" So, Elise goodluck sayo ha! Sana magtagumpay ka."
"Oo ba! Magtatagumpay ako noh! Ako si Charmaine Elise Scott ang mananakit ng puso ni Dark Andrew Sandoval na isang womanizer! Kaya humanda ka Sandoval! Maipaghihiganti ko na ang mga kababaihan!"
Pagkasabing pagkasabi ko nito ay narinig namin na biglang sumara yung pinto sa rooftop. Nagkatinginan kami ni Coleen. May nakarinig ng usapan namen?
"Mr. Morie, may kasama po ba kayo dun kanina?" tanong ni Coleen.
"Wala po Maam Coleen. Ako lang po mag isa dun kanina at hinihintay ko lang po na tawagin nyo po ako."
"Kung ganon sino nagsara nung pinto? Hala! Baka may nakarinig ng usapan natin?"Natatarantang sabi ko. Pano pag nakarating to kay Sandoval? Palpak ang plano.
"Wag kang O.A Elise. Malay mo hangin lang yon. Saka bihira lang magpunta mga estudyante dito.Hello! Ang hangin kaya dito sa rooftop. Masyado ka kasing exaggerated dyan."
"Sa bagay. Hehe"
Pakiramdam ko talaga may nakarinig samen eh o talagang exaggerated lang ako? Ay ewan.
Coleen Han POV
Hi readers!! Im Coleen Han, 20, described me in one word? Gorgeous, 3rd yr.Taking up BSBA major in MARKETING MANAGEMENT. Yun lang hehe. Limited lang ng info ko noh? Eh sinabi na ni Elise yung iba eh. Anyways about sa Contract, sure na sure na ko dun at alam kong kayang kaya ni Elise yun. Yun pa, eh dakilang Womanizer Hater yun eh. Pinag iisipan ko pa kung pano ko mapapaniwala si Prince na gusto lang namin mapatino si Dark. Totoo talagang nililigawan nya ko noh, actually crush ko na sya dati pa. Kaso nga lang womanizer sya kaya di ko na rin sya gusto.
Tulad ni Elise ayoko sa womanizer. Im here at his car. Sinundo nya kasi ko. May date daw kasi kami.
"Prince."-Umpisa ko. Nakakakaba naman to.
"Yes?" tanong nya ng di tumitingin sakin. Nakafocus kasi sya sa pagdadrive.
"Ahm..itatanong ko lang sana kung pwede mo ba kaming tulungan ni Elise?"
"Si Elise? Bakit? Anong problema?"
"Ahm..di naman yun problema eh, I mean papatulong lang kami. Di lang namin kasi alam kung pano."
"Sige. Ano ba yun?"
"Actually, tungkol to kay Andrew eh."
"Kay Dark? Bakit?"
"Eh, kasi diba womanizer si Drew. Balak sana namin syang patinuin. Hehehe matagal na kasing may gusto si Elise kay Drew eh."
Waah! Huhuhu! Sorry Elise kung sinabi kong matagal ka ng may gusto kahit na wala naman, wala kong maisip na dahilan.
"Are you serious?"-tanong nya pagkahinto ng sasakyan. Eh? Bat huminto? Tumingin muna ako sa labas bago sya sagutin. Nasa labas pala kami ng restaurant.
"Deadly serious. Kaya tulungan mo kami."
"Ok. Anong tulong naman ang gagawin ko?"
"Hmm.. Naisip ko na tulungan mo kami kung paanong aayain ni Drew si Elise na makipagdate sa kanya."
"Nako, mukhang mahirap ata yan ah. Mga babae kasi ang nag aaya na makipagdate kay Dark. Pero, sige susubukan ko."
"Talaga tutulungan mo kami?"
"Susubukan ko. So, tara. Tuloy na natin date naten. Sayang naman outfit mo *wink*" -loko talaga to. Sana nga nagbago na itong isang womanizer na to.
BINABASA MO ANG
How to Date a Womanizer and Break his Heart
RomanceDARK ANDREW SANDOVAL Mayaman ✔check Matalino ✅ check Ideal Man ✔ check Gang Leader ✔check Dark Prince ✅check Ladies Man ✅ check Lady Killer ✔ check Man Eater✅ check Manstealer ✔ check Womanizer ✅ BIG check CHARMAINE ELISE SCOTT Maganda✔check Mayaman...
