Chapter 36 The Visitor

529 17 0
                                    

Elise POV

-_- Yan ang itsura ko ng magising ako. Si kuya Chan kasi ang nakita ko pagmulat ng mata ko.

"What now kuya?"

"Good morning too." sagot nya. Tinaasan ko nga ng kilay. Ang aga-aga eh nantitrip na naman.

"Bakit nandito ka sa kwarto ko? Kuya naman, ang aga pa para asarin ako."

"I know. Mas gusto ko ngang lagi kang inaasar eh."

"Whatever kuya. Bakit ka nga kasi nandito?"

"Tss.. Para sabihin ko sayo, kanina pa ako katok ng katok sa pinto mo kaso nga lang mukhang tulog mantika ka talaga kaya nagdecide na ako na pumasok at gisingin ka."

"Oo na. Tss.. Bakit ba kasi?" masarap kayang matulog.

"May bisita ka sa baba. Kanina pa yun, ayaw ka nga nyang ipagising eh."

Bisita? Si Dark?

"Si Dark?"

Tamo to. Inirapan ako.

"Unfortunately hindi. Ngayon ko nga lang sya nakita eh. Bata tell me, nanlala-lake ka noh?" tinaasan ko nga ng kilay. The heck!

"Hindi noh!"

"Tss.. Bumaba ka na. Kanina pa naghihintay sayo yun." sabi nya at umalis na sa kwarto ko.

Napatulala na lang ako ng isarado nya yung pinto. What the hell!

Sino naman kaya yun? Hindi naman daw si Dark eh. Makapag-ayos na nga.

Minutes had past nang matapos ako sa mga rituals ko. Bumaba na ako at nakita ko ang lalaking nakaupo sa sofa at umiinom ng kape habang tinititigan ng dalawa kong kuya. Okay? Problema ng mga kuya ko? Pero ayos din tong lalaking to, mukhang nag eenjoy pa syang tinititigan ng mga kuya ko eh. Teka, sino ba to?

Lumapit ako sa kanila at nakilala ko rin kung sino. Si Nathan lang pala.

"Buti naman nandito ka na." nakasimangot na sabi ni kuya Chan. Problema nito?

"Bunso sabihin mo lang kung tinu-two time mo si Sandoval kaso nga lang isipin mo muna na masakit sa ego nya yun. Bilang lalaki alam ko pakiramdam nun." dagdag naman ni kuya Top. Tinaasan ko tuloy sila ng kilay.

"Pinagsasabi nyo kuya?"

"Sabihin mo lang kung nanlalalake ka."

"What the hell! Ofcourse not! Kuya naman." Nakakahiya naman kay Nathan. Tiningnan ko sya at mukhang nag-eenjoy syang panuorin kami. Okay, ang weird ng taong to.

"Joke lang. Alam ko naman kung gaano mo kamahal yung Sandoval na yun eh. Sige asikasuhin mo na bisita mo." sabi nya at tumayo na.

Sinimangutan ko naman si kuya Chan na nakangisi sakin at iiling-iling na sumunod kay kuya Top.

"Sorry dun." sabi ko.

"Nah, its okay. Actually naenjoy ko naman haha."

"Silly. Nga pala, nag almusal ka na ba?"

"Ang sweet mo naman. Anyway, salamat sa tanong pero yup kanina pa."

"So pinapalabas mo na matagal akong gumising?"

"No, no, no. I mean I already ate my breakfast before I go here."

"Okay. Nga pala ano bang sadya mo?"

How to Date a Womanizer and Break his HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon