Chapter 23 His Promise

804 31 0
                                        

Elise POV

Nagising ako ng may kumakatok sa pinto ng kwarto ko. Tsk. Sabi ng ayoko muna ng istorbo ngayon eh. Hinayaan ko lang kung sino mang poncio pilato na kumakatok at nagtalukbong lang ako ng kumot.

Masyado lang talaga makulit ang taong yun at patuloy pa rin sa pagkatok. Tumayo ako at binuksan ang pinto.

"What the fuck! Tingnan mo nga yang itsura mo!" sigaw sa akin ni Kuya Chan. Pagbukas ko ng pinto. Tinaasan ko lang sya ng kilay.

"Ano ba kuya? Di ba sabi ko ng ayoko po ng istorbo?" sabi ko.

"Mag ayos ka nga muna." sabi nya at tuluyan ng pumasok sa kwarto ko.

"Ano bang problema mo sa itsura ko kuya?"

"Hay ewan ko sayo. Tumingin ka na lang sa salamin. Gusto ko lang ipaalala sayo na hindi ka pa kumakain simula kagabi at almost two months ka ng nagmumukmok sa kwarto mo."

Yeah, tama sya. Mula ng maaksidente sila Mom ay di na ako lumalabas sa kwarto ko. Binigyan ako ng 2 Months excuse absenses sa school dahil sa nangyari kanila Mom. Hanggang ngayon ay di pa rin nakikita ang katawan nila at umaasa pa rin akong buhay pa sila. Gabi-gabi akong umiiyak at iniisip na buhay pa sila, sana nga dahil umaasa pa rin akong buhay pa sila.

Pumatak na naman ang luha ko at nilapitan ako ni kuya para yakapin.

"Kuya.." hikbi ko sa kanya habang yakap ako.

"Sshh...tahan na bunso. Wag ka nang umiyak okay. Di pa rin naman kami tumitigil ni kuya Top sa pag alam sa totoong nangyari kanila Mom. Magagalit si mom pag nalaman nyang pinapabayaan mo ang sarili mo."

"Thank you kuya. Im sorry for being a hard headed." sabi ko.

"Its okay baby, alam ko namang nag aalala ka lang kanila Mom but dont worry okay, ginagawan na namin ni Kuya Top yun ng paraan."

"Yeah. Sana nga buhay pa talaga sila Mom."

"Umaasa rin naman kami. Oh sya, tama na nga tong kadramahan natin. Di bagay satin. Bumaba ka na sa baba. Hinihintay ka na ni King."

Tsk. Oo nga pala. Matagal na rin pala akong walang kinakausap kahit isa sa kanila. Kahit si Coleen. Pumupunta sya rito at ginagambala ako pero sinasabi ko lang sa kanya na wag na muna nya akong gambalain eh ang gaga sinunod naman ako. Haha. Kahit si Dark ay di ko rin kinakausap. Tumatawag sya sa phone ko at kung minsan ay nagpupunta rito sa bahay pero di ko rin sya kinakausap. Bakit ba? Madrama lola nyo eh!

How to Date a Womanizer and Break his HeartMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon