Chapter 22 The Confession

798 29 0
                                        

Coleen POV

"What!? Sige po Kuya Kristoff pupunta na ako." Sh*t ano bang nangyari kay Elise? Tsk. Agad akong nagpunta sa ospital at pinuntahan ang room ni Elise. Naabutan ko naman sila Kuya Christian at Kuya Kristoff na nakaupo.

"Kuya ano pong nangyari?" sabi ko nang paglapit ko rito. Pansin ko ang pamamaga ng mata nilang dalawa. Teka, naguguluhan na talaga ako. Ano bang nangyari?

"She passed out ng sabihin ko sa kanyang wala na sila Mom and Dad."

"What do you mean na wala na sila tito at tita?" tanong ko.

"Nagcrash yung eroplanong sinasakyan nila nung pabalik na sila rito at hindi nakita ang katawan nila."

"Wala na sila pero di nakita ang katawan nila? Naguguluhan ako kuya."

"Kami rin naguguluhan pa. Tsk. Kailangan naming pumunta ni Chan sa pinangyarihan ng aksidente kaya tinawagan ka namin para ikaw muna ang magbantay kay Elise."

"I see kuya. Sige po ako ng bahala kay Elise. Basta balitaan nyo na lang po ako kung ano na po ba ang totoong nangyari kanila tita."

"Sige salamat."

"Sige po ingat po kayo." sabi ko at bago sila umalis ay hinalikan muna nila sa noo si Elise.

Maya-maya nagring ang cellphone ko. Si Prince tumatawag. Sinagot ko naman ito.

"Hi babe!" bati nito.

"Prince please. Wag muna ngayon okay? Busy ako." mangungulit naman kasi sakin to eh.

"Huh? Busy saan? Nasaan ka ba?"

"Im in the hospital."

"WHAT?! Bakit ka nandyan? May masama bang nangyari sayo? Saang hospital yan pupuntahan kita." halos mabingi ako sa sigaw nya.

"Prince wag kang O.A, nandito si Elise binabantayan ko."

"Bakit? Anong nangyari kay Elise?

"Wag ka nang maraming tanong, pumunta ka na lang dito." kahit kelan talaga ang kulit ng lalaking to.

"Ikaw talaga, gusto mo talaga akong makita eh."

"Ang kapal ng mukha mo! Jerk!" Hambog talaga to kahit kelan. Tsk.

"Chill haha. Sige pupunta na lang ako dyan isasama ko si Drew. Saang ospital ba yan?"

"St. Lukes hospital. Room 406."

"Okay sige pupunta na ako. I love you." Tsk. Namula naman ako sa sinabi nya. Kinikilig ako eh bakit ba?

"Oo na sige na bye na." sabi ko.

"Ouch. Ang sakit naman nun. Wala bang I love you too dyan?"

"Manahimik ka na nga lang dyan! Kung pupunta ka pumunta ka na! Bye! I love you too!" sigaw ko sa kanya and I ended the call. Tsk. Pulang-pula na ang mukha ko rito at buti na lang walang ibang tao rito at tulog na tulog pa rin si Elise. Ano kayang nangyari sa babaing to? Tsk. Pasaway kasi, pero sana nga walang nangyaring masama kanila Tito at Tita. Kawawa si Elise pagnagkataon. Haisst. Ang daming problema ng babaing to.

Dark Andrew POV

"Drew halika sumama ka sakin." Aya sa akin ni Prince pagbalik nya rito. Nandito na naman kami sa bar nya. Teka, iuutusan ba ako nito?

"Inuutusan mo ba ako?"

"Nice one haha."-Jake.

How to Date a Womanizer and Break his HeartMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon