Chapter 39 Weird Text Message

635 20 2
                                        

Prince POV

Hi! Kamusta kayo? Namiss nyo ba ako? Well sino nga bang di makakamiss sakin?

"WTH dude! Pwedeng wag kang tumunganga dyan at tulungan mo kami?" Napatingin ako sa nagsalita at ang walang hiyang si jake lang pala. Tsk, sirain daw ba ang moment nang gwapong si AKO?

Nandito na naman kasi kami sa bar KO at unfortunately bar close muna kami. Nirentahan kasi ni Drew tong buong bar ko, Alam nyo na business is business. Mas malaki kikitain ko kay Drew, isang bagsakan lang instant kwarta na haha. Kailangan ko na rin kasing mag-ipon, alam nyo na para sa future.

Para saan yung pagrent ni Drew ng bar ko? Well may surprise na naman kasi yung lover boy na yun kay Elise kaya heto busy kami sa pag-aayos. Naniniwala kasi syang galit si Elise sa kanya, ewan ko ba naman sa lover boy na to. Nakausap ko naman na si Coleen at sabi nya ay di naman galit si Elise. Ewan ko ang gulo nila. Tsk buti pa ako gwapo na, may Coleen pa. San ka pa!

"Nakahithit ka na naman ng drugs noh? Sabi ko sayo tigil-tigilan mo na yan eh." dagdag nya.

"Lul, di ako nagdadrugs. Tutulad mo pa ako sayo."

"Mukha ka kasing sabog dyan eh. Ngumingiti mag-isa."

"Pwede ba dude, mind your own business."

"Okay, mind your own business pala, edi ikaw na bahala mag-ayos dito."

"Oy oy oy! Joke lang. Dude naman di ka naman mabiro." kinapitan ko agad sya sa braso ng aalis na sana sya.

"Yuck dude! Bitiwan mo nga ako nakakadiri ka." makaiwas naman to, kala mo may nakakahawang sakit ako.

Nagtataka ba kayo kung bakit ayaw ko syang paalisin? Well, wala kasing tutulong sakin na magdesign nitong bar ko para mamaya. Ayaw naman ni Drew na ipagawa sa iba saka pabor din sakin yun dahil di ko na kailangang magbayad ng labor sa gagawa. Libre kasi kung etong dalawang to ang gagawa este kami palang tatlo. Teka, may kulang.

"Teka dude, nasan pala si Eiji?"

"Huh?" lumingon-lingon kami pero di namin sya makita. "Oo nga, wala sya. Nasan na kaya yun?"

Nakita ko naman sya sa di kalayuan at mukhang nagbabasa na naman ng libro nya.

"Dude, what do you think your doing?" tanong ko pagkalapit ko pa lang sa kanya.

"Nagbabasa."

"WTH dude! Alam kong nagbabasa ka pero ang ibig kong sabihin bakit ka nagbabasa dyan. Di mo man lang kami tutulungan?"

"Kaya nyo na yan." walang ganang sagot nya. Teka, I smell something fishy ah! Napangisi tuloy ako.

"Tell me dude, are you jealous?" tanong ko sabay akbay sa kanya.

Tiningnan naman nya ako ng masama at sinara yung libro nya at tumayo

"Nasan ba yung aayusin ko rito?" sabi nya habang inaayos yung lamesa. I knew it haha!

"Move on na pare, dami pang ibang babae dyan."sabay tapik ko sa kanya sa balikat.

"Tss.."

Haha! Buti pa ako walang problema sa lovelife. Mahal na mahal kasi ako ni Coleen eh, baka magpakamatay yun pagnakipaghiwalay ako haha! Hay, makapag-ayos na nga nang matapos na.

Elise POV

"Huy!"

"Ay palaka!" muntik ko ng mabitawan yung cellphone ko dahil sa nanggulat sakin. "Coleen naman! Bat ka ba nangugulat dyan? Aatakihin ako sa puso nyan eh"

How to Date a Womanizer and Break his HeartMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon