sa new shoes, new dress and new bags! Madadagdagan na naman mga collections ko!" Natawa na lang ako sa reaction nya. Napakaisip bata talaga nito.
Dark Andrew POV
"Bwahahaha congrats dude! Cheers!" sabi sa akin ni Prince. Nandito na naman kasi sa favorite spot namin—Ang Bar nya. Kumpleto kami rito.
"Salamat sa tulong nyo hindi magtatagumpay yun kung hindi dahil sa inyo."
"Wala yun dude! Sinu-sino pa ba magtutulungan kundi tayo-tayo lang." Prince said.
"Basta dude ang mahalaga masaya ka na ngayon at mukhang nabago ka ni Elise." Jake said.
Yeah. He's right. Nabago nga nya ako.
"Since nagbago na ang lahat may kailangan lang umamin dito sa atin." napalingon kami lahat kay Jake na nakatingin kay Eiji.
"Umamin? Sino?" tanong naman ni Prince.
"Bilisan mo na dude umamin ka na." sabi nya kay Eiji. Tiningnan namin sya. Napasigh naman sya.
"Okay. Drew dude, I loved Elise before." lahat kami nagulat sa sinabi nya.
"What?!" sigaw ko at kinuwelyuhan ko sya.
"Easy dude, that was before. Makakamove on din ako pero isa lang ang payo ko dude. Dont hurt her. Ako mismo ang kukuha sa kanya pag nangyari yun." seryosong sabi nya at binitiwan ko na rin naman sya.
"Di mangyayari yun. Wala akong dahilan para saktan ko sya."
"Usapang lalaki yan."
BINABASA MO ANG
How to Date a Womanizer and Break his Heart
Storie d'AmoreDARK ANDREW SANDOVAL Mayaman ✔check Matalino ✅ check Ideal Man ✔ check Gang Leader ✔check Dark Prince ✅check Ladies Man ✅ check Lady Killer ✔ check Man Eater✅ check Manstealer ✔ check Womanizer ✅ BIG check CHARMAINE ELISE SCOTT Maganda✔check Mayaman...
