Elise POV
Nandito na kami sa tapat ng bahay nila pero yung kaba ko ay di pa rin naaalis. Ganito ba talaga ang feeling ng ipapakilala ka sa magulang ng mahal mo?
Paano kung di pala nila ako tanggap para kay Dark? edi tapos na kami.
Nawala ang mga iniisip ko ng hawakan ni Dark ang kamay ko.
"Relax. Magugustuhan ka nila." sabi pa nya. Wala na akong nagawa kundi ang tumango na lang sa kanya.
Dumiretso na kami sa pinto at mapapanganga ka na lang sa yaman ng isang to. Tsk.
"Kyaaah!! Kuya!" Nagulat na lang ako ng may babaeng sumulpot sa kung saan at niyakap si Dark. Ang ganda naman nya. I think mga nasa 14-16?
"Hey, ganyan mo ba ako kamiss?"
"Oo naman kuya miss na miss na miss na miss na miss na kita! Kaya nga natuwa ako ng bigla ka na lang nandito." Natigilan sya at tumingin sya sa gawi ko at ngumiti sakin. Nginitian ko rin sya pabalik. "Oh, may kasama ka pala kuya. Hi ate ganda!"
"Hi!" nakakatuwa naman. Napakajolly nyang tingnan.
"Oh! by the way lil sis, Girlfriend ko si Charmaine Elise Scott-"
"KYAAAH!!! Talaga kuya girlfriend mo sya?!" putol nya sa sasabihin ni Dark. Nakakatuwa naman sya.
"Aist! Dont shout. Where's Mom and Dad?"
"Tss.. Ang sungit mo talaga hmmp. Pababa na yung mga yun. Oh nandyan na pala."
"Andrew iho, welcome back." sabi nung babaeng kakababa lang na sa tingin ko mama nya. Napalunok tuloy ako. Grabe ang ganda naman nya mas mukha pa nga yatang dalaga kesa sakin eh. -_-. Katabi nya ang isang gwapong nilalang na sa tingin ko ang tatay ni Dark. Bat ang gaganda ng lahi nito?
"uhm yes mom, dad kaya ako nagpunta rito para ipakilala sa inyo si Elise po girlfriend ko." sabi nya at hinawakan ang kamay ko. Napalunok ako ng nakatingin lang sila sakin at hindi nagsasalita. Eto na ba yun? Ipagtatabuyan na ba nila ako? Ayaw ba nila sakin? Napawi ang mga negative thoughts ko ng ngumiti sakin yung mama nya.
"Finally! Ang galing mo pumili Andrew, she's pretty." sabi ng mama nya.
"ahm.. thank you po Mrs. Sandoval." kinakabahang sabi ko.
"Just call me tita na lang. Tutal girlfriend ka naman na ng anak ko eh. Your very pretty. Right hon?"
"Yeah. your mom's right Drew, mana ka talaga sakin magaling kang pumili."
"Asus. Umandar na naman pagkahambog mo. Mabuti pa kumain na tayo ng sabay-sabay. Tamang-tama pala pagluluto ko, kaya pala may feeling ako na kailangan kong maghanda ng maraming pagkain eh."
~~~~~~~~~
"Fuchsia Reen Sandoval, stop staring at her." Suway ni Dark kay.. Ang cute naman ng pangalan nya (Pronounce as Fusia) pansin kong ang hilig nila sa first name ay mga kulay. Cool naman ng parents nya.
"Bakit ba kuya? Epal ka."
Napatingin kaming lahat sa Dad nila ng magsalita ito.
"Reen. How old are you again?"
"16 Dad. Why?" sabi nya ng nakakunot ang noo. Cute.
"Then act like a 16 years old lady." seryosong sabi ng Dad nila. Creepy.
"Yes Dad. Sorry."
"Ehem by the way how'd you two met?" tanong ni mama este ni tita. Pambasag na rin siguro sa seryosohan.
BINABASA MO ANG
How to Date a Womanizer and Break his Heart
RomanceDARK ANDREW SANDOVAL Mayaman ✔check Matalino ✅ check Ideal Man ✔ check Gang Leader ✔check Dark Prince ✅check Ladies Man ✅ check Lady Killer ✔ check Man Eater✅ check Manstealer ✔ check Womanizer ✅ BIG check CHARMAINE ELISE SCOTT Maganda✔check Mayaman...