Elise POV
Nakarinig ako ng katok sa pintuan ng kwarto ko. Di ko yun pinansin at nagtalukbong ng kumot.
Sadyang makulit nga lang ang taong kumakatok na yun at patuloy pa rin sa pagkatok. Pansin ko lang ha, sa mga nakalipas na episode eh palaging may nang-iistorbo ng tulog ko. Yung totoo? Lakas ng trip ah!
"Urghh" daing ko ng may dumagan sakin.
"Hoy babae! Tumayo ka na nga dyan."
"Coleen pwede wag ngayon. Inaantok pa ko." tsk. Nandito na naman tong babaing to.
"Hoy, wag mo kong artehan dyan ah! Ano yan ha?" sabay tanggal ng kumot na nakatalukbong sa mukha ko. "Tingnan mo nga yang mata mo, para kang isang taong walang tulog."
Inirapan ko lang sya at nagtalukbong ulit. Sya naman si tanggal.
"Ano ba?" reklamo ko.
"Anong ano ba? Yung totoo anong ginawa mo buong magdamag? Hindi ka natulog kakaiyak? Ano ganun-ganun na lang, magpapatalo ka na lang sa mestisang hilaw na yun? Pwede ba, hindi ikaw ang Elise na kilala ko." Di ko na napigilan ang umiyak.
"Waah!! Ang sakit kasi eh.. Ang sakit, sakit. Bumalik lang si Bianca feeling ko-"
"Feeling mo talo ka na? Tigilan mo na yan kundi sasampalin kita. Cheer up! Wag ka magpatalo sa mestisang hilaw na yun. Kaya pala di kami magkasundo nung first meeting namin eh." Si Bianca pala at yung babaing nakaaway namin nung isang araw sa restaurant ay iisa.
Sigh. "Hindi naman sa ganun, yung ngiti ni Dark nung makita nya ulit si Bianca ay ibang-iba sa ngiti nya kapag kasama nya ako."
"Eh ano naman kung magkaiba ang ngiti ni Drew? Hello!? Ngiti lang yun. Saka pwede ba, wag mo kong dramahan dahil hindi bagay."
Sinamaan ko sya ng tingin. Nagdadrama ako rito eh.
"Hoy babae! Don't you dare glaring at me, baka nakakalimutan mo yung ginawa mo kagabi. Basta-basta ka na lang umalis pagkatapos mong makita yung Oh-So-Hugging Scene nung dalawa."
BINABASA MO ANG
How to Date a Womanizer and Break his Heart
RomanceDARK ANDREW SANDOVAL Mayaman ✔check Matalino ✅ check Ideal Man ✔ check Gang Leader ✔check Dark Prince ✅check Ladies Man ✅ check Lady Killer ✔ check Man Eater✅ check Manstealer ✔ check Womanizer ✅ BIG check CHARMAINE ELISE SCOTT Maganda✔check Mayaman...
