Chapter 56

326 14 9
                                    

Coleen's POV

"W-what?" Naaawa akong tingnan ngayon si Drew. "Hindi yan totoo! Sabihin mo sakin! Hindi yan totoo!" Umiiyak na sabi nya habang hawak-hawak ang kwelyo ni Nathan.

Nalaman na nya kasi ang totoong kalagayan ni Elise. Nagulat ako ng biglang tumingin sa sakin. Nilapitan nya ako at hinawakan ako sa balikat.

"Totoo ba?! Coleen sabihin mo saking hindi to totoo!" Umiling lang ako habang patuloy ang pag-agos ng luha ko.

"T-totoo lahat yun Drew. May sakit si Elise."

"No! Hindi yan totoo." Sabi nya habang patuloy ang pag-agos ng luha nya. "Kelan pa!? B-bakit hindi ko alam?"

"I-Im sorry Drew. Ayaw ipaalam sayo ni Elise kasi-"

"Fvck! At ano ang dahilan nya?!"

"Ayaw nyang malaman mo kasi, ayaw nyang mag-alala ka para sa kanya."

"Kelan nya balak sabihin saken? Kapag wala-" Pinigilan nya kung ano man ang sasabihin nya at humagulgol na lang. Sa totoo lang naawa ako sa kanya. "I want to talk to her. "

"Pero Drew,  hindi pwede. Hindi mo ba narinig yung sinabi nila Kuya Top?"

"Fvck!  Wala akong pakialam! Gusto ko syang makausap!"

Lumabas si Kuya Top galing sa ICU at galit na galit na kinuwelyuhan si Drew. Kahit ako nagulat.

"Bakit nandito ka pa!? Hindi ba sinabi kong umalis kana!?"

"K-kuya, Kuya nakikiusap ako.  Gusto kong makausap si Elise.  Parang awa mo na." Nagulat ako sa ginawa ni Drew ng lumuhod sya sa harap ni Kuya Top at nagmamakaawa.

"Drew, tama na yan." Awat ko sa kanya at pinipilit kong itayo sya pero itinaboy nya lang ako.

"Kuya please.. Gagawin ko ang lahat hayaan mo lang akong makausap sya please..."

"Umalis ka na! Simula ngayon ay wag na wag ka ng magpapakita pa samin."

"Please.. Please..."

"Umalis ka na." Tinalikuran lang sya ni kuya at umalis. Naiwan syang umiiyak habang nakaluhod. Wala kaming magawa lahat kundi ang maawa sa kanya.

Elise's POV

Iniharang ko ang kamay ko sa mata ko ng masilaw ako sa ilaw. Walang duda nasa hospital na naman ako. Bat di na lang kasi ako natuluyan? Pinapahirapan lang ako.

Lumingon ako sa paligid at lahat sila tulog. Si kuya Top at kuya Chan natutulog sa sofa, si Coleen tulog din sa isang sofa, si Prince naman ganun din. Si Mom, si Dad ganun din.  Pansin kong pagod na sila.

I tried to sit and thankfully I succeeded. Napalingon ako sa pinto at muntik ng atakihin sa puso ng may mapansin akong tao na nakasilip. Lumakas yung kabog ng dibdib ko ng malaman ko kung sino yung taong yun. Yung taong mahal na mahal ko.

Pumasok sya ng dahan-dahan. Sinenyasan ko syang sa labas na kami mag-usap. Kinuha nya yung wheelchair sa tabi at tiningnan ko lang sya. Anong gagawin ko sa wheelchair? Hello! Nakakalakad ako noh!

Tumayo ako at naglakad papunta sa pinto sumunod naman sya sakin at sya ang nagtulak nung lagayan ng dextrose ko. Konti lang yung mga taong nakakasalubong namin sa hallway. Gabi na kasi kaya siguro mga tulog na din yung ibang pasyente. Dumiretso kami sa labas.

Napatingin ako sa langit at natuwa sa dami ng stars. Napangiti ako. Ang ganda!

Nawala yung ngiti ko ng makita ko syang nakatitig saken. Shemay! Natutunaw ako!

How to Date a Womanizer and Break his HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon