Elise POV
Step #4 Avoid physical intimacy with him for as long as posible."
Agad ko syang naitulak at dali-dali kong sinuot ang damit ko. Shet! Muntik na yun!
"Hey, hey im..im..im sorry." sabi nya.
"A..aalis na ko." sabi ko at dali-daling kinuha yung cp ko sa bed side table.
Shet! 200 miss call and 185 mssgs! Seriously? at puro kay Kuya Kristoff and Kuya Christian lahat! shet lagot ako.
"Ihahatid na kita."
"No!" sigaw ko sa kanya. Di pwede lalo na't nafifigure out ko na na galit ang mga kuya ko.
Di ko na sya hinintay pang magsalita at dali-dali na akong umalis.
Dasal ako ng dasal na sana hindi galit ang mga kuya ko na imposibleng mangyari.
Pagbaba ko ng taxi ay agad akong pumasok sa bahay.
"Kuya top, hindi pa rin sumasagot sa tawag ko eh." sabi ni kuya Christian.
"Lagot talaga sakin yan." -kuya Kristoff. Napalunok ako ng laway sa narinig ko. Lagot na tlaga ako.
"Uhm.." sabi ko. Napalingon sila sakin at dali-dali silang lumapit sakin at niyakap ako.
Agad rin silang lumayo ng may marealize sila. Tsk. Kala ko pa naman nakalusot na ako.
"San ka galing young lady?" sabi ni kuya kristoff at umupo sa sofa kasunod si kuya christian.
"Uhm..kuya sorry kung ngayon lang ako nakauw—"
"Hindi yan ang sagot sa tanong ko. Saan. Ka. Galing." putol nya sa sasabihin ko. Again, napalunok na naman ako.
"Sa..sa bahay ng kaibigan ko." sabi ko at yumuko. Nakakatakot pa namang magalit si kuya Kristoff.
"Sino yang kaibigan mo? Si Coleen ba?"
"No Kuya."
"Then who!? My god Elise! Sino ba kami ha? Mga kuya mo kami pero di mo man lang naisip na nag aalala kami rito? Di mo man lang naisip na magtext kung nasaan ka! Stop being immature!" sigaw ni kuya. Di ko na napigilan ang sarili ko at naiyak na rin ako. Ayoko talagang nagagalit sila eh.
"So..sorry na mga kuya. Kasama ko kagabi si Dark. Inalagaan ko kasi sya dahil may sakit sya and nakalimutan kong magtext dahil nakatulog na din ako. Sorry." sabi ko habang humihikbi.
"Natulog ka sa bahay nya at kayong dalawa lang?! Nag iisip ka ba?"
"Kuya sorry na please wag ka nang magalit."
"Wag mo akong daanin sa paganyan-ganyan mo. Responsibility ko kayo kaya ako nagagalit. Sana inisip mong may mga kuya kang nag aalala kung nasan ka! Alam mo bang wala pa kaming tulog ni Chan (Christian) kakaalala sayo! Stop being childish!" sigaw ni kuya Kristoff at umalis. Ganyan kasi sya pag nagagalit ayaw nya ng lumaki pa ang gulo kaya sya na lang ang umiiwas.
"Kuya Chan, Im sorry po." sabi ko at humagulgol. Niyakap naman nya ako.
"Sa susunod bunso, magsabi ka kung nasan ka ha para di nagagalit nang ganun si kuya Top. Hayaan mo na yung mga nasabi nya, galit lang yun kaya ganun." sabi nya at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.
"Yeah. I understand kuya Top. He's just protecting me and Im sorry po sa nagawa ko promise di ko na uulitin."
"Good girl. Oh sige na tumahan ka na. Panget ka na nga lalo ka pang pumapanget." sabi nya at pinisil ang mukha ko.
BINABASA MO ANG
How to Date a Womanizer and Break his Heart
RomanceDARK ANDREW SANDOVAL Mayaman ✔check Matalino ✅ check Ideal Man ✔ check Gang Leader ✔check Dark Prince ✅check Ladies Man ✅ check Lady Killer ✔ check Man Eater✅ check Manstealer ✔ check Womanizer ✅ BIG check CHARMAINE ELISE SCOTT Maganda✔check Mayaman...
