Dark Andrew POV
"Oh bat ganyan yang mukha mo?" Tanong ni Prince pagdating ko rito sa bar nya. Wala yata yung dalawang asungot ah. Si Prince lang kasi ang nandito. Tsk. Naiinis pa rin ako.
"Bwiset yang Delos Reyes na yan."
"Oh bakit? Ano namang meron sa karibal mo?" Sabi nya at nilapag yung 2 alak. Kinuha ko yung isa at nilagok ito.
"Woah! Mukhang malaki yata yang problema mo sa lalaking yun ah. Ano bang nangyari?"
Tsk. Pagnaaalala ko kung ano ang sinabi ni Elise sa lalaking yun, hindi ko mapigilang hindi mainis.
"Si Elise sinabi nyang mahal nya yung gagong yun."
"Pano mo naman nalaman?"
"Narinig ko."
"Narinig mo? Teka, teka naguguluhan ako. Pano mo narinig?"
Sinamaan ko sya ng tingin. Tsk. Mali yatang dito pa ako nagpunta.
"Easy lang, wag mo naman akong patayin sa tingin. Marami pa akong pangarap at kawawa naman si Coleen pag nagkataon." Sabi nya.
"Tss.."
"Magkwento ka na kasi."
"To make the story short sinundan ko sila dahil magkasama sila at nung pauwi na sila narinig ko na sinabi ni Elise na mahal nya yung gagong yun."
"Oh tapos?" tanong nya.
"Anong oh tapos?"
"Ano ba yan, akala ko pa naman matalino ka oh sige para malinaw, anong ginawa mo pagkarinig mong sinabi ni Elise yun?"
Ah..teka? Ano nga bang ginawa ko nun?..
"Umalis?"
"Umalis ka na lang basta?"
"Oo kahit sino naman gagawin yung ginawa ko."
"Ang bobo mo." Nagpanting ang tenga ko sa sinabi nya.
"Anong sinabi mo?"
"Sabi ko bobo ka." sabi nya. Tumayo agad ako at kinuwelyuhan sya.
"G*go ka ba? Bobo ka dyan?"
"Easy, nagsasabi lang ng totoo. Kahit sino naman ganun ang iisipin kung ganyan ang ginawa mo. I mean, bakit ka agad umalis? Di mo man lang ba hinintay kung anong susunod na sinabi nya?" sabi nya. Binitawan ko na rin sya agad.
"Tsk. Para saan pa?"
"So tama nga ako? Di mo man lang pinatapos ang sasabihin nya? Tsk. Alam mo dude, hirap kasi sayo bigla ka na lang nagcoconclude dyan-"
"Tsk. Nagpunta ako rito para ibuhos yung sama ng loob ko hindi para sermonan mo." putol ko sa sasabihin nya at ininom ang alak ko.
"Ewan ko sayo dude. Tsk. Malala na talaga tama mo kay Elise." Iiling-iling na sabi nya at ininom na rin ang alak nya.
BINABASA MO ANG
How to Date a Womanizer and Break his Heart
RomanceDARK ANDREW SANDOVAL Mayaman ✔check Matalino ✅ check Ideal Man ✔ check Gang Leader ✔check Dark Prince ✅check Ladies Man ✅ check Lady Killer ✔ check Man Eater✅ check Manstealer ✔ check Womanizer ✅ BIG check CHARMAINE ELISE SCOTT Maganda✔check Mayaman...
